CHAPTER: 46

575 28 3
                                    

Nakabalik nang maayos si Elara sa Nightraven pack kasama si Calisto na magbabantay sa kaniyang kalagayan sa loob ng isang linggo.

Lahat ng mga pack members ay nag iintay sa pagbabalik ng kanilang Alpha at Luna, karamihan sa kanila ay nag-aalala lalo na ngayon na pumutok ang balita tungkol kay Damian.

Kalat ang balita tungkol kay Damian at sa pagwawala ninto sa Forestheart pack, pinakalat ni Fiona ang impormasyon na iyon sa internet, sa platform na ginawa para lamang sa kanilang mga lycans at werewolf.

"Alpha, gusto raw itigil ni Alpha Carlos ang shipment ng supplies natin, simula sa susunod na buwan," paliwanag ni Calix, hawak niya ang report niya, listahan ng ilan pang pack na iuurong na ang contract sa pack nila. Hindi makapaniwala si Calix na nawawalan sila ng mga koneksyon sa iba't ibang pack na kanegosyo nila.

"Dahil sa balita tungkol sa akin? Duwag niya naman," iyon lang ang sagot ni Damian at hindi inintindi ang ano mang akusasyon sa kaniya.

"Parang nagdadalawang isip na rin ang Moonlight pack na sumama sa susunod na mission," dagdag ni Calix at may lima pa siyang report tungkol sa mga kaalyansa nila na umuurong sa mga usapan nila.

"Hindi nila pwede gawin 'yan dahil may pinirmahan sila sa aking contract, sabihin mo sa kanila kapag tinuloy nila ang binabalak nila ay matutulad sila kay Elijah," inis na sagot ni Damian dahil dagdag isipin pa ang mga ito sa kaniya.

Tama ang sinabi ni Melody sa kaniya, kahit na anonymous ang pangalan ng nag post ng article na sumisira sa image niya ay kilala niya kung sino ang nasa likod ninto, walang iba kundi si Fiona.

Mabilis naman nila na down 'yung post at iba pang comments gawa ng mga fake account pero kumalat na kaagad ito at maraming mga lycans na ang nakapag screen shots at record ng vid at picture ng article.

"Pwede mo kasuhan ang Luna ng Forestheart kung mapatunayan natin na totoo siya nga ang nagpost ng fake news na iyon," sagot ni Calix pero ang problema ni Damian ay wala siyang ano mang patunay para maidiin ang pangalan ni Fiona.

"Iyon nga ang problema, wala akong ano mang hawak na edibidensya na si Luna Fiona ang nag post nun, nakita lang siya ni Mel na kumukha ng mga picture at pangyayari pagtapos ng paglalaban namin ni Elijah, binaliktad pa nga niya ang kwento at sinabi na ako ang dahilan kung bakit naghiwalay si Elijah at Elara," inis na paliwanag ni Damian.

"Alpha Damian!" Napalingon ang dalawa kay Melody, namamadali itong pumasok sa loob ng opisina ni Damian at inis na inis na pinakita kay Damian ang bagong post tungkol sa kaniya. Hindi ito nakapost sa platform na para lang sa kanilang mga Lycan, kundi nakapost na ito sa social media at ilan pang site na maaaring makita ng mga mamamayan ng Summergrave.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Calix at nakibasa sa hawak na tablet ni Damian kung saan nakapost ang picture ni Elara at Elijah, ganoon na rin ang pisture ni Damian at ni Elijah.

"Pinapalabas nila na sinulot mo ang fiancée ng kapatid mong si Elijah, siguro dahil na down 'yung unang post sa Lycan platform, nagpost sila sa social media kung saan makikita ng mas maraming tao at masira ang image mo bilang general ng empire. Hindi nila mapost 'yung nangyaring away sa pagitan niyo dahil maraming makakaalam na lycan tayo, maraming magtataka kung bakit ganoon ka kalakas," paliwanag ni Melody kaya napabuntong hininga na lamang si Damian at gusto na ibato 'yung mga report papers na nasa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Alam na ba 'to ni Elara?" Tanong ni Damian dahil hindi niya muna pinapasok sa trabaho si Elara para makapagpahinga pa ito at ngayon ay binabantayan ni Calisto.

"Hindi, hindi naman mahilig tumingin ng social media 'yun. Mabuti pani patake down mo na rin kaagad 'to, bago pa maraming makakita," sagot ni Melody at tumango si Damian.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now