CHAPTER: 54

462 24 5
                                    

Hindi makapaniwala si Elara sa mga nalaman niya at sa reaksyon ng Nightraven sa issue na nakadikit sa pangalan nila.

"Pano nila natitiis 'yung mga fake news at article tungkol sa kanila?" Inis na tanong ni Elara habang nakalublob ang kaniyang katawan sa bathtub, nagpapalamig siya ng ulo dahil sa mga nabasa niya.

Pakiramdam niya ay puputok ang ugat niya sa ulo dahil sa matinding galit. Iniisip niya kung pano natitiis nila Damian ang mga masasakit na comment at balita tungkol sa kanila.

"For sure si Fiona ang may pakana ninto," dagdag ni Elara, alam niyang si Fiona lang ang kayang gumawa ng mga ganoong bagay. Talagang gagawin lahat ni Fiona para lang masira ang magandang buhay na mayroon si Elara.

"Hays, balak ko pa naman sana mag lay low muna sa paghihiganti ko sa kaniya, pero mukhang siya itong naghahanap ng gulo." Hinaplos ni Elara ang braso niya gamit ng isang towel na may sabon, gusto niyang ma-relax dahil ayaw niyang pairalin ang galit niya at komprontahin si Damian.

Pakiramdma niya ay masisira niya ang masayang party mamaya, alam niyang pinaghahandaan ng buong pack ang after party na 'to kaya ayaw niya naman sirain ang mood nila dahil lang sa galit niya.

"Elara?" Narinig niya ang boses ni Damian sa labas ng pinto, hindi niya ito naramdaman dahil na rin sa lalim ng kaniyang iniisip.

"Ano?" Inis na tanong ni Elara at nakita niyang sumilip si Damian sa pintuan. Nakasimangot ito at nag papakyut na naman sa kaniya.

"Hindi uubra sa akin 'yang pagnguso-nguso mo," inis na sagot ni Elara, kailangan niyang tatagan ang loob niya para hindi na siya ituring mahina ng Alpha niya.

"Hindi ko naman plano isekreto lahat sa'yo, iniisip ko lang din na hindi naman 'to big deal kaya hindi ko na sinabi," sagot ni Damian, naktayo siya sa labas ng pinto at hindi humahakbang papasok ng banyo.

"Hindi big deal? Sirang sira na ang image mo sa buong empire, hindi lang ikaw damay ang buong Nightraven sa bagay na 'yun," inis na sagot ni Elara, hindi niya talaga alam kung bakit parang maliit na bagay lang 'to sa kanila.

Bakit unbothered ang lahat kahit na sobrang sasakit na ng mga comment at article tungkol sa kanila.

"Sanay na kami," maikling sagot ni Damian habang nakayuko at hawak ang batok niya.

Nang marinig naman ni Elara iyon ay lalong nadurog ang puso niya. Sanay na sila? Sanay na sila makarinig ng mga ganoong masasakit na salita tungkol sa kanila?

Oo, hindi naman lingid kay Elara kung ano ang image ng Nightraven sa mata ng karamihan sa mga lycans at werewolf, pero hindi ito totoo, hindi totoong mga savage at mad dogs ang mga ito. Isang masaya at mapagmahal na pack ang Nightraven.

"Bakit hindi niyo nililinis ang pangalan niyo? Bakit hinahayaan mong sabihin nila lahat ng mga 'yun sayo?" Tanong ni Elara, hindi niya mapigilan maging emosyonal, nakokonsensya rin siya dahil isa rin siya sa mga taong nang huhusga sa Nightraven at kay Damian noon.

"Karamihan naman ng article noon ay totoo, savage naman talaga kami, mga barbaric at ruthless sa mga kalaban namin. Totoo naman na bastardong anak ako, bully at walang ginawa kundi gulo. Kami naman mismo ang gumawa ng image na iyon kaya wala kaming pakialam sa mga sasabihin nila," sagot ni Damian, hindi niya na napigilan na lapitan si Elara at umupo sa gilid ng bathtub.

"Galing kami sa iba't ibang problema, lahat kami rito ay mga rogue noon na walang pamilya o hindi naman kaya ay sira na ang buhay, pero nahanap namin ang tahanan namin sa pack na 'to at wala na kaming pakialam sa ibang bagay basta kasama namin ang isa't isa, kami naman ang totoong nakakaalam ng totoo at hindi nila masisira iyon sa simpleng article o fake news lang," sagot ni Damian, wala naman talaga siyang pakialam sa mga ganung bagay basta wag lang madadamay ang pangalan ni Elara rito.

Revenge of a RejectedOnde histórias criam vida. Descubra agora