#32//: New Neighbors

1.5K 20 1
                                    

#32//: New Neighbors

. . . Chazii POV . . .

"Salamat pala pinsan sa pagsama. Next time ulit. Bye! Muah." Si Diane na nag-flying kiss pa bago umalis ang sasakyan niya.

Tsk. Hanggang dito lang sa gate ng subdivision ako hinatid. Ang layo pa tuloy ng lalakarin ko. Kahit kailan talaga ang tamad ng Dianatot na iyon na ihatid ako.

Lakad. Lakad. Lakad. Biglang hinto.

"Hello Girlfriend." Hansel na parang kabute na bigla nalang sumulpot sa harap ko. Mabuti nalang hindi ko siya nasapak sa pagkagulat ko.

"=_____=" Lumingon-lingon ako. Saan kaya galing ito at di ko napansin na nasa tabi ko na? At oo nga pala hina-hunting ito ni Diane dahil daw sobrang pasaway. Hindi pumupunta sa pictorial eklabu nila kaya na-aantras ang due date nila dahil dito.

"Saan kayo galing ni Glamorosa?" Tanong nito saken habang nakapamulsa.

"Diyan lang =_____=" Tamad na tamad kong sagot saka nagpatuloy sa paglakad. Ang taray nga tawagan nila. Glamorosa at Glamoroso. Ang laswa di ba? Parang shining shimmering pakinggan.

"Ang cute mo talaga sumagot. Hahaha." Siya na umakbay sa akin habang naglalakad kami.

"Tss =_____=" FC rin talaga. Pero dahil tinatamad akong sawayin siya kaya yaan na. Pero teka bakit ko hahayaan? Tsk. Baka masanay. Kaya tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko.

"Aba loyal sa boyfriend ayaw magpa-akbay sa kaibigan..." Aniya saka nagpamulsa ulit habang sumasabay sa lakad ko.

"=_______=" Ang daldal.

"Tsk! Tsk! Tsk! Don't you think it's a bit unfair for you.. I mean siya nga may ibang babae tapos ikaw wala?" Sabi niya saka nag-sad face at humarap saken. Bale ang lakad niya ay paatