Tumango ako. Tama naman si nanay, alam ko rin naman iyon. Wala namang kasalanan ang kapatid ko sa ama. Hindi naman sya ang nagsabi sa tatay kong buuin sya. Babati ako kahit sa text lang at magpapadala ng regalo. Ayos na 'yon.
Hindi rin ako nakatulog nang maaga dahil napasarap na ang panonood ko ng mga random videos sa Tiktok.
Ang lalakas din talaga ng humor ng mga tao ngayon, bentang-benta sa akin ang mga contents nilang nakakatawa.
Pasado alas-dose na rin ako dinalaw ng antok pero 'di bale, kahit hanggang hapon akong matulog ay walang pipigil sa akin.
Ganoon nga ang nangyari kinabukasan. Alas-tres na ako ng hapon nagising, sulit na sulit ang tulog ko. Panis na ang 8 hours of sleep na 'yan dahil ginawa kong 15 hours ang recommended na 8 hours of sleep lang.
"Oh! Akala ko sa hapunan na kita makikita, Kuya, e," asar ni Miko sa akin nang makita ako.
"Ang panget mo kasi, ayaw kong masira ang araw ko kaya ngayon lang ako lumabas."
Sumimangot sya. "Si Kuya naman! Minsan ka na nga lang andito mapang-asar ka pa."
"E, hindi naman ako nagbibiro, honest nga lang ako, e."
"Suntukan na lang oh!" hamon nito, tumalon-talon pa na akala mo nasa boxing ring sya.
Tiniklop ko ang manggas ng t-shirt kong suot at flinex ang muscles ko. "Hindi ka ba natatakot dito, Ko? Naku! Isang untog mo lang dito at magkakabukol ka talaga."
"Ayan ang joke, Kuya. Ang funny mo talaga."
"Aba! Loko ka, ah?"
Dinilaan lang ako nito at lumabas na, dala ang bola ng basketball. Hindi man lang ako inaya maglaro. Ang batang 'yon talaga. Palibhasa ayaw nyang malaman ng mga tropa nyang may pogi at magaling syang pinsan na mag-basketball.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pagkain saka dinala sa sala, sakto namang kakapasok lang ni nanay. Nagdilig daw sya ng halaman.
Nagkuwentuhan lang kami sa sala habang nanonood ng pelikula roon na hindi ko naman masundan ang istorya dahil parang patapos na.
Wala rin akong ginawa ng hapong iyon kung hindi mag-cellphone. Kain, ligo, at tulog lang ang ginagawa ko rito nang literal. Naiintindihan kasi ni nanay na kapag nandito lang ako totoong nakakapagpahinga dahil pagbalik ko ng Maynila ay pagod na pagod na naman ako.
Nang mag-alas diyes, kakanood ko ng kung ano-ano ay may sikat na paresan na dumaan sa news feed ko.
Pucha, natakam naman ako.
Naalala ko na may hilera ng nagtitinda rito ng mga midnight snacks sa labas ng village namin. I grabbed my black hoodie and wallet.
Hindi na kalayuan ang labas ng village dahil halos bungad lang naman ang bahay namin kaya kahit maglakad lang ako ay safe na safe. Marami rin ditong poste dahil pinagawa ko. Joke. Alaga lang kami ng Presidente ng asosasyon dito kaya maraming street lights.
Dito sa Cavite na ako lumaki. Dito rin kasi kami nakatira noong hindi pa namamatay si mama. Sa General Trias lang din, iba lang ng village.
I was in sixth grade when Mom died of cancer. Simula high school ay dito na ako tumira kay nanay.
Kasama ko rito ang pinsan kong si Ate Margie at ang asawa nya kaso ay parehong nasa ibang bansa kaya ang kambal ang dumito at syang nakakasama ni nanay kapag nasa Maynila na ulit ako tuwing pasukan.
Nasa 67 na rin si nanay pero malakas na malakas pa ang katawan. Sabi ko nga na kumuha na kami ng kasambahay dahil may pambayad naman dahil nagsusustento si Papa at ang pinsan ko sa ibang bansa — para na rin hindi sya napapagod, kaso ay huwag na raw dahil hihina lang sya kung parating nakaupo o higa.
String 03
Start from the beginning
