CHAPTER: 19

756 34 4
                                    

Matatalas na tingin ang nararamdaman ni Damian sa kaniyang likuran habang naglalakad papasok sa pack house ng Forestheart. Nagtungo siya sa main building kung nasaan nakatira ang mga Reed at dumaretsyo sa kwarto ng kaniyang ama.

"Alpha Deigo, si Damian ito," tawag niya sa labas ng pinto, wala na siyang galang at hindi na kumatok pero hindi niya naman nais buksan ang pinto dahil sa naririnig niyang mga unggol ng she wolf sa loob ng kwarto ng kaniyang ama. 

Paniguradong mag aaway na naman ang kaniyang ama at stepmother kapag nalaman ni Esmeralda ang ginagawang kalokohan ng kaniyang ama, o hindi naman kaya baka magkaroon na naman sila ng bagong kapatid na magiging kahati nila sa mana.

"Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Alpha Deigo, pinaalis niya ang she wolf sa kaniyang ibabaw at tinali ang robe na kaniyang suot. Tatlong babae ang sabay-sabay niyang pinaglalaruan at ang iba rito ay anak pa ng mayayamang pamilya sa loob ng Summergrave Empire.

Naglakad siya papunta sa pinto at pinagbuksan ng pintuan si Damian, napansin ni Damian ang tatlong babae sa kama ng kaniyang ama at tanging kumot lamang ang tumatakip sa mga katawan ninto.

Hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena kaya naman binalik niya na ang kaniyang atensyon sa pinunta niya rito. Tinitigan niya ang kaniyang ama, may katandaan na ito at puti na rin ang buhok at bigote pero masasabi niyang maganda pa rin ang pangangatawan ninto kaya marami pa rin talagang mga babae ang tinatapon ang kanilang sarili para lang makatikim ng kapanyarihan at yaman ng kaniyang ama.

"Isasama ko na si Elara sa Nightraven pack," bored at kalmadong sagot ni Damian sa kaniyang ama. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa sa nais niyang sabihin at diretsyo na sinabi kay Diego ang mga plano niya.

Kumunot naman ang noo ni Diego nang marinig ito, hindi niya alam anong pumasok sa kokote ng dalawa niyang anak para kumilos at mag isip ng ganito.

"Bahala ka, mabuti pang markahan mo na rin si Elara para hindi na mabaliw si Elijah," sagot naman ni Diego, ayaw niyang magulo ang isip ng tiga pagmana niya, at ayaw niya ring guluhin pa siya ni Esmeralda na sakit sa ulo niya kaya naman mas mabuti pang tuluyan ng mawala si Elara sa landas nila.

"Alam mo bang fated mate ko si Elara?" Tanong ni Damian at tumango naman si Diego. "Simula ng umalis ka sa pack na 'to ay nahalata ko na ang bagay na 'yun, kaya hindi na kita pipigilan sa anong gusto mo dahil mas makakabuti rin na magkanya-kanya kayo ng mga kapatid mo," paliwanag ni Diego pero sa totoo lang ay mas gusto niyang hawakan ni Damian ang Forestheart, alam niya na mas malakas ang bunso niyang anak at mas malaki ang kapasidad ninto mamuno kaysa sa anak niyang si Elijah na mukhang mahina at hindi marunong magpatakbo ng pack.

"Masusunod," maikling sagot ni Damian at maglalakad na sana siya palayo sa kaniyang ama nang muli itong magtanong.

"Kamusta ang pagiging watch dog mo sa emperor? Balita ko ay binigyan ka niya ng malaking lupain malapit sa border ng White Peak Empire? Aasahan ko na magiging maganda ang business mo sa mga susunod na taon." Saad ni Deigo, alam niya kasing pinagkakatiwalaan ng emperor ang kaniyang bunsong anak.

"Saan niyo naman nakuha ang balita na 'yan? Masyado niyo akong pinagkakaabalahan ng oras niyo, bumalik na lang kayo sa loob ng kwarto niyo at magpakasaya, dahil lahat ng nakukuha ko ay akin at hindi sa inyo," sagot ni Damian at ngumiti sa kaniyang ama, napatawa naman si Diego at napahawak sa batok niya.

"Wala akong sinabi na magiging akin ang sa'yo, hindi ba pwedeng proud lang ako bilang tatay mo? Dahil sa wakas, may isa sa mga anak ko ang gumagawa ng maayos na desisyon sa buhay," sagot ni Diego at kumaway na sa kaniyang anak.

"Kunin mo na si Elara, wag niyo lang ako bibigyan ng apo na mahinang Lycan," sagot ni Deigo sabay sara ng pinto at balik sa trabaho niya.

Samantalang si Damian naman ay napailing at naglakad na lang palayo sa lugar na 'yun. "As if naman na magiging mahina ang magiging anak ko," bulong ni Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon