#16//: Getting-To-Know-Each-Other

2.7K 42 1
                                    

#16//: Getting-To-Know-Each-Other

. . . Chazii POV . . .

Hinga ng malalim. Hays. Nakakaubos pala ng pasensya magturo sa mga utak lamok ano? Paano ko na sabi? Nararanasan ko na kasi ngayon.

"Paano nga ulit?" Nakangiting tanong ng Gwapong nilalang sa harap ko habang todo ang pa-cute saken.

"=______=" Grabeng utak lamok naman nito! Naiinis na nga ako kasi simula kanina pa kami sa equation na ito. Oo. Si Minhyun Hwang ang tinutukoy kong utak lamok. Pero sa pagkakaalam ko matalino naman iyan. Sabi ng iba di ba matalino iyan.

"Equate mo sa zero =_________=" Sabi ko ulit sabay turo kung saan siya magsisimula. Kainis simpleng Algebra di pa alam.

"How to equate again? " Nakangiti nitong sabi habang nakadantay sa kamay nito iyong ulo niya at ang kamay nito nakapatong sa table. At saken nakaharap habanng magkaharapan kami ng upo dito sa library. LESHE SIYA TURUAN KASI DI NAMAN TUMITINGIN SA PAPEL KASI SAKEN LANG NAKATINGIN TSS.

"=_____=" Kinalma ko muna sarili ko saka tinuro ko ulit paano ang process of getting the possible values of x. Takte naiinis kasi ako kasi nga ilang beses ko na tinuro iyon.

May quiz kami sa math kaya andito kami sa library at nagpapaturo si Gwapo. Kaso ang utak-lamok ehh... kainis. Parang gusto ko na sabihin na ang pera niya hindi madaling maubos pero ang pasensya ko SIMOT NA SIMOT NA! CHUZ.

"=__________=" Nakakainis kasi hindi iniintindi iyong tinuturo ko. Hindi ba niya alam na nakakatamad magsalita?

"Okay enough. Let's go on our special time." Maya-maya ay yaya niya.

"Naintindihan mo na---" di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ang salita ko nang hinila niya ako patayo.

"Okay na. I get it. Ang galing magturo ng Eoreum ko eh... pina-ulit-ulit ko lang para marinig ko boses mo." Kumindat pa ang G*go ala sira-ulo. Euw. Para siyang timang.

"=_________=" G*go lang talaga. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Special time..." Nakangiti pa nitong sabi at hindi man lang pinansin ang masama kong tingin.

Special Time again?! Ang ibig sabihin niyan Date namin! Eh ano ba yan? Oras-oras gusto niya kami mag-date?? May addiction ba to sa date? Nauumay na kaya ako kasama siya oras-oras nalang =____= Alam niyo ba pang ilang date na itong gagawin namin THIS DAY LANG? PANG LIMA NA!! Na-imagine niyo ba kung paano namin nagagawa iyon eh may pasok kami... tss bahala na kayo mag-isip!

"May quiz tayo sa Math =______=" Sabi ko habang pilit niya akong tinatayo sa table namin.

"Let's take a special quiz then." Sabi pa nito. Syempre as expected may maidadahilan na naman siya.

Pero sige na lang. Sa ginagawa niya makakatipid talaga ako kasi siya lahat gumagastos eh... makakaipon talaga ako nito. Syempre all eyes na naman kami. Nasanay na rin ako anu. Kaso minsan nakakailang pa rin.

Bakit kasi sikat ang boyfriend ko =_________=

"C'mon. Special Time." He said.

"=_______=" At lahat na talaga natingin sa amin dito sa library. Pati iyong librarian nakatingin samin nang matalim. Si Gwapo walang pakialam as usual. Napatingin ako sa iniwan naming table sa library... kalat na mga libro na naman iniwan namin.

Okay don't look at me like that! Si gwapo ang nag-utos na di daw namin kailan iligpit iyon kasi kaya daw may bantay sa library para magligpit nang mga kalat. Oha. Aangal pa ba ako. Pero ang mga tingin nang mga students samin wagas rin.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now