CHAPTER: 56

498 24 0
                                    

"Anong nangyari sa'yo, Alpha? Bakit parang nahigop ang lakas mo at walang natira sa'yo?" Tanong ni Melody nang makita niya ang pagod na itsura ni Damian, malalim ang mga mata ninto, may dark circle at mukhang pagod na pagod.

"Wag mo na kong tanungin," pagod na sagot ni Damian at pilit na tinatapos ang trabajo niya ngayon umaga.

"May hang over ka pa ba? Hindi ka naman ata uminum masyado kagabi? Sila Jake at iba pack members tulog na tulog pa hanggang ngayon," tugon ni Melody saka niya binaba ang folder sa ibabaw ng mesa ni Damian.

"Morning," bati ni Calix na kakapasok lang at mukhang inaatok pa.

"Morning," sabay na bati ni Melody at Damian.

"So, ito na nga mag re-report na ko bago pa dumating si Elara," sagot ni Melody at umupo sa couch. Tahimik naman nagtimpla ng kape si Calix at si Damian naman ay inintay lang ang sasabihin ni Melody habang binabasa ang laman ng folder na dala ninto.

"Nagpunta ako sa Majiro kasi ang sabi andoon si Emmanuel, but guest what nasa Lumire Empire siya kasama ng ilang pang mga werewolves at lycan na matagal ng naninirahan doon," sagot ni Melody kaya napatingin si Damian at Calix sa kaniya.

"Seryoso? Kasama ng mga Herveaux? Ang angkan na nagbabantay sa royal family ng mga Eckheart?" Tanong ni Damian dahil ayon sa kasaysayan ay sila ang mga ninuno ng mga lycans at pinaka matagal na angkan na hawak ang kapangyarihan ng Lumire Empire.

"Oo, kaya nga hindi ako makapasok agad sa Lumire Empire kasi hello? Angkan kaya ng mga generals at mga knight noon ang Herveaux, pano kung espadahin ako roon?" Tanong ni Melody, stress sa mga nangyayari.

"Alam ko kilala ng emperor ang mga Hervauex at may malalim itong pinagsamahan noon," sagot ni Damian, alam ni Calix at Melody na ang emperor na nakaupo sa trono nila ngayon ay hindi talaga ang tunay na emperor kundi ang righthand man ninto na si Achlys.

"Tingin mo tutulungan niya tayo?" Tanong ni Calix, alam nilang lahat na malapit ang Nightraven sa emperor pero kapag ayaw nintong makisali sa gulo ay hindi talaga ito mamakialam at manonood lang sa mga mangyayari.

"Kaya pala sabi niya sa akin nung nakaraan ay wala siyang alam, siguro ayaw niya sabihin sa akin ang totoo," sagot ni Damian sabay kamot sa ulo niya kasi pinagdadamot pa ng emperor ang impormasyon na kailangan niya.

"Tingin ko ayaw lang talaga nila ibigay ang location ni Emmanuel kasi iniingatan nila 'to, 'di ba nga extinct na ang mga Lerians, kung tama ang hula ko ay si Emmanuel at Elara na lang ang natitirang Lerians sa buong Gazina," sagot ni Melody and it make sense kaya hirap din sila mahanap si Emmanuel.

"Pero alam niyo ba while nag se-search ako about kay tita Emely, may nalaman akong nakakalokang information," sagot ni Melody, sabay kuha ng nakatagong picture sa pocket ng vest niya.

Inilagay ni Melody ang picture at nakita ni Damian at Calix sa letrato ang class picture ninto noong high school. Isa-isa tinignan ni Damian ang mga mukha ng nasa letrato at nakita niya ang kaniyang ina doon at ang isanpang pamilyar na mukha.

"Wait, si Fernanda ba 'to?" Tanong ni Damian, alam niyang totoo ang kwento sa kaniya ng kaniyang ama tungkol sa nakaraan ni Emely at Fernanda pati na rin ng kaniyang ina.

"Di ba? Nakakwindang! Hindi ko alam na magkakilala na pala sila noon," nakita ko 'to nung pumunta ako sa school kung saan grumaduate si Emmanuel, and 'di ba sinabi mo na mag back ground check din ako kay Fernanda? Iyan! Iyan ang nakita ko," sagot ni Melody at hindi makapaniwala na magkakilala sina Emely at Fernanda.

"Mag classmate sila buong year ng high school, magkakadikit silang tatlo, si tita Emely, and mom mo at 'yang ahas na si Fernanda," dagdag panni Melody dahil miske siya ay naguguluhan kung pano napunta si Calisto kay Fernanda.

