CHAPTER: 25 [R18]

632 21 1
                                    

Nanginginig ang mga kamay ni Elara dahil sa kaba, nararamdaman niya rin na bumabagal at lumalalim ang kaniyang paghinga, ang buong katawan niya ay nagsisimula nang uminit sa mga titig pa lang na galing kay Damian, ang kaniyang Alpha.

"Maiibsan ba 'yang nararamdaman mo kung tutulungan kita?" Tanong ni Elara, wala siyang balak na may mangyari sa kanilang dalawa, pero kung ito ang paraan para matulungan niya si Damian sa paghihirap ninto ay gagawin niya.

Lalo na't alam niyang ito rin ang mas mabilis na paraan para makuha niya ang kapangyarihan bilang Luna. Natatakot man, mas gugustuhin ni Elera na mas maging malakas para sa paghihiganti.

Hindi sumagot si Damian, pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili habang nakaiwas ng tingin kay Elara, hindi na kasi siya makapag-isip ng wasto

"Ano bang gagawin ko? Huwag mo na pigilan," sagot ni Elara, nanginginig ang mga kamay niya, kinakabahan siya na kung may mangyayari sa kanila ni Damian ay mawawalan na naman siya ng kakampi.

Ganito kasi ang ginawa sa kaniya ni Elijah noon, pagtapos niya maibigay ang kaniyang katawan ay iniwan na siya ninto na parang inagsawaang gamit.

"Umalis ka na Elara, wag mo pilitin ang sarili mo, kaya kong pigilan 'to," hirap man ay pinilit ni Damian na pagsabihan si Elara dahil kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ninto.

Hindi naman lingid kay Damian na may trauma pa rin si Elara sa panloloko na ginawa sa kaniya ni Elijah. Alam ni Damian na nahihirapan pa itong magtiwala muli at ginagawa lang ang mga bagay na 'to para sa paghihiganti.

"Pano kung sabihin kong gusto ko? Pano kung gusto ko na maging luna mo?" Tanong ni Elara pero desidido si Damian na hindi talaga ito ang gusto ni Elara at nais niyang markahan si Elara kapag buo na ang tiwala ninto sa kaniya.

Ang problema ni Damian ay ang pagwawala ng wolf niya, hindi niya mapigilan ang tawag ng laman at binabaliw na siya ninto.

At malinaw sa kaniya na hindi ito basta-basta mapipigilan ng suppressant drugs, kailangan niya mismo si Elara.

"Huwag mo kong sisihin pagtapos ninto," sagot ni Damian saka niya mahigpit na hinawakan ang isang braso ni Elara habang ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa likuran ni Elara.

Agad niyang hinalikan ang labi ni Elara na hindi na nakapag-react pa, mariin na napapikit ang dalawa habang pinagsasaluhan ang mainit at malalim na halik.

Lalong nagbaga ang katawan nilang dalawa, pareho na nanais at isa't isa, naglalaro ang kaniyang mga labi at hindi nagpapatalo sa bawat halik na pinagsasaluhan nila.

Unti-unting umiikot ang paningin ni Elara na para bang na iintoxicate siya sa halik na binibigay sa kaniya ni Damian. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam ng isang in heat, bumabagal ang kaniyang paghinga ngunit nararamdaman niya naman ang kakaibang sarap at init sa katawan niya.

Bumaba ang halik ni Damian mula sa kaniyang labi papunta sa kaniyang tenga at leeg, iniwanan niya ito ng hickey na para bang minamarkahan ang kaniyang teritoryo.

Nakatitig lang si Elara habang hayok na hayok si Damian sa kaniya, hindi niya naman maitatanggi na miske siya ay hindi na makapag-intay pa, pero nagtataka siya kung bakit iniiwasan ni Damian ang balikat niya kung saan siya mamarkahan ninto ng bite mark.

Sinubukan niyang hawakan ang mukha ni Damian ngunit hinawakan ni Damian ang kaniyang mga kamay at tinukod ito sa kaniyang likuran.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now