CHAPTER: 67

974 38 6
                                    

Masamang nakatingin si Andie kay Fiona habang kumakain ito ng dessert at nanonood ng movie. Ang sarap na naman ng buhay ninto, walang ibang ginawa kundi utus-utusan siya at pagtaasan siya ng boses.

'Sana hinayaan na lang pala kitang mamatay sa kulungan mo,' iyan ang iniisip ni Andie habang nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ni Fiona dahil siya ang nagbabantay rito ngayon.

Iritang-irita si Andie dahil nakabalik pa sa Forestheart si Fiona, dapat ay nakakulong na ito dahil isa siyang kriminal na lumason sa kanilang Alpha pero bakit ang sarap na naman ng buhay ninto? Dahil lang sa pinagbubuntis niya ang anak ng Alpha ay magagawa niya na ang lahat ng kaniyang gusto.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" Mataray na tanong ni Fiona dahil ramdam niya ang iritableng tingin sa kaniya ni Andie. Alam niyang galit ito sa kaniya kaya mas inaasar niya ito, inuutusan at pinapahirapan.

Hindi naman umimik si Andie, nanatiling nakatayo at hindi pinapansin si Fiona. Pilit niya na lang kinakalma ang kaniyang sarili dahil pinagbubuntis pa rin ni Fiona ang pup ng kanilang Alpha Elijah.

Alam ni Fiona na walang makakakanti sa kaniya ngayon, walang sino man ang pwede lumaban at manakit sa kaniya dahil hawak niya ang buhay ng isang Reed sa sinapupunan niya.

Talagang umaayon sa kaniya ang kapalaran dahil sinong mag-aakala na mabubuntis siya ni Francis sa unang pagtatalik nilang dalawa, mabilis niya ring natago ang ano mang ebidensya ng pagiging infertile ni Elijah, ang iniisip niya lang ngayon ay kung sino ang doctor na gumagawa ng medical test nilang lahat yearly, paniguradong alam ng doctor na iyon na infertile si Elijah at hindi kay Elijah ang pinagbubuntis ni Fiona.

Pero malakas ang kutob ni Fiona na miske si Elijah ay tinatago ang katotohanan na iyon, o baka naghahanap pa siya ng paraan para gumaling sa sakit niya. Hindi alam ni Fiona ang dahilan kung bakit hindi pa lumalabas ang katotohanan pero pabor siya sa bagay na iyon at lahat ng pwede niyang kunin na pagkakataon ay gagamitin niya sa kaniyang mga plano.

'Una ay kailangan kong makausap si Francis,' she thought.

Kailangan niyang patahimikin ang bibig ni Francis sa bagay na ito, maaaring hilahin siya pababa ni Francis kung hindi makukuha ni Francis ang posisyon bilang Alpha.

Napatingin si Fiona kay Andie, wala siyang ibang source of information sa labas bukod sa omega na 'to. Hindi kasi siya pinapayagan lumabas o kumausap man ng iba habang buntis siya.

"Hoy, ikaw!" Hiyaw niya kay Andie at hindi ito umiimik, nakatingin lang ito sa screen ng cell phone niya ag hindi pinapansin si Fiona.

"Ah, ayaw mo kong pansinin!?" Iritang sagot ni Fiona at naglakad papalapit kay Andie. Hindi napansin ni Andie ang paglapit ni Fiona dahil sa pagkakayuko niya at nakaramdam na lang siya nang malakas na hampas sa kaniyang ulo.

"Ano ba!" Hiyaw ni Andie, nawalan na siya ng galang kay Fiona at handang pimalag dito.

"Sumasagot ka pa? Hindi mo ba ako naririnig!?" Iritableng tanong ni Fiona at binigyan lang siya nang masamang tingin ni Andie. Mariin na paalala sa kaniya na huwag niyang sasaktan si Fiona o bibigyan ito ng stress, pero anong gagawin niya kung si Fiona mismo ang nagdudulot sa kaniya ng stress.

"Ano bang gusto mo?" Iritableng tanong ni Andie, tinago niya ang phone niya sa kaniyang bulsa at hinarap ang mataray na tingin sa kaniya ni Fiona.

Kung sa height lang ay talo na si Fiona sa kaniya, malaking she-wolf si Andie at kayang-kaya niyang patumbahin si Fiona kung sa laki lang ang basihan.

Napaurong nang hakbang si Fiona at agad na hinawakan ang kaniyang tiyan. Pero hindi siya nagpatalo sa mga tingin na binibigay ni Andie sa kaniya, kailangan niyang patunayan na siya pa rin ang Luna ng pack na 'to at siya ang masusunod dito.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now