SPECIAL CHAPTER

550 31 3
                                    

Ilang araw bago bumalik si Melody sa Nightraven.

Hindi pa tuluyan makabalik si Melody sa kaniyang pack dahil isa sa kanila ni Calisto ang kailangan maiwan sa Herveaux pack upang intayin ang pagdating ni Alpha Kalil at makausap ito tungkol sa pag-alis ni Emmanual papunta sa Summergrave empire.

Kaya naman napagpasyahan ni Melody na siya na lang ang maiwan dahil alam niyang marami pang kailangan gawin at unahin si Calisto sa Forestheart lalo na ngayon na nagkakagulo na sa pack. Nakarating kay Melody ang balita tungkol sa ginawa ni Fiona kay Elijah at ang pang lalason din na ginawa ni Fernanda kay Emely.

Gulat na gulat si Melody at hindi niya alam kung pano niya ipapaalam ang balita na ito kay Calisto, pero hindi na siya namakialam pa at hinayaan na lamang si Calisto na makauwi ng maaga para siya na mismo ang makaalam ng mga nangyayari ngayon.

Kaya ito ngayon si Melody, nakatulala at nakatingin sa mga trainee na nag-eensayo sa training ground ngayon umaga, may hawak siyang kape at nakasandal sa pader habang pinapanood ang magagandang katawan ng lycan, werewolves at human na sama-sama ng te-training.

"Ito ang masaya kapag hindi mo pa nahahanap ang chosen o fated mate mo, may laya akong tumingin sa kahit sino mang lalaki sa paligid," saad ni Melody sa kaniyang sarili at masayang binusog ang kaniyang mga mata sa mga naggagandahang katawan ng mga trainee sa Herveaux.

Nag jo-jogging ang mga trainees, magkakahalera ang mga ito sa pagtakbo at sa dulong pila ay nakita niya si Shouta, tumatakbo na tamad na tamad at para bang babaksak na. Halata sa katawan ninto na bata pa siya, siya lang ang nakasuot ng puting t-shirt samantalang ang mga kasama niya ay mga nakatopless.

Hindi mapigilan ni Melody na matawa, hindi dahil sa pinagtatawanan o minamaliit niya si Shouta kundi dahil nakikita niya kung gano kakyut ito at pursigido na mag ensayo kahit na hirap siyang sumabay sa mga kasamahan niya.

"Teka, naisip ko bang cute si Shouta?" Tanong ni Melody sa sarili niya sabay iling nang mapagtanto niya ang bagay na iyon. Pero hindi niya naman maitatanggi na she find him adorable, dahil kahit siya ang pinaka bata sa mga trainees ay nakikita niya kung gano kapursigido at determinado ito.

"Kamusta ang stay mo sa Herveaux?" Napatalon si Melody sa gulat dahil hindi niya naramdaman  si Emmanual sa kaniyang tabi. Halos mapahawak siya sa kaniyang dibdib at muntikan na matapon ang kape na iniinum niya dahil sa gulat.

"Hahaha, parang nahuli kita sa akto ah. Ano bang tinitignan mo d'yan at hindi mo na naramdaman ang pagdating ko?" Tanong ni Emmanual, saka nya tinignan ang mga trainees na pinapanood ni Melody.

Umakyat ang hiya sa mukha ni Melody dahil hindi niya maitatanggi na nag e-enjoy siya sa morning scenery na nasa harapan niya. Pero s'yempre kailangan niyang itanggi ang bagay na iyon kaya agad niyang kinausap si Emmanuel.

"Pinapanood ko lang si Shouta na mag training," sagot naman ni Melody dahil mas nakakahiya kung malaman ni Emmanuel na pinapanood niya ang mga topless na trainees ngayon umaga.

"Oh, kilala mo na pala si Shouta, siya nga pala ang nakakita sa inyo kahapon," sagot ni Emmanuel at inaya si Melody na maupo sa bench na nasa tabi ng training ground na binibigyan lilim ng isang malaking nara tree.

"Oo hahaha, pasensya na kung hindi sa main gate pumasok haha," awkward na sagot ni Melody dahil alam niyang kasalanan nila iyon kahapon.

"Okay lang, sanay na kami sa ganoong pangyayari. Saka alam kong inaalam niyo muna ang patakaran ng Herveaux at pinag-aralan kung kakampi ba kami o kalaban," sagot ni Emmanuel.

Hindi naman maiwasan ni Melody na mapatitig kay Emmanuel dahil malaki rin talaga ang pagkakahawig ninto kay tita Emely niya. Mas soft lang ang features ni Emely kaysa kay Emmanuel. 

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon