CHAPTER: 83

352 28 0
                                    

"Hindi pa rin ba tapos sa mission niya si Damian? Lumipas na ang isang buwan at nasa kalagitnaan na rin tayo ng Mayo ngayon pero hindi pa rin ako madadalaw? Sobrang dami pa rin ba ng trabaho niya?" Reklamo ni Elara dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi niya matawagan si Damian, hindi dahil sa patay ang cellphone ninto kundi dahil sa dami ng ginagawa ninto kahit sa oras ng umaga.

May usapan ang dalawa na patuloy nilang tatawagan ang isa't isa sa umaga para magbigay ng oras sa isa't isa, pero mukhang hindi nila ito napagpatuloy sa pangalawnag buwan pa lamang dahil sa dami ng ginagawa ni Damian.

Naiinis si Elara, pakiramdam niya ay hindi siya mabigyan ni Damian ng oras, hindi ito gumagawa ng paraan para makapag-usap silang dalawa. Pakiramdam tuloy ni Elara ay siya lang ang nag e-effort na patuloy silang magkausap, na para siya lang ang nakakaramdaman ng pananabik na makausap ang fated mate niya.

"Sabi ni Calix ay pumunta na naman si Alpha Damian sa east border, may camp na sila roon para sa pagbabantay sa buong east border, mahina ang signal doon kaya minsan ay hindi talaga siya nakakatawag sa'yo," paliwanag ni Lilian, siya ang nakausap ni Calix noong bumalik siya sa Nightraven para magreport.

"Hays, wala pa rin bang magandang balita sa border? Kailan ba matatapos ang mga problema d'yan?" Iritableng tanong ni Elara pero alam niyang mas kailangan ni Damian na gampanan ang pagiging Alpha niya at heneral sa buong Summergrave empire at sa kaniyang pack.

"Wala pa rin hanggang ngayon, sobrang hirap mahuli ng mga rogues dahil may nagsasabi sa kanila ng mga gagawin at dapat iwasan na lugar, para bang may iisang utak na ang galaw nila, parang hindi na mga rogue kundi isang pack," sagot ni Melody, hinila niya ang pagkakatali ng kaniyang kahel na buhok at sinandal ang kaniyang likod sa malambot na sofa.

Pagod sa mahabang training ay nais na nilang tatlong magpahinga. Pare-pareho silang nasa loob ng kwarto ni Elara at nakatambay doon para pag-usapan ang mga bagay na nangyayari sa Summergrave.

"Hays, ang hirap na nga ng training dito tapos hindi pa matapos ang problema sa Summergrave, kailan ba kami magkikita ni Damian?" Tanong ni Elara sabay higa sa kaniyang kama, kakatapos niya lang maligo at ngayon ay magpapahinga na sa mahabang training na gawa ni Emmanuel.

"Totoo, hindi ko akalain na ganito kahirap 'yung training, tapos ngayon ginagamit pa ako ni sir Emmanuel para makontrol mo ang wolf mo. Nakakaloka kaya 'yung lakas mo feeling ko kung hindi mo pinipigilan ang sarili mo ay titilapon talaga ako sa ere bestie dahil sa sobrang lakas ng hampas mo," sagot ni Melody, muling kinabahan nang maalala niya kung pano niya naiwasan ang malakas na atake ni Elara kanina.

"Hahahah, ikaw talaga ang gagamitin niya kasi kung ayaw ni Elara na masaktan ka ay dapat niyang makontrol ang lakas niya. Buti nga nakokontrol na ni Elara 'yung fifty percent ng lakas niya," sagot naman ni Lilian, tumayo siya sa pagkakaupo at kumuha ng maiinum sabay silip sa labas ng malaking bintana sa kwarto ni Elara.

"Hays, kaya talagang gamit na gamit ako ni sir Emmanuel, nako bestie dapat lang makontrol mo 'yang kapangyarihan mo kasi ayoko pang mamatay," sagot ni Melody na parehong kinatawa ni Elara at Lilian.

Sa pagtingin ni Lilian sa labas ay may nakita siyang papasok na motor, malawak ang buong Herveaux esate kaya hindi nila maamoy kung sino ang paparating sa malayong main entrance ng manor.

"May bisita ata tayo, parang kilala ko ang motor na 'yun," sagot ni Lilian kaya napatayo si Elara iniisip na baka si Damian ang bisita niya pero habang papalapit nang papalit ang motor sa main entrance ay naamoy niyang hindi si Damian iyon kundi ang kaniyang ama na si Calisto.

"Si dad!" Sagot ni Elara at agad na tumakbo palabas ng kaniyang kwarto na agad din naman sinundan ni Lilian at Melody.

Agad na sinalubong ni Elara ang kaniyang ama, pagbaba pa lamang sa hagdan ay tumakbo na nang mabilis si Elara at tumalon sa yakap ng kaniyang ama.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now