CHAPTER: 61

450 30 3
                                    

"Wala si Dad sa bahay ngayon, inutusan na naman siguro siya nila Alpha Diego sa isang mission," sagot ni Elara habang binubuksan ang gate ng bahay nila sa Forestheart pack.

Hindi masabi ni Damian na hindi naman talaga nasa isang mission si Calisto para hulihin ang mga rogue sa border, kundi nasa mission ito para hanapin si Emmanuel, ang tiyuhin ni Elara.

"Ang lungkot na ng bahay, wala na nag-aalaga sa garden kaya karamihan ng mga halaman ay namamatay na," sagot ni Elara habang pinagmamasdan ang naninilaw na mga dahon ng paboritong halaman ng kaniyang ama na si Calisto.

Tanda niya noon nung bata pa siya ay inaalagaan itong maigi ng kaniyang ama upang makita ng kaniyang ina ang pamumulaklak ng mga halaman na ito tuwing summer.

Pero ngayon ay wala ng makakita ng pamumulaklak ninto. Wala ng nakatira sa bahay para alagaan at diligan ang mga halaman at bulaklak na nagbibigay ng kulay sa kanilang bahay.

"Buti wala si Fernanda, tingin mo may mahahanap tayong ebidensya rito?" Tanong ni Damian at pinihit naman ni Elara ang seredula ng pinto, binigyan siya ng susi ni Calisto para kung gusto niyang dumalaw ay maaari siyang pumasok anytime.

"Hindi ko sure pero tignan natin kung may naiwan pa silang mga gamit dito," sagot naman ni Elara dahil simula nang maging Luna si Fiona ay lumipat na ang mag ina sa main pack house.

Naglakad si Elara sa kusina at pinadaan ang kaniyang hintituro sa counter top ng kitchen nila at nakita kung gano na kakapal ang alikabok.

"Mukhang kailan na ni Dad mag hire ng taga linis, ang kapal na ng alikabok, ilang araw na ba siyang hindi imuuwi?" Tanong ni Elara sabay pagpah ng kaniyang kamay.

"Feeling ko wala na rin gana umuwi si Calisto, kung ganito rin naman ang dadatnan mo ay mabuti pang sa labas ka na lang matulog," sagot ni Damian hindi dahil sa madumi ang bahay kundi dahil sobrang tahimik at lungkot na ninto.

Nalungkot si Elara tuwing naiisip niya na mag isa na lang nakain ang kaniyang ama, walang naghahanda ng pagkain dito o umiintindi sa kaniya. Dati kaya siya napanowala ni Fernanda ay dahil sa pag-aalaga ninto sa kaniyang ama, buong akala niya ay nakahanap na ng totoong chosen mate ang kaniyang ama ngunit hindi pala ito ang kaso, mukhang ginagamit lang siya ni Fernanda para makuha ang magandang buhay na maibibigay ni Calisto sa kaniya.

"Kailangan kong malaman kung pano nakilala ni Dad si Fernanda, at anong koneksyon ni Fernanda sa pagkamatay ng aking ina," sagot ni Elara, napatingin si Damian sa kaniyang Luna dahil ramdam ninto ang galit sa puso ni Elara, na para bang nais na ninto pumatay.

"Tingin mo may kinalaman si Fernanda sa pagkamatay ni Emely?" Tanong ni Damian at tumango si Elara.

"Oo, malakas ang pakiramdam ko simula nang makita ko ang class picture na 'yun," sagot ni Elara at naglakad na papuntang second floor ng bahay nila, nagtungo siya sa kwarto ni Fernanda at binuksan ito, swerte niya dahil hindi ito nakakandado pero pagpasok nila sa loob ay napansin ni Elara na karamihan ng importanteng gamit ay wala na rito.

"Mukhang wala na tayong mahahanap dito, malinis na ang gamit niya," sagot ni Damian habang nag iikot sa loob ng kwarto ni Fernanda at ni Calisto.

"Siguro nga, pero baka may mahanap pa tayong clue sa susunod na kwarto," sagot ni Elara kaya sinunda siya ni Damian palabas ng pinto at naglakad pababa ng basement kung nasaan nilagay ni Fernanda ang mga gamit ng kaniyang yumaong na ina.

"Ayaw sana ni Dad na ilagay ang gamit ni Mom sa basement, pero nag inarte si Fernanda at nagpaawa kay Dad kaya wala na kaming nagawa nun," sagot ni Elara, hindi makapaniwala na napaikot sila ni Fernanda noon.

Noong unang taon ni Fernanda sa bahay na ito ay hindi niya pa pinapakialam ang mga gamit ni Emely, pero pinaparamdam niya kay Elara at Calisto na nalulungkot siya at hindi ramdam ang pagiging bagong ilaw ng tahanan kaya kusang nagdesisyon ang ang ama na itago na lamang sa basement ang mga gamit ni Emely upang maiwasan na rin ang away at pagtatampo ni Fernanda.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now