#7//: Instant Mama and Papa

3.7K 66 3
                                    

#7//: Instant Mama and Papa

. . . Chazii POV . . .

"Say Ahhh..."

"= o =" Ako yan nakanganga.

Adik lang tong si Gwapo. Gayahin daw ba iyong ginagawa nina Oppa at ng girlfriend ( Duh! Hindi niya talagang girlfriend si Ate Zyle. Feelingero lang iyan =_____=.) na nagsusubuan habang kami ni Gwapo ang taga-picture. Gumagawa kasi sila ng commercial project nila.

Sa totoo lang nagulat ako kanina ng bigla siyang umupo sa tabi ko pagbalik nina Oppa galing sa loob ng white house. Grabe lang. Pinsan niya daw iyong inaangkin ni Oppa na gf. So kanino iyong white house na pinuntahan namin? Eh si Ate Zyle anak ng katiwala ng bahay. So hindi talaga totoong mayaman si Gwapo? Kasi hindi naman mayaman si Ate Zyle? Ay ewan. Ang gulo.

Ngayon, humiwalay muna sina Oppa samin. Kaya naiwan ako sa Gwapong Leader na ito. Ano nga ulit pangalan nito? Minhyun? Ah oo tama. Iyon nga pangalan niya. Andito kami nakaupo sa may bench. Nasa Amazing Park kami. Dito daw gagawin nila Oppa ang half ng commercial project nila.

Anyway. Panay ang subo saken ni Gwapo ng strawberry. Kung bakit? Malay ko naman sa trip niya di ba? Nakaka-awkward lang kasi ang daming tao na nakatingin samin. Iyong iba nagbubulungan pa.

"Now. Your turn. Ahh." Ngumanga ito.

"=_____=" Ah my turn of what? Tsk. Bakit siya nakanganga? Mukha siyang t*nga sa ginagawa niya.

"Hey. I make you eat that strawberry three times already. Now your turn." Ngumanga ulit ito.

"=______=" Daming alam. Magpapasubo lang pala. Kumuha ako ng tatlong strawberry at sinaksak lahat sa bibig nito. Oh hayan quits na kami. Tatlong strawberry na ang sinubo ko sa kanya. Pero parang mabubulunan ah!

False alarm lang pala kasi nagkasya naman sa lalamunan niya. Nalunok naman niya lahat. Pero bigla na naman sumama tingin niya saken. Oh ano naman ginawa ko?

"Bakit sinabay-sabay mo? D'you want me to die choking?!" Bulyaw niya. Nagtagalog ulit siya. Adik na ito marunong naman siguro magtagalog pero english ng english!

"=_____=" Tumingin nalang ako sa ibang direksyon. Lagi nalang ako sinisigawan. May problema ba ito saken? Naku Cha baka may problema lang iyan. Intindihin mo nalang.

"Noona!!" Hayan na sila Oppa palapit samin. "Sakay lang kami ni Zyle ng wheel!" Paalam nito ng makalapit samin.

"Minhyun-ahh take care of Chazii nae! Don't go anywhere far." Nakangiting sabi ni Ate Zyle. "But don't spoil this day sitting there. Enjoy your date too." Kinindatan pa nito si Gwapo bago nila kami iwan. Si Gwapo naman sumimangot lang.

=______=" Nakatingin lang ako kina Oppa na papalaho samin. Kita mo iyon. Kanina honey tawag niya kay Ate Zyle nung kami palang magkasama. Ngayon Zyle nalang tawag niya. Tsk. Pilingero kasi eh.

"You want to try some rides here?" Tanong ni Gwapo pagkakuwan. Hindi na ito nakasimangot. Ang bipo lang talaga nito.

"=____=" Umiling ako... mas okay na ako dito sa pagkain ng strawberry.

"Psh. Why you keep eating that?" Tanong nito habang nakakunot-noong nakatingin sa mga strawberries ko.

"=_______=" Hindi ko na siya sinagot. Ang daldal naman pala niya eh. Nakakainis lang puro english ng english eh.

Huminga nalang ito ng malalim saka sinandal ang ulo niya sa back rest ng bench. Oo na. Boring talaga ako kasama kaya babala.. huwag kayo magpasama sa akin. Nakakamatay sa pagka-bored.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now