Ikaw lang....
Tumango sya. "Ngayon na lang ako ulit nakapunta rito. Nakita kasi kita noong isang araw sa bar sa Manila kaya akala ko wala na kayo rito."
"Uh, doon na kasi ako nag-college."
Oh ano na, Cadence? Awkward natin, ah? Isang tanong isang sagot? Tangina kasi ba't ganito.
Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos no'n. Nagulat nga ako nang mauna syang matapos kaysa sa akin. Ano bang kain ang ginawa nya? Nginuya nya pa ba o diretso lunok na?
Ang bilis nyang makaubos. Magaling kumain, ah?
"Oh, ba't natatawa ka? Tumatawa ka nang mag-isa, Cadence. Iba na 'yan," pagbibiro nya.
Umiling ako. "Hindi, may naalala lang."
"Girlfriend? Siguro dito ang dating place nyo ni Samantha. Kayo pa rin ba?"
Si Samantha amputa.
Oo nga pala, sya ang dahilan kung bakit naging kami no'n. Ipagsigawan ba namang crush ko si Samantha, edi nalaman at wala akong nagawa kundi umamin tapos ayon — naging kami rin.
Grade 9 pa lang ako no'n pero malakas na talaga ako sa chiks.
Hays. Iba talaga kapag gwapings, e.
"Hindi na, ah? Nag-break din kami agad bago magbakasyon. Hindi mo na alam kasi bigla ka na lang naglaho."
Totoo naman. Noong 4th quarter ng grade 9 kami biglang in-announce na nag-transfer na raw sya. Wala syang naging pasabi no'n kaya ang awkward din ngayong nagkita kami ulit.
Naging magkaibigan kami noon pero siyempre nakakailang ngayon kasi ang tagal na rin no'n at kumbaga wala kaming closure noong umalis sya.
"I had to transfer here in Manila. Dad got sick. Biglaan lang din kaya hindi na ako nakapagpaalam sa'yo."
Sus! Uso naman na ang Facebook no'n. O kaya chinat nya sana ako sa Facebook, hindi ko naman sya i-i-ignore.
"E, ikaw? May girlfriend ka? Ba't 'di mo sya isama rito? Magandang food trip place 'to para sa couples."
"I don't do girlfriends," sagot nya.
Wow! Lakas makapogi ng sagot. Sabagay, pogi naman talaga 'tong si Rave. Naalala kong marami ang nagkakagusto sa akin noong grade 7 pero kalagitnaan no'ng taong 'yon no'ng nag-transfer sya noong naging matunog din ang pangalan.
Simula no'n pareho na kaming naging crush ng bayan.
Kadiri pakinggan.
Ang lakas maka F4 ng dating kaso dalawa lang kaming laging magkasama noon.
Isa pa, magka-team kami sa volleyball. Setter ako simula noon habang sya naman ay outside hitter. Hindi ko lang alam kung nag-continue ba sya sa paglalaro pero mukhang hindi na. Kung ganoon nga, sayang naman. Ang lakas pa naman nya noon, lalo pa sana ngayon.
"Hindi nga? Hindi ka pa nagkaka-girlfriend?"
"Nagka-girlfriend na pero hindi rin nagtatagal. Ngayon ayoko muna, study first," sagot nya saka tumawa.
I laughed too but shook my head. I suddenly remembered he was part of Tristan’s group. Kung malalaman 'to ng mga tukmol lalo na ni Paulo, siguradong gulo na naman 'to.
Ang OA pa naman ng hayop na 'yon.
"Ikaw?"
"Anong ako?" naguguluhan kong tanong.
"May girlfriend ka ngayon?"
Umiling ako. Tagal na rin no'ng huli kong girlfriend na as in seryoso. Two years ago na rin 'yon no'ng Senior High. Actually first girlfriend ko 'yon kaso nag-cheat sa kaklase lang din namin.
String 03
Start from the beginning
