CHAPTER: 45

455 18 3
                                    

Rinig na rinig ni Elara ang pagwawala ng tibok ng kaniyang puso, ganoon din ang kay Damian at ramdam niya na gusto rin siya ng kaniyang Alpha, pero ang nakakapagtaka ay ang pag-aalinlangan sa mga mata ninto.

Katulad ng ilang beses ng pag attempt ni Elara na makuha ang mark ni Damian, ay bigo pa rin siya sa pagkakataon na 'to.

"Hindi pa pwede Elara," maikling sagot ni Damian pero sapat na iyon para makaramdam ng sakit ang puso ni Elara.

"Bakit? Pwede ko ba malaman kung bakit?" Tanong ni Elara, pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili na huwag maging emotional at pairalin ang lungkot na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.

Pero ilang minuto pa ng pag-iintay ay binalot lang sila ng katahimikan sa loob ng kaniyang kwarto, hindi siya inimik ni Damian at mukhang wala rin 'tong balak ipaliwanag sa kaniya kung bakit.

"Ah, dahil nga pala wolfless ako, isang mahinang omega," bulong ni Elara pero sapat na iyon para marinig ni Damian.

Umiwas ng tingin si Elara at umurong palayo kay Damian. Agad na naramdaman ni Damian ang paglayo ng loob ni Elara kaya hinawakan niya ang kamay ninto.

"Hindi dahil sa wolfless ka o dahil sa omega ka. Sadyang may kailangan lang akong asikasuhin bago ko gawin iyon, dahil ayoko mapahamak ka," sagot ni Damian pero halata niya sa mukha ni Elara na hindi ito kumbinsido sa mga paliwanag niya.

"Ah, ganun ba? Kaya mong magdahilan sa akin pero hindi mo magawang ipaliwanag sa akin kung ano 'yung kailangan mong asikasuhin?" Tanong ni Elara, parang matalim na kutsilyo ang mga salitang iyon para kay Damian.

Napayuko si Damian, alam niyang may karapatan si Elara na magalit sa kaniya dahil sa paglilihim niya at ayaw niyang maramdaman iyon, pero hindi niya naman maamin ang katotohanan kay Elara lalo na't mariin siyang pinagsabihan ni Calisto na huwag muna ipapaalam kay Elara ang totoo.

"Kung hindi mo ko kayang kausapin ng maayos, pwede bang lumabas ka na sa kwarto ko?" Sagot ni Elara kaya kahit ayaw ni Damian na iwan si Elara ng may tampuhan sila ay wala na siyang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto habang durog na durog ang konsensya at puso niya.

Naglakad pababa ng hagdan si Damian at nagtungo sa pack house, hindi niya pinapansin ang mga tingin na binabato sa kaniya ng ilang pack members ng Forestheart at ang dating mga tingin nila na puno ng galit at inis kay Damian noon ay napalitan ng takot at ang ilan ay paghanga dahil sa lakas na pinakita ninto kanina.

Pumunta si Damian sa opisina ng kaniyang ama na si Diego, hindi na siya kumatok pa dahil alam niyang alam naman ni Diego na papasok na siya.

"Ah, speaking of the devil," sagot ni Francis sabay lingon sa pinto kung nasaan naktayo si Damian.

Nakaupo si Francis sa couch habang nakapatong ang isa niyang paa sa kaniyang isang hita, umiinum siya ng wine habang si Diego naman ay hawak ang kaniyang ulo at nakayuko sa office desk.

"Kamusta bunso kong kapatid? Balita ko nagdala ka raw ng gulo rito," sagot ni Francis, natatawa na lang sa pinaggagawa ng kaniyang mga kapatid.

"Si Elijah ang naghanap ng gulo," maikli naman sagot ni Damian at humarap sa kaniyang ama.

"Gusto ko lang sabihin na kukunin ko si Elara, at kahit pumayag pa si Elijah na pabalikin di Elara sa pack na 'to, hindi ko pa rin siya ibibigay sa inyo," sagot ni Damian.

Malalim na nagbuntong hininga si Diego, sumasakit na ang kaniyang ulo at masyado na siyang matanda para isipin pa ang mga kalokohan na ginagawa ng mga anak niya.

"Ano bang mayroon kay Elara? Bakit hindi niyo mabitaw-bitawan ni Elijah ang omega na 'yan? Anong espesyal sa kaniya na humantong pa kayo sa pagpapatayan magkapatid?" Tanong ni Diego dahil hindi niya talaga malaman kung ano ang dahilan ninto.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now