CHAPTER: 11

890 40 1
                                    

Gustong hawakan ni Elijah ang kamay ni Elara, gusto niya agad na ipin down ito sa kama at angkinin ang nobya pero pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil alam niyang ayaw ni Elara ang ganoon. Hinayaan niya na maglead si Elara at tinitignan niya kung pano siya pasasayahin ng kaniyang mahiyain at mahinhin na nobya.

Sabi na nga ba ni Elijah ay pagtapos ng isang matinding away ay isa ring matinding lambingan ang kasunod. Alam niya naman na kaya nagkakaganito si Elara ay dahil nais lang ninto ng attention at oras niya.

Pinahirapan pa siya ni Elara eh makukuha niya rin naman pala ang gusto niya.

Hinila ni Elara ang sintron ni Elijah at tinapon ito sa sahig, tinulak niya si Elijah sa kama dahilan para kusa itong umupo at tumingala sa magandang mukha ni Elara. Mula sa pwesto ni Elijah ay napagmamasdan niya nang mas mabuti ang kagandahan ng dalaga at ang magandang hulma ng katawan ninto, ngayon ay mas napagtanto niya kung gano kaganda si Elara.

Pumaibabaw naman si Elara at kumandong sa mga hita ni Elijah. Hinawi niya ang mahaba at itim niyang buhok papunta sa isang side ng kaniyang balikat at pinulupot ang kaniyang braso sa balikat ni Elijah.

"Hindi ko alam na kaya mo pala maging ganito Elara," nakangiting tugon ni Elijah at ngumiti lang din si Elara bilang sagot.

Sa totoo lang ay kinabahan siya, isang beses niya pa lang nasubukan ang pakikipagtalik at nabuntis kaagad siya. Masyado siyang inosente noon na kung ano ang gawin sa kaniya ni Elijah ay ayos lang sa kaniya, kahit na masaktan pa siya o hindi niya gusto ay tinanggap niya dahil sa pagmamahal niya.

"Marami ka pang hindi alam tungkol sa'kin, my Alpha," bulong ni Elara gamit ang seductive voice niya. Lumapit siya sa tenga ni Elijah at muling bumulong. "Papakita ko sa'yo ang different side ko na hindi mo pa nakikita." Sabay halik sa tenga ni Elijah pababa ng leeg ninto.

Napakapit si Elijah sa bed sheet dahil sa pagpipigil na dakmain ang malambot at malaking pwetan ni Elara na nakapatong sa mga hita niya. Nababaliw din siya sa mabango at matamis na amoy na naglalaro sa ilong niya, galig ito sa maputi at magandang leeg ni Elara, na humahalo sa mabangong amoy ng shampoo na gamit ninto.

Napatingala si Elijah habang nararamdaman niya ang mainit na halik ni Elara sa leeg niya pababa ng kaniyang dibdib, hindi niya alam kung saan natutunan ni Elara ang mga bagay na 'to at doon may pumasok na tanong sa kaniyang isipan.

"Bakit parang ang galing mo naman manromansa? Saan mo natutunan 'to? May nagturo ba sa'yong na ibang lalaki?" Tanong ni Elijah at habang iniisip niya na may nakasamang ibang lalaki si Elara ay agad na uminit ang dugo niya. Hindi niya hahayaan na may ibang makakahawak sa malambot at makinis na balat ni Elara, walang ibang lalaki ang maaaring umangkin kay Elara kung hindi siya lamang.

Hinawakan niya ang dalwang balikat ni Elara at tinignan ito nang seryoso, pero agad na natawa si Elara at hinawakan ang mga pisngi niya. Ngumiti nang napakalambing ni ELara, sapat na para lalong mahulog sa kaniya si Elijah.

"Instinct, ganito ang isang she wolf kapag nababaliw siya sa Alpha niya. Lumalabas ang pagnanasa at totoong cravings niya," bulong ni Elara saka niya pinadaan ang kaniyang kamay sa dibdib ni Elijah. Yumuko siya at sinundan ang dinaanan ng kaniyang kamay ng mga maiinit niyang halik.

Kahit nandidiri si Elara ay kailangan niyang makuha ang loob ni Elijah para sa mga plano niya. Kailangan niyang makakuha ng solid na dahilan para payagan siya makawala bilang chosen mate ni Elijah.

"Hmmm..." hindi naiwasan ni Elijah na masarapan sa mga halik na iyon, at sa kamay ni Elara na unt-unting pumapasok sa loob ng kaniyang pants. Napapakagat na lamang siya sa kaniyang labi dahil hindi niya na kayang matiis ang paglalaro na ginagawa ng nobya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now