CHAPTER: 41

408 21 2
                                    

"Hindi pa ba matatapos 'yan! Gusto ko na umuwi, wala ba tayong break time!" Naiinis na reklamo ni Damian, kanina pa siya nakikipaglaban sa ilang pirata na nahuli nilang tumatakas sa pangpang malapit sa border ng Summer Grave at White Peak Empire.

"Pwede ba Alpha Damian mag focus ka naman! Kailangan natin 'tong magawa ng ayos para hindi na humaba pa ang araw ng mission! Kakareklamo mo ay baka maging isang linggo pa tayo rito!" Sermon ni Jake dahil kanina pa ngawa nang ngawa ang Alpha nila.

Halos lahat ng members ng Nightraven na kasama sa mission na ito ay rinding rindi na sa kakareklamo ni Damian na gusto niya nang umuwi. First time nilang makita na ganito ang Alpha nila at hindi makapag-focus sa mission.

Noon ay parang robot ito na kung ano ang iutos ng emperor ay gagawin niya kaagad, hindi ito kumakain hanggat hindi niya natatapos ang kaniyang trabaho o napapatay lahat ng kaniyang kalaban.

"Kapag pinagpatuloy mo pa 'yan ay baka isipin ng ibang pack members mo na hindi nakakabuti sa'yo si Luna Elara, gusto mo bang kainisan nila si Luna Elara?" Tanong ni Lilian at kahit ayaw niyang banggitin ang pangalan ni ELara ay wala siyang magawa dahil pati siya ay nadadamay sa katigasan ng ulo ni Damian.

"Pero kasi, hindi niya sinasagot ang tawag ko," sagot naman ni Damian, mabilis siyang tumakbo papunta sa burol nang makita niya ang ilang pirata na tumatakbo papuntang kabilang pangpang, mukhang doon nila tinatago sa kabilang parte ng pangpang ang kanilang bangka.

"Mag focus ka na muna para makauwi na tayo ng mas maaga!" Inis naman na sagot ni Lilian at sumunod sa takbo ni Damian, inihanda na nila ang kanilang sarili dahil alam nilang may dalang mga baril ang mga ito.

Bilang mga lycans sa makabagong panahon, hindi sila pinapayagan na magpalit ng anyo sa harap ng mga mortal kahit na kalaban pa ito, delikado na malaman ng iba ang tunay na pagkatao nila kaya naman nag training na rin sila gumamit ng mga baril at iba pang gamit sa pakikipaglaban.

Advantage nila ang kakaibang lakas nila bilang lycan at werewolves kaya sila rin ang itinalaga ng emperor sa mga ganitong misyon dahil mas madali nilang mahuhuli ang mga kalaban dahil sa kakaiba nilang bilis ay lakas.

'Three o'clock,' sinabi ni Damian sa pamamagitan ng mind link dahil nauuna na siya sa pagtakbo sa pack niya.

Pumuwesto siya sa likod ng mga pirata na umaakyat sa kanilang barko, nag aangkat ito ng mga ilegal na droga at iba pang nakaw na produkto galing sa Summergrave.

Kahit malayo ay nakikita ni Damian ang mga pirata, nasa taas siya ng bundok habang nasa baba naman ng bangin ang mga ito dahil doon nakadaong ang kanilang barko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kahit malayo ay nakikita ni Damian ang mga pirata, nasa taas siya ng bundok habang nasa baba naman ng bangin ang mga ito dahil doon nakadaong ang kanilang barko.

Agad na pinaputukan ni Damian ang mga ito, tumumba ang isa na may hawak ng kahon-kahong mga illegal drugs at nahulog sa dagat, mabilis na nagtakbuhan ang iba habang ang dalawa naman ay namamadaling iangat ang angkla ng barko.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now