"Mukhang hindi coincidence ang lahat," sagot ni Damian at agad na tinago ang letrato sa drawer ng office desk niya.

"Feeling ko inagaw lang din ni Fernanda si tito Calisto, ong parehong pareho sila ni Fiona! Parehong mang aagaw!" Halos masabunutan na ni Melody ang kaniyang buhok dahil sa inis, gustong gusto niya na talaga bangasan ang mukha ni Fiona dahil sa kaniyang gigil.

"Tingin ko hindi alam ni Calisto ang tungkol kay Fernanda, sasabihin ko 'to kay Elara pagtapos namin bumisita sa Forestheart pack," tugon naman ni Damian, napag usapan kasi nila ni Elara na dalawin at tignan ang totoong kalagayan ni Elijah.

Hindi dahil concern sila o ano pa man pero dahil alam nilang may foul play na nangyayari sa totoong kalagayan ni Elijah.

"Okay sige, pero kailan mo sasabihin kay Elara ang totoo? Hindi ba mas mabuti if maagang malaman ni Elara 'yung tungkol sa sarili niya and sa uncle niya? Para naman ready siya incase na kumawala na 'yung inner wolf niya," sagot ni Melody, nag-aalala na kasi siya kay Elara at isa pa ayaw niya na magsinungaling pa sa best friend niya.

"Malapit na, kailangan lang natin malaman kung pano kokontrolin ang kapangyarihan niya para hindi rin siya kabahan, or lumayo sa atin. Panigurado na kapag nalaman niya kung gano siya kadelikado ay iiwasan niya tayong lahat, sasarilinin niya 'yang problema na 'yan kaysa may madamay sa atin," sagot ni Damian dahil iyon ang kinatatakot niya. Ayaw niyang lumayo sa kaniya si Elara at gusto niya tulungan 'to at bigyan ng lakas ng loob.

Hindi naman maiwasan ni Melody na mapangiti dahil kitang-kita niya kung gano iniingatan ni Damian ang best friend niya. Kilalang kilala niya na rin ito kaya medyo nakakaramdam siya ng kurot sa puso dahil alam ni Melody na hindi na siya ang pinaka malapit na tao sa puso ni Elara ngayon— pero masaya siya, sobrang saya niya para sa best friend niya.

"Let's wrap it up, paparating na siya," bulong ni Damian dahil nararamdaman niya na ang hakbang ni Elara na kilalang kilala niya.

Nauna ng lumabas si Melody at sumunod si Calix sa kaniya, pinatay na rin ni Damian ang kaniyang laptop at tumayo na dahil kailangan pa nilang umalis ng maaga.

"Umalis na sila?" Tanong ni Elara habang nakasilip sa pintuan ng office ni Damian.

"Oo kakaalis lang, sinabi ko na babyahe pa tayo ng maaga papunta Forestheart," sagot ni Damian at ngumiti naman si Elara.

"Tara na," aya ni Elara sa kaniya sabay sukbit ng braso niya sa kaniyang Alpha.

"Hindi mo talaga gusto mag chopper? Para mabilis lang ang byahe," sagot ni Damian dahil gusto niyang matulog saglit sa byahe, ayaw niya mag drive ngayon pero ayaw niya rin naman kumuha ng driver dahil gusto niya masolo si Elara sa buong byahe.

"Wag na, gusto ko rin makapag stroll sa bayan," sagot naman ni Elara habang nakangiti nang malambing sa kaniyang Alpha.

"Hahaha, baka may makakita sa atin sa central city, mamaya gumawa na naman sila ng issue at this time ikaw naman ang maging hot topic," sagot ni Damian pero natawa lang si Elara.

"Oo gawin nilang head line kung gano tayo ka sweet, ipapakita ko sa kanila na hindi mo ko inagaw kay Elijah, bagkos ay kusa akong sumama sa'yo," confident na sagot ni Elara dahil iyon talaga ang image na gusto niyang iparating sa lahat.

Na hindi siya pinilit ni Damian, kung tutuosin nga ay siya pa ang namimilit kay Damian para markahan siya bilang fated mate niya. Si Elara ang nagpasok kay Damian sa gulong ito kaya lahat ay gagawin niya para lang malinis ang pangalan ng Alpha niya.

"So dalawa pala ang errands natin today, hahaha sige kung anong plano mo ay susundin ko," sagot naman ni Damian nang may pilyong ngiti sa kaniyang labi.


TO BE CONTINUED

AN: Nakalimutan ko i-post kaninang 8pm wahaha

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now