#47//: HIS REASONS

1.3K 15 2
                                    

#47//: HIS REASONS

. . . Rouke POV . . .

"Kuya bakit mukhang malungkot ka?" Tanong ng ni Rouke sa nakakatandang kapatid.

"Wala naman... ikaw talaga kung ano-ano nakikita mo. May iniisip lang si kuya. Sige na matulog ka na." Sabi nito habang ginugulo ang buhok ko.

"Natalo kayo?" Ang inutukoy ko ay ang Bottom kung saan laging nakikipaglaban si Kuya. He is a gangster. I am against to it pero ng marinig ko ang reason ni Kuya sinuportahan ko nalang siya

"Hahaha. Parang ganun na nga. Pero makakabawi rin naman kami. So tulog na little boy at may pasok ka pa bukas." Sabi pa nito at tinulak na ako papasok ng bahay.

Sinunod ko nalang si Kuya. Pumasok na ako sa room namin at humiga sa kama. Ako pala si Rouke Ilanes... 14 years old. At kapatid ko naman si Rainer Ilanes 17 years old na siya. Kaming dalawa nalang ang magkasama namumuhay. Wala na kasi ang parents namin. Si papa pinatay at si mama naman ay kinuha ng isang malaking masamang organisasyon ng mafia. Iyon ang sabi saken ni Kuya. Pinasok niya ang underground world para mabawi si mama. Naniniwala ako kay Kuya na mababawi niya si Mama dahil nangako ito. At wala pa itong pinangako na hindi natupad.

Walang tinatago si Kuya sa akin. Pati ang pagiging leader niya ng isang gang ay alam ko at ang mga ginawa niya para umangat ang rank ay alam ko rin. Hindi masamang tao si Kuya. Siya na nga ang the best Kuya eh kasi handa niya ibuwis ang buhay niya mabawi lang si Mama.

Sa ngayon ay mataas na ang rank nila sa Bottom. At unti nalang daw at mapapasama na sila sa mga pipiliin ng DS para maging kaisa nito. Kapag nagawa nila Kuya iyon, mababawi na niya ang Mama namin mula sa isang malaking tao sa DS. Mas malaki na ang chance na makaharap ni Kuya ang taong iyon.

Pero ngayon alam ko na nagkakaproblema ang grupo nila. Kasi kung dati sila ang laging nasa highest rank. Ngayon ay hindi na dahil may tumatalo na sa kanila. Kahit hindi sabihin iyon ni Kuya ay alam ko dahil naririning ko minsan ang usapan nila ng gang niya.

Saka madalas malalim ang iniisip ni Kuya at di niya na rin ako isinasama sa mga laban niya.

Kaya naman nung sumunod na laban nila ay sumunod ako sa kanila kaya naman nalaman ko kung sino ang nakatalo sa kanila.

"VIP's won again !!" Narinig kong announce sa Bottom.

So sila pala ang VIP's? Nakasuot sila ng eye mask para siguro itago ang identity nila. Pumirma na iyong isang babae na nakaitim dun sa rank board. Sila na pala ang nangunguna sa ranking. At ang grupo nila Kuya ay pangalawa nalang sa listahan.

"Paano na iyan Rainer? Hindi natin sila matalo?" Si Kuya Dev na kanang kamay ni Kuya sa Gang.

"Kailangan natin gumawa ng paraan. Hindi pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan natin ng ilang taon . Hindi ako pwedeng mabigo sa misyon ko.." Narinig kong sabi ni Kuya.

Andito ako sa gilid ng pader. Nakatago at nakiinig lang sa kanila. Gusto kong damayan sila pero alam ko naman na ayaw iyon ni Kuya. Ang gusto niya ay mag-focus lang ako sa pag-aaral ko. Lalo na at consistent na rank 1 ako sa batch namin.

"I'm going to find their weakness." Si Kuya.

"Hindi ba labag sa batas ng underground ang invading the privacy?" Iyong isa pa nilang member na si Kuya Lance.

"Maliban nalang kung walang makaalam di ba? Kung walang makaalam wala ring labag dun " Kuya Dev

Hindi nagtagal ay umalis rin si Kuya sa bahay nila Kuya Dev. Sumunod ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa isang maliit na bahay na nasa tagong lugar. Hindi ko alam sino ang kikitain ni Kuya dito. Tuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. Nagtago ako para di niya ako makita. Mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang ginagawa ni Kuya. Nakasilip siya sa bahay na iyon.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now