CHAPTER: 03

959 42 2
                                    

"Isang buwan na siyang umiinum ng drug na 'yun pero bakit ang tagal niyang makunan, Mom? Gusto ko na makasama si Elijah, ayoko na magtiis at magtago na fated mate niya. Kailangan ko na maging Luna." Pabulong na reklamo ni Fiona sa kaniyang ina habang nasa rooftop sila ng hospital.

Sinindihan ni Fernanda ang sigarilyo sa kaniyang kamay at hinithit ito, pagkabuga ng usok ay kinuha niya ang kaniyang phone at tinignan ang screen nito. Mukhang may iniintay siyang mensahe sa kung kanino, at napangiti nang makita ang message mula kay Calisto.

"Huwag ka mag-alala princess ko, ako na mismo ang gagawa ng paraan para maging Luna ka na ni Alpha Elijah, bago pa dumating ang iyong ama," sagot niya at may binulong sa tenga ni Fiona, agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Fiona at excited na sa gagawin nilang mag ina.

"Omg! Ang galing mo talaga Mom, thank you!" Masayang sagot ni Fiona at agad na pinuntahan ang step sister niyang si Elara.

Nang makapasok sa kwarto ni Elara ay daredaretsyong pumunta si Fiona sa tabi ni Elara at inayos ang higaan ninto.

Pinasandal ni Fiona ang step sister niyang si Elara sa head board ng kama, naka confine ngayon si Elara sa hospital ng pack house nila, dahil sa panghihina ng kaniyang katawan at hindi pa rin maipaliwanag na sakit nito.

"Saan kayo galing?" Mahinang tanong ni Elara at ngumiti lang si Fiona sa kaniya. "Kinausap lang namin ni Mom 'yung doctor mo." Hindi na umimik si Elara at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang maganda at naglalakihang willow tree.

"Inumin mo na 'tong gamot mo, kailangan mo 'to para gumaling ka na, sis. Hindi ka pwede magkasakit dahil kailangan ka ng baby mo." Inabot ni Fiona ang drug kay Elara at inalalayan itong makainum ng ayos.

"Sabi ng nurse sa'kin ay inumin ko lang ang mga gamot na prenescribe sa akin ng doctor. Hindi ba makakasama ang gamot na 'yan sa ibang gamot na pinapaninum nila sa akin?" Hirap na sabi ni Elara, pinipilit niya na lang ang kaniyang sarili para makapagsalita dahil hirap na hirap na siyang huminga.

Nanghihina na rin ang kaniyang katawan at wala ng lakas para magtrabaho o puntahan si Elijah. Gustong gusto niya na makita ang nobyo ngunit hindi niya magawa, ilang araw na rin siya nag iintay ng message galing kay Elijah pero kahit isang text ay wala siyang na received mula rito.

Nag-aalala siya na baka may nangyari na sa chosen mate niya pero hindi niya naiisip kung bakit hindi siya magawang bisitahin ninto.

"Tinanong na ni Mama sa Doctor mo 'yung about sa gamot. Don't worry hindi siya bawal pagsabayin, magtiwala ka sa amin gusto namin na gumaling ka na," inabutan siya ng tubig ni Fiona at ininum niya na lang ng walang pag-aalinlangan ang gamot na akala niyang magpapagaling sa kaniya ngunit mas magdadala sa kaniya sa kamatayan.

"Fiona, alam mo ba kung anong ginagawa ni Elijah ngayon? H-hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag at text ko," nanghihinga tanong ni Elara saka siya inalalayan na mahiga ulit ni Fiona.

Napatingin si Fiona sa buto't balat na katawan ni Elara, isang buwan pa lang ang lumilipas ng palitan nila ng mas mataas na dosage ang drug na pinapainum nila kay Elara pero grabe na ang binagsak ng katawan ninto, pero nagtataka sila kung bakit hindi pa rin nakukunan o namamatay si Elara.

"Hmm... nasa pack house lang naman siya. Hindi ko rin alam bakit hindi ka man lang niya magawang dalawin," pagsisinungaling ni Fiona dahil ang totoo ay umalis si Elijah para sa isang mission at wala itong kaalam-alam na nasa hospital si Elara.

"Ganoon ba." Bakas sa mukha ni Elara ang pagkadismaya, lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil sa balitang kaniyang nalaman. Gusto niyang maiyak, gusto niyang puntahan si Elijah dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang kinalimutan ninto.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now