"Talagang binabaon ako sa utang ni Damian," bulong ni Elara, kumuha siya ng isang silk blue dress at tinapat ito sa katawan niya habang nakatingin sa whole body mirror.

"Ngayon lang ako makakapagsuot ng ganito kagagandang damit, saan ko naman kaya 'to gagamitin?" Tanong ni Elara sa kaniyang sarili at hindi maiwasan na mapangiti nang malungkot.

Sa tanang buhay niya, hindi niya na isip na magkakaroon siya ng mga ganito karanyang mga bagay, hindi niya inaasam na makuha ang mga 'to dahil noon ang ranging gusto niya lang ay ang marka ni Elijah.

"Pero ngayon, mas pipiliin ko pang maging mayaman na lang kaysa sa mahalin ang lalaking 'yun," bulong ni Elara at umikot pa sa harap ng salamain sabay tawa.

Tuwang tuwa siya sa magagandang gamit na nasa harap niya, hindi na siya kakapag-intay na isuot ang mga 'to para lang ipalandakan kay Fiona ang magandang buhay na nakuha niya.

"Hindi ko makakalimutan 'yung mukha ni Fiona kanina, kung pano siya mainggit sa mga nakukuha ko ngayon," sagot ni Elara sa kaniyang sarili habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

"Pero hindi ka pwede maging kampante, Elara. Hindi mo alam kung hanggang kailan ang magagandang bagay na nangyayari sa'yo ngayon." Nakatitig siya sa kaniyang mga mata at doon niya na pansin ang pagbabasa ng mga kulay ninto.

Kumunot ang noo ni Elara at hinawakan ang mukha niya habang naglalakad papalapit sa malaking salamin. Tinignan niyang maigi ang kaniyang mga mata at doon na pagtanto na tama nga ang nakikita niya, hindi na ito malamya na berde, kundi emeralda na ang mga kulay ninto.

"Anong nangyayari?" Tanong niya sa kaniyang sarili at patuloy na sinusuri ang kaniyang mga mata.

"Elara! Bestie!" Napalundag sa gulat si Elara nang marinig niya ang malakas na boses ni Melody sa labas ng kaniyang silid.

"Bestieeee!" Hiyaw ulit ninto kaya tumakbo siya palabas ng dressing room at pinagbuksan ng pinto si Melody.

"Ano ba 'yun, Mel? Para ka naman hinahabol ng kalaban kung makahiyaw ka d'yan!" Sagot ni Elara at pinapasok na lamang si Melody sa kaniyang kwarto.

"Eh, pano ang tagal mong lumabas, ilang beses na kaya kitang tinatawag pero hindi ka sumasagot!" Reklamo ni Melody at doon lang na pagtanto ni Elara na baka nga nakatulala na siya sa harap ng salamin at nag-iisip.

"Akala ko kung ano na nangyari sa'yo sa loob, baka mamaya nagpapakain ka na kay Alpha Damian," sagot ni Melody sabay taas ng dalawa niyang kilay at ngiti nang mapang-asar kay Elara.

Namula na naman sa hiya si Elara nang mapagtanto niya kung ano ang inside joke sa malisyong sinabi ni Melody.

"Ang dumi kamo ng utak mo!" Inis na sagot ni Elara, kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig ng kaibigan niya.

"Hahaha, uy na imagine niya. Malapit pa naman ang kwarto niyo sa isa't isa. Isang katok lang pwede na kayo maglaro ng apoy ng fated mate mo," sagot ni Melody sabay salampak ng higa sa kama ni Elara.

"Wag ka nga ganyan! Saka sabi niya hindi naman daw siya madalas matulog sa kabilang kwarto, lagi siyang nasa opisina niya o hindi kaya sa training ground," sagot ni Elara saka humiga sa tabi ni Melody.

"True naman, busy masyado 'yang si Alpha Damian. Madalas siyang wala at nasa royal palace pero baka ngayon na andito ka na ay mas mapadalas ang pag-uwi niya sa pack house," sagot ni Melody at hindi na lang pinansin ni Elara ang huling sinabi ng best friend niya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now