Masakit no'ng una pero nakalimutan ko na rin at napatawad ko na sila, karma na lang bahalang gumanti.

"Hmm... so far masaya naman ang buhay single," sagot ko. He probably got what I meant without me saying it outright.

"Sa pogi mong 'yan wala kang girlfriend?"

Mapagbiro talaga 'tong si Rave. Para akong babae na balak nyang pormahan. Gantong-ganto ang linyahan ng mga fuckboy na lalaki na gustong magpasikat sa babaeng crush nila, e.

Amputa.

"Oo, pogi talaga ako, Rave, pero wala talaga akong girlfriend ngayon. Study first din. Busy rin sa training kaya hindi na rin mapagsabay," sagot ko ulit.

Tumango-tango ito. "Yeah, I saw some of your highlights on Tiktok last season. You continue playing volleyball pala?"

"Oo, hilig ko kasi talaga 'yon. Ikaw? Hindi mo na talaga tinuloy? Sayang naman 'yon."

Magaling kasi talaga syang attacker. Best duo nga ang tawag sa amin noong junior high kami dahil setter ako at sya ang attacker ko. Since grade 7 to grade 9 teammate kami sa varsity team ng School, nakakaabot kami no'n kahit Regionals or Division level.

Ang saya lang maalala.

Good old days...

“I still play but just for fun now. Whenever I have free time. I’m not ready to commit fully as an athlete again.”

"Sabagay! Mahirap namang pilitin ang sarili kung hindi na tayo ganoon na nag-e-enjoy lalo't commitment and time-management talaga ang need sa pagiging volleyball player. Iyong galing ka sa school tapos may training kayo, tapos uuwi ka ng gabi pero gagawa ka pa muna ng plates," sabay tawa.

Naalala ko na namang ang nakakapagod na sem na darating. Wala pa naman pero gusto ko na agad magpahinga kasi siguradong patayan na 'yon.

He nodded at what I said. “I can feel your energy slowly draining,” he touched my shoulder and tapped it. “If you survived last season, you’ll survive this one too.”

"Siyempre, ako pa!" mayabang kong sagot saka kami nagtawanan.

Nagpasiya na rin kaming umuwi dahil alas onse na rin pala. Sumabay na sya dahil isang street lang naman ang pagitan ng bahay namin sa kanila. Mas mauuna lang ang sa amin kaya mag-isa na syang uuwi.

Naubos na ang ito-topic namin kaya pareho na kaming tahimik. Ayaw ko naman mag-cellphone dahil parang ang sama namang tingnan lalo't sya rin kasi ay hindi nag-ce-cellphone.

Sa sobrang bored tuloy ay pinagmamasdan ko na lang ang anino naming dalawa.

Kahit sa anino kitang-kita ang pagitan ng laki namin. Sobrang tangkad talaga ni Rave. Siguro kasi kahit paano may lahi, half spanish kasi ang Mommy nito kaya may resemblance kahit paano sa itsura at matatangkad sila.

"Nakapag-enroll ka na ba? Last day na ng enrollment sa Tuesday, ah?" pagsisimula ko ulit ng bagong topic.

Hindi ko na kaya ang awkwardness na 'to.

"Hindi pa nga, e. Ikaw ba?"

Umiling ako. "Hindi pa rin. Babalik ako sa Lunes ng hapon para makapag-enroll ako ng Martes."

"Uh, pwedeng sumabay?"

"Saan? Mag-enroll?"

Naku! Gustuhin ko mang samahan at isabay sa enrollment 'tong si Rave, sigurado namang magwawala iyong si Paulo.

Sa sobrang titig no'n sa table nila Tristan no'ng nag-bar kami, imposibleng hindi nya nakita o namukhaan itong si Rave. Gulo lang iyon sigurado.

"Pwede rin. Pero kung pwede bang sumabay sa'yo sa Lunes pa Maynila? Kung ayos lang naman..."

Huh?

Sasabay sya sa'kin pabalik ng Manila? Bakit? Ang ibig kong sabihin, hindi ba sya na a-awkward?

Kasi ako — oo.

Okay naman kami. Maayos nga syang kausap e — pero tangina alam mo 'yon? May ilang pa rin siyempre.

Hindi ko alam kung mas gusto ko na lang mag-isa bumyahe pabalik o kung ano, e. Pero siyempre ayoko naman maging masama, sasabay lang naman 'yong tao, e.

"Mag-g-grab lang ako no'n."

"Then that's better. I'll go with you."

Nagkatinginan kami kaya ngumiti ako. "Sige."

Tangina talaga. Ang awkward.

"Uy, dito na 'ko," I said as we finally reached my white gate.

He looked at the gate and nodded, smiling. “Alright. Thanks, and goodnight, Cade.”

“Thanks. Goodnight too, Rave. Take care.”

He just smiled again and walked away. Nanatili ako roon para panoorin siya pero hindi naman sya lumingon pang muli kaya hinintay ko pang makalayo na sya bago ako nagpasiyang pumasok sa loob.

The awkwardness between Rave and me — or maybe just me — was palpable. But it was fine. I was happy to see him, yet something felt… unusual. He was easy company, yes, but the silence, the way things were, it was like we weren’t really okay being just friends.

Ewan ko.

Ang gulo, putangina!

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now