#50//: Hope

1.7K 36 7
                                    

#50//: Hope

. . . Luisa POV . . .

Patuloy kami ni Oppa sa pagtakbo. Nalaman na namin kung nasaan sila Cha. Nasa tower na di naman kalayuan sa amin. Bahagya kong nilingon si Oppa.

He is scary. Kanina ng makita ko kung paano niya pahirapan iyong isa sa mga bantay ko para lang malaman kung nasaan sina Cha, talagang nakakatakot siya. Feeling ko nga naglaho ang lahat ng good image na merun siya sa utak ko. Kasi di ba mabait naman talaga si Oppa. Pero may isa pa pala siyang side. Di ko tuloy mapigilan isipin na baka kasapi ng sindikato si Oppa.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko hindi ako nakapaghanda ng bigla akong kabigin ni Oppa at saka siya nagpaputok ng kanyang baril na may silencer.

"Okay ka lang?" Tanong nito saken.

Tumango nalang ako. "Hahaha. Feeling ko nasa action movie ako."

Ginulo naman nito ang buhok ko. "Tara na. Kaya mo pa ba tumakbo?"

Tumango naman ako.

"Good. Sana maabutan pa natin na okay sila."

Tumango ulit ako. Sana nga. Sana hindi pa kami huli. Lalo na at nasa amin ang susi para matigil na ito. Sinabi na kasi saken ni Oppa ang susi para mapatigil si Rouke. At mailigtas ito sa totoong kalaban nito.

. . . Chazii POV . . .

"Siya! Siya ang totoong kalaban mo dito. Hindi sina Cha. Siya at ang kasama niyong isa pang lalaki ang gustong pumatay sayo!"

"What?!"

Si Oppa naman ay agad akong nilapitan. "Thank God I still see you breathing." Nakangiting sabi nito. Inabot niya saken ang kinuha niya sa bulsa niya. Nagulat pa nga ako na may hawak siyang ganito.

"Are you okay?"

Sinimangutan ko naman ito. "What took you so long?"

Nagkibit-balikat lang ito. May kinuha pa ito sa bulsa nito. Isang diary. Nung una akala ko Diary iyon na iniwan ni Mama saken kasi halos parehong-pareho. Pero napagtanto ko na magkaiba iyong ng kulay. "Kanino iyan?"

"Remember na iyong Diary ni Tita hindi mo mabuksan kasi wala iyong susi? I guess ito na iyong sagot nun."

Tama si Oppa. Wala iyong susi ng Diary ni Mama kaya hindi ko na binuksan. Iyong bracelet kasi na may chain na susi hindi naman talaga susi ng diary.

"What the hell are you saying Maria?! What is she talking about Vida?"

"Gosh Rouke! I don't know what they're talking about. Don't tell me you gonna buy their craps?!"

Muli kaming napatingin kina Rouke. Si Luisa naman umiiyak na habang kaharap si Rouke.

"Your lying! Narinig ko kayo nag-uusap nung kasama mong lalaki! Plano niyong patayin si Rouke gamit iyong Wipe na sinasabi niyo dahil gusto niyo mapasakamay kung ano mang bagay na tech ang tinutukoy niyo kanina!"

Halatang naguguluhan na si Rouke.

"One thing nakailangan mo malaman Kim is you and Rouke are connected. Hindi ko alam kung ano ang relationship niyo. Take a look at this picture."

Tinignan ko iyong picture na inabot saken ni Oppa. Nakita ko agad doon si Mom at Dad. Pati ang hawak ni Dad na sanggol na sigurado akong ako iyon. May isa pang babae na katabi si Papa. Hindi ko siya kilala pero kasing edad lang siguro siya nila Mom. At katabi namin nito ay dalawang batang lalaki. Iyong pinakabatang lalaki ay paniguradong si Rouke.

Napakunot ang noo ko. Anong merun sa larawang ito?!

"I don't know what she is talking about!'

"May nakita sila kanina na syringe sa box mo Rouke. Hindi ko maintindihan kung ano iyon but I heard gagamitin nila iyon sayo." Luisa.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now