"Hahaha, hindi naman siguro ako ganoon kabilis mabuntis? Tignan mo hindi pa tayo nagkaka-anak ngayon," hindi napigilan ni Elara na i-bring up ang topic na iyon dahil kagabi niya pa ito iniisip at sino mag-aakala na ang una niyang balita na maririnig ngayon araw ay ang pagbubuntis naman ni Fiona.

Napatahimik si Damian, hindi niya alam pano niya aaminin kay Elara na planado niya talagang hindi muna magka-anak dahil sa hindi pa nila alam kung pano gagawan ng paraan ang kondisyon ni Elara. Ayaw niya ma offend ang kaniyang Luna, hindi niya rin alam pano sasabihin kay Elara ang kondisyon niya, ayaw niyang masira ang magandang ngiti ng kaniyang Luna.

"Magkakaroon din tayo, siguro ay hindi lang din talaga naayon ngayon. Ayaw siguro mastress ng pup natin kaya ayaw niya muna mabuo kasi ang daming problem ng parents niya," sagot ni Damian at niyakap si Elara sa kaniyang likuran, pinaikot ni Damian ang kaniyang mga braso sa maliit na bewang ni Elara at hinalikan ang leeg ni Elara.

"Mamarkahan muna kita saka tayo bubuo ng pamilya natin okay?" Sagot ni Damian at tumango lang si Elara dahil ito rin ang napag-usapan nila kagabi. Gusto niya na lamang magtiwala kay Damian sa bagay na ito.

"Anong plano nila Alpha Diego? Pano nila paparusan si Fiona niyan ngayon na dinadala ninto ang anak ni Elijah? Paniguradong gagamitin niya ito sa advantage niya sa iba niya pang plano," sagot ni Elara dahil kilala niya ang stepsister niya.

"Iyon din ang pinoproblema nila, pero panigurado na tuloy naman ang pag-upo ko bilang Alpha ng pack. Napag-usapan na rin sa council kanina ang bagay na ito at kahit hindi gusto ng ilang pack members ng Nightraven ay wala silang nagawa, may ilang kondisyon lang din sila nais ibigay sa akin para hindi magkaroon ng abirya," sagot ni Damian at tumango si Elara.

Hindi siya nakasama sa council meeting kanina dahil siya naman ang humawak ng ilang trabaho na naiwan ni Melody, ayos lang naman sa kaniya dahil alam niyang ipapaliwanag din naman sa kaniya ni Damian ang mga nagpag-usapan ng pack council.

"So bali hindi magiging isa ang dalawang pack, magkahiwalay mo 'tong papatakbuhin?" Tanong ni Elara dahil iyon ang nabasa niya sa summary report ng meeting kanina.

"Iyon na nga, mananatiling Forestheart at Nightraven ang dalawa, pero para hindi sila mag-away sa pamamalakad ko at isipin na nagkukulang ako sa kanilang dalawa o nahahati ang atensyon ko, maglalagay ako ng tauhan ko sa Forestheart pack," sagot ni Damian at tumango naman si Elara.

"Kung gusto mo ay maglagay ka rin sa Nightraven ng representative ng Forestheart pack para hindi sila mag-inggitan sa atensyon at autoridad mo," sagot pa ni Elara.

"Napaka indemand ko naman kasi, masyado akong gwapo at pinaka malakas pang Alpha kaya ako pinag-aagawan ng mga pack," pagmamayabang ni Damian at sinabi niya ito habang seryoso ang kaniyang mukha kaya napakunot ang mga kilay ni Elara sa kayabangan ng kaniyang Alpha.

"Ewan ko sa'yo, bahala ka dyan at gawin mo ang trabaho mo basta wag ka rin mawawalan ng oras sa akin kundi magtatampo ako," sagot ni Elara kaya napatawa si Damian at pinapak ng halik ang kaniyang Luna.

Naputol ang harutan nila nang maramdaman nila ang papalapit na hakbang ni Calix, agad na humiwalay si Elara sa yakap ni Damian kaya sumimangot ito at nagmukmok. "Mauna na ako, may trabaho pa pala akong gagawin, mukhang kailangan mo na rin magtrabaho dahil andyan na si Calix hahaha," paalam ni Elara dahil alam niyang tatadtarin na naman ng trabaho ni Calix si Damian.

"Tsk, kung mas dadami ang trabaho ko sa pagiging Alpha ko sa dalawang pack, ay magiging rogue na lang ako at kikidnapin kita," sagot ni Damian habang nakasimangot na bumalik sa harapan ng kaniyang office desk. Tatawa-tawa naman naglakad si Elara palabas ng silid.

"Good luck sa work," sagot ni Elara at kumaway na sa kaniyang Alpha. Nakasalubong ni Elara si Calix na mukhang masaya ito at may dalang magandang balita.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now