CHAPTER: 33

471 25 1
                                    

Agad na umiwas ng tingin si Elara kay Damian, inalis niya rin ang pagkakahawak ng mga kamay ninto sa kaniyang mukha. Alam niya na kung ipapakita niya kay Damian ang kahinaan niya ay siya ang talo sa huli.

Ayaw niya na magtiwala pa, pagod na siya magbigay ng tiwala na masisira rin naman sa huli.

"Wala, huwag mo kong pansin masyado lang ako emotional lately," sagot ni Elara at lumayo na kay Damian, naglakad si Elara papasok ng restroom at kinandado ang pinto, agad niyang tinukod ang kaniyang mga kamay sa sink at malalim na nagbuntong hininga.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ang bilis mo magtiwala sa kaniya, Elara?" Tanong ni Elara sa repleaksyon niya sa salamin, agad niyang binuksan ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig para mahimasmasan.

Kailangan niyang ituwid ang isip niya, kailangan niyang sundin ang mga plano niya at wala sa plano na iyon ang magtiwala kay Damian.

Oo, kailangan niyang kunin ang loob ninto at ang mark ni Damian, pero hindi ibig sabihin ninto ay magsisimula na siya ng panibagong buhay kung saan magiging kampante siya at kakalimutan ang nakaraan.

Sa mundong ito ay tanging sarili niya lang ang kakampi niya, hindi niya pwede buksan ang kaniyang loob sa iba lalo na't isa pa ring Reed si Damian.

"Huwag ka papadala, dapat siya ang madala sa'yo," sagot ni Elara sa repleksyon niya sa kaniyang sarili. Nang mahimasmasan ay lumabas na siya ng banyo at nakita si Damian na may kausap na sa telephone. Nasa gilid na rin ng pinto ang mga gamit nila at mukhang kaka-delivered lang.

Napalingon si Damian nang marinig niya si Elara palabas ng banyo, "okay, thank you," binaba na ni Damian ang tawag at tumayo para kausapin si Elara.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Damian, ayaw niyang pwersahin si Elara na mag open up sa kaniya. Kung kailangan ninto ng oras para magtiwala sa kaniya, ay willing mag intay si Damian kahit ilang taon pa.

"Oo, sorry kung na biglanka hahaha," biro ni Elara at kinuha ang bag niya.

"Sa sofa ka matutulog,?" Tanong ni Elara at pinaningkitan siya ni Damian ng mata.

"Asa ka naman, ako nag pabook ninto kaya kaya tatabihan kita sa pagtulog," sagot ni Damian at inayos na rin ang gamit niya.

"Tsk," wala na nagawa pa si Elara dahil wala siyang laban kay Damian sa bagay na 'to, siguro ay sa sofa na lang siya matutulog mamaya o hindi kaya sa sahig.

"Tapos ka na ba d'yan? Tara na at may pupuntahan pa tayo," sagot ni Damian sabay tingin sa wrist watch niya.

Namadali naman si Elara sa pag-aayos ng damit niya at sinundan si Damian sa kung saan man sila pupunta. Bumaba sila ng hotel at nag drive si Damian tatlong kanto mula sa tinutuluyan nila, bumaba sila sa harap ng isang kilalang salon sa buong Summergrave na pinipilahan ng mga mayayaman.

Sabi nila ah kailangan mo mag pabook sa salon na ito apat na buwan bago ang schedule mo dahil lagi itong puno at pinipilahan. Pero dahil regular customer si Damian ay mabilis lang siya nakapagpa-schedule rito.

"Ay sa wakas! May bumisita rin sa aking hulog ng langit," bati kaagad ni Cristopher ang stylist ni Damian kapag may mga importante siyang event na pupuntahan.

"Hahaha, after a year nakakita ka ulit ng anghel," sagot naman ni Damian kaya napangiwi si Elara ng de oras.

"Who's this with you, Sir Ashford? Don't tell me she's the one you're referring to. Your fiancée?" Gulat at excited na tanong ni Cristopher dahil matagal na itong bukang bibig ni Damian.

"Hahaha, yes siya nga. Kaya kailangan galingan mo sa pag-aayos sa kaniya, alam mo naman na award ceremony namin ngayon at ipapakilala ko siya sa emperor," sagot ni Damian.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now