Mga kinse minutos na paglalakad ay narating ko ang parke sa labas ng village. The number of vendors had grown since the last time I was here. The crowd reminded me of Binondo’s busy streets, full of life and noise.

Hinanap ko agad iyong paresan. Tatlong tindahan iyon pero pinili ko iyong may mas malawak na pwesto pa kahit paano. Mukhang masarap naman lahat.

Lumapit ako roon at kumuha ng order saka umupo sa bakanteng lamesa. Medyo maliit iyon, pang dalawahan lang.

Ang kapal naman ng mukha ko kung doon ako uupo sa pang limahang upuan. Inilabas ko ang phone ko at pinicturan ang lugar saka nag-story sa Facebook.

Papansin lang, iinggitin ko lang ang mga tukmol na pasarap buhay ako ngayon.

While waiting, I scrolled through my feed, sharing posts — mostly about volleyball, my passion.

“Uh, mind if I join you?”

I looked up and saw Rave. He was smiling, but just a subtle smile. He wore a casual black shirt and gray shorts, with those stylish sandals —just like mine. He still looked like someone from a wealthy family. Nakarelo pa na mukhang mamahalin.

Kapag 'yan nanakaw rito.

Joke.

"Sige lang."

Tangina ayan na naman. Ang awkward na naman. Magkakilala kami, okay. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Dapat ba kumustahin ko siya? Ipaalala ko na lang 'yong pagsauli nya ng wallet ko no'ng isang araw?

Edi paulit-ulit naman ako no'n.

Parang tanga lang.

"Tinatawag na ata ang pangalan mo."

I snapped out of my thoughts when he spoke.

Damn it!

"Huh?"

He looked toward the vendor shouting my name.

"Sir Cadence raw, order mo na ata 'yon."

"Uh, oo."

Para akong tangang tumayo, muntik pang sumabit ang paa ko sa upuan. Tangina talaga. Gusto ko lang naman kumain nang mapayapa.

I grabbed my order and went back to our seat. He watched me, smiling again.

Hindi ba sya nangangawit kakangiti riyan?

"Uh, kain!" anyaya ko.

"Sige lang, wala pa 'yong akin, e."

Kumain na ba ako? E, tangina parang titingnan lang ako nito kumain e.

"Sige, hintayin na kita para sabay na tayong kumain."

"Hindi na, Cade, mauna ka na. Medyo matagal pa 'yong akin kasi kaka-order ko lang."

Tinawag nya akong Cade! Ibig sabihin naaalala nya talaga ako.

Itanong ko kaya kung bakit nag-transfer sya dati?

Huwag na, ang chismoso naman ng dating ko.

I started eating, and he wasn’t looking at me. He kept glancing around, no phone in sight.

Wala pa ako sa kalahati ng kinakain ko nang tinawag ang pangalan nya para sa order niya. Hindi rin naman nagtagal nang dumating sya bitbit din ang pares na binili.

"Nakita ko ang lola mo kahapon, dito pa rin pala kayo nakatira," bukas nya ng panibagong topic.

"Oo, hindi naman kami umalis."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now