#41//: The Break Up

1.3K 15 0
                                    

#41//: The Break Up

MINHYUN HWANG ON THE UPPER PART.

. . . Chazii POV . . .

"Cha .... okay ka lang ba? Uuwi muna ako.." Paalam ni Sarah saken.

Nakatulala lang ako. Naba-blangko kasi ang utak ko. Nilingon ko si Sarah pero nakatingin lang ako sa kanya. Nagsasalita siya pero parang hindi maintindihan ng utak ko.

"Sarah samahan na kita..." Si Oppa na nag-aalala rin sa kapakanan ni Sarah.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at naglakad palabas ng bahay. Pero bumalik rin ako at saka sila hinarap. "Mag-ingat ka baka nasa paligid lang siya..."

"Don't worry kaya ko iyon upakan!" Aniya saka sumipa sa hanngin. "Takot lang nila saken."

Faked! Alam ko naman na kinakabahan rin iyan. Nang makalabas na siya ng bahay ay sinenyasan ko si Oppa na samahan na si Sarah. Tumango naman ito saka sumunod sa lumabas.

Tinignan ko ulit ang message na natanggap ko ngayong umaga lang. Galing sa taong gumugulo sa amin. Hindi ko pa nasasabi kina Oppa ang tungkol dito. May problema pa kasi kami. Si Diane na bigla nalang nawala kagabi. Hindi rin siya makontak at wala rin siya sa condo niya.

Gusto ko isipin na okay lang siya pero hindi ko magawa. Kinakabahan ako dahil natatakot ako na baka nasa kamay na siya ng taong gusto kaming patayin.

I HAVE MORE SURPRISES FOR YOU SILENT QUEEN. AND I'M GOING TO INCLUDE ALL THE IMPORTANT PEOPLE YOU LOVE.

I close my pist ! So that is his plan. Well I'll make sure that it won't happen. I am going to protect them. At kapag nahuli ko lang ang taong to paniguradong mapapatay ko siya.

Muli kong tinignan ang phone ko saka huminga ng malalim. Tama bang gawin ko ang iniisip ko? Para naman ito sa kaligtasan nila. Mas pipiliin ko ang kaligtasan nila kaysa ang kasiyahan ko.

. . . Minhyun POV . . .

Nakaupo lang ako dito sa may couch habang nakatingin sa nakahigang katawan ni Clarisse sa hospital bed. Hindi pa rin siya nagigising. Pero sabi naman ng Doktor ay okay na siya. May mga second degree burn siyang natamo pero aside doon wala ng ibang komplikasyon.

Hindi ko akalain na kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para lang saken. Alam niya na bomba ang laman nung kahon na iyon pero inagaw niya pa rin saken. Pina-imbestigahan na ang nangyari pero wala pa ring lead kung sino ang may gawa nun.

"Pards!" Si Baekho na kapapasok lang. Tinapik nito ang balikat ko pagka-upo sa tabi ko. "How's Clarisse?"

"She is far from any complication aside from second degree burn." Sagot ko saka sumandalsa backrest ng couch na inuupuan ko.

"Mabuti naman kung ganun. Her mother is being hysterical in phone call. Maybe she will be here not later in the afternoon." Sabi nito. "Anyway this is address to you." Inabot nito saken ang isang brown envelop na naka-sealed pa.

"What's this?" Nagtataka niyang tanong. Nakapangalan sa kanya pero walang return address na nakasulat.

"Don't know." Kibit-balikat nito. "Anyway Angel told me that your girlfriend is not okay. She seems bothered."

Oo nga pala. Nawala sa isip ko ang Eoreum ko. Na-occupied kasi ako ng mga nangyari kagabi. Naiwan ko pa siya kagabi. Baka natakot rin iyon sa nangyari pero naisawalang bahala ko pa. Argh! Kainis.

"Young Master, Miss Chazii is calling." Sabi ni Butler saka inabot saken ang phone.

Ipinatong ko muna ang envelop na inabot sakin ni Baekho sa table sa tabi ko saka kinuha ang phone kay Butler.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя