CHAPTER: 81

389 29 1
                                    

"Alpha Damian, may report po galing sa east border." Napalingon si Damian at Calix nang biglang pumasok si Jake sa loob ng opisina, hindi na nila naramdaman ito dahil sa rami ng kanilang mga trabaho na ginagawa.

"Wag mong sabihin mga rogue na naman 'yan?" Tanong ni Damian habang nakakunot ang noo, muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa mapa ng buong Gazina at nag focus sa east border ng Summergrave.

"Tama kayo, balita na naman tungkol sa mga rogue na nang gugulo sa mga nakatirang mortal malapit sa border, kapag lumala pa ang ginagawa nila ay maaari itong ikapahamak nating lahat. Sabi sa report ay may isang mortal daw na nakakita sa isang rogue habang kinakain ninto ang alaga niyang mga manok. Marami na ring nawawalang mga alagang hayop ang mga farmer sa border kaya na alarma na sila. Nagbigay na rin ng notice ang emperor ukol dito at gusto niyang mahuli ang mga rogue na gumugulo ng katahimikan sa Summergrave," pag-uulat ni Jake, miske siya ay hindi makapaniwala sa dami ng reklamonh natatanggap nila ngayon. Lahat ng ito ay tungkol sa mga rogue na naghahanap ng gulo, karamihan sa kanila ay talagang nagpapakita pa sa mga mortal para maghanap ng gulo.

"Nabura na ba ang alaala nung mortal na nakakita sa rogue? Hindi 'to pwedeng makaabot sa central city dahil magkakaroon ng malaking gulo kung marami ang maniniwala sa bagay na 'to." Ramdam ni Damian ang pressure na binibigay sa kaniya ng mga rogue werewolf at lycan.

Nais nilang sirain ang katahimikan ng bawat isa, nais nilang malaman ng mga mortal ang pagkatao nila upang mas magawa pa nila ang mga gusto nilang gawin.

"Sabi sa report ay naayos na raw agad ng mga tauhan ng emperor ang bagay na iyon, pero kung parami nang parami ang mga taong makakaalam ng sirekto natin ay mahihirapan na siyang pigilan ang pagkalat nito," sagot ni Jake, kabado na baka dumating ang araw na hindi na nila maitago pa ang tunay na pagkatao nila, nag-aalala sa hinaharap kung saan magiging magulo ang lahat.

Nahilot ni Damian ang sintido ng kaniyang ulo, hindi pa tapos ang pagsasa-ayos niya ng Forestheart pack. Hindi pa nakakabangon ang pack mula sa mga gulo na nangyari rito kaya hindi niya pa maiwan ito.

Isa pa nag-aalala na siya kay Elara, kahit lagi siyang updated sa kalagayan ng kaniyang Luna ay hindi pa rin siya mapakali hanggat hindi niya ito nakikita. Alam niyang kailangan niyang magtiwala kay Elara, ngunit nais niya ring samahan ang Luna niya sa dinadala nintong problema.

"Alpha, kailangan mong iwan muna ang Forestheart," sagot ni Calix na kinagulat naman ni Damian.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Kung kailan malapit na natin maayos ang pack?" Tanong naman ni Damian, frustrated na siya sa lahat ng nangyayari at hindi makapag-isip ng tama.

"Hindi sa iiwan mo talaga, ang nais kong sabihin ay iwan mo muna sa iba. Kung kaya mo magtiwala sa ibang tao sa Forestheart ay gawin mo na iyon ngayon, dahil kailangan natin maayos ang problema sa border," sagot ni Calix. Alam niyang sobrang dami ng trabaho na ginagawa ng kaniyang Alpha, bilang beta ni Damian ay siya na ang hahawak ng Nightraven habang nasa mission ito sa border, pero ang tanong ay sino ang hahawak sa Forestheart lalo na ngayon na wala siyang Beta roon.

"Ipapahawak ko muna kay Elijah," sagot ni Damian na kinagulat nina Calix at Jake.

"Huh? Bakit kay Elijah? Alam mo naman kung ano ang ginagawa niya kay Luna Elara," sagot ni Jake, ngayon na alam na nila ang totoong pinagdaanan ng Luna nila ay hindi nila maiwasan na maging emotional tuwing nababanggit ang mga pangalan ng taong nagmalupit at nanloko sa kanilang Luna.

"Alam ko kung ano ang ginawa niya kay Elara, hindi ko siya mapapatawad sa bagay na iyon kaya bago ko pa siya palayasin sa pack ag kailangan niya magtrabaho. Isa pa, kilala ko ang kapatid ko, kahit ganoon siya ay naging maayos siyang leader sa pack at nais niya ng magandang kinabukasan para sa pack members niya. Mali niya lang ay naging fated mate niya si Fiona," paliwanag ni Damian, wala na siyang choice kailangan niya ng isang taong mapagkakatiwalaan niya para sa ikabubuti ng Forestheart.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now