CHAPTER: 39

420 18 0
                                    

"Calix, kamusta sa d'yan? Kamusta si Elara?" Tanong ni Damian, kanina niya pa kasi tinatawag ang cellphone number ni Elara pero hindi ito sumasagot. Break time nila at iba na ang nakatakang mag ikot sa baybayin ng Summer Sea kaya nagkaroon siya nag pagkakataon na kamustahin ang kaniyang luna pero hindi ito sumasagot.

"Ah... busy siya sa pag-aasikaso ng ibang trabaho na naiwan mo," sagot ni Calix. Ayaw niya man magsinungaling ay kailangan niya itong gawin dahil alam niyang uuwi agad si Damian kapag nalaman ninto ang tunay na nangyari kay Elara.

Hindi maaring payagan ni Calix na mangyari iyon lalo na't kakahalal lang ni Damian bilang Heneral at ito ang unang misyon ng pack ngayon buwan. Hindi nila maaaring biguin ang emperor dahil malaking misyon din ito.

"Hindi naman ganon karami ang naiwan kong trabaho d'yan, huwag kamo siya masyadong magpakapagod at sagutin ang tawag ko," utos ni Damian dahil gusto niya na marinig ang boses ng Luna niya.

Ngayon na alam niyang nasa pack house lang si Elara ay nais niya na agad umuwi para makasama ito, pero hindi niya naman maaaring mamadaliin ang trabaho niya at ayaw niya rin masira ang pangalan ng Nigthraven dahil sa pagiging impatient niya.

"Ayaw niya magpaawat eh, wala kang magagawa Alpha Damian," iyon na lang ang sagot ni Calix habang nakatingin kay Melody habnag nagsesenyasan sila sa kung ano ang dapat gawin.

"Osige, tatawag na lang ulit ako," sagot ni Damian at binaba na ang tawag.

Nakahinga nang maluwag si Calix at Melody nang hindi na nangulit pa si Damian, alam nilang dalawa na magiging busy rin ang kanilang Alpha sa mission na ito kaya hinihiling nila na huwag makahalata ito sa mga nangyayari.

"Anong gagawin natin? Pano kung tumawag na naman siya mamaya o bukas? Hindi na natin pwede sabihin sa kaniya na busy pa rin si Luna Elara," tugon ni Calix na hindi na maiwasan hilutin ang sintido ng noo niya dahil sa stress niya sa mga nangyayari.

"Pupunta ako sa Forestheart ngayon, dadalhin ko rin ang mga importanteng gamit ni Elara. Sana lang ay papasukin nila ako," sagot naman ni Melody at tumango na lamang si Calix.

"Gamitin mo na lang ang motorsiklo ko," sagot ni Calix sabay hagis ng susi ng kaniyang motor kay Melody.

"Thanks, update kita sa kung ano ang mangyayari," sagot namna ni Melody at lumabas na ng opisina ni Damian.

❦❦❦

"Hindi siya maaring makapasok sa loob, Calisto. Umalis na siya sa pack na ito at siya ang nagdesisyon ng bagay na iyon kaya hindi namin siiya maaring papasukin," tugon ni Hanes, ang bantay sa main gate ng Forestheart.

"Anak ko siya at gamma ako sa pack na 'to, panong hindi siya maaaring pumasok dito? Nakakalimutan niyo ba kung sino ako?" Tanong ni Calisto habang hindi mapigilan ang umangil sa sarili niyang pack members.

"Alam ko na naiinis ka Calisto, pero ang daming ginawang gulo ni Elara nung wala ka. Kaya hindi ako magtataka kung pinagbabawal na siyang pumasok sa loob ng pack natin," dagdag pa ni Hanes kaya napatingin si Calisto sa kaniyang anak na tahimik na nakayuko sa kaniyang likuran.

Hindi pa nakakausap ni Calisto si Elara, hindi niya pa alam ang buong pangyayari pero alam niyang ayaw na rin ni Elara na bumalik pa sa pack nila.

"Ako na mismo ang tatawag kay Alpha Elijah," tugon ni Calisto at ginamit ang mind link para makausap ang Alpha niya.

Agad naman nakuha ni Elijah ang mensahe at agad na tumayo sa kinauupuan niya, hindi siya makapaniwala na bumalik si Elara sa piling niya.

"Saan ka pupunta, Alpha Elijah?" Tanong ni Fiona dahil mukhang masaya ang Alpha niya at namamadaling umalis sa tabi niya. Pero hindi siya sinagot ni Elijah at dare-daretsyo lang lumabas ng silid kaya agad niya itong hinabol at pinigilan na umalis.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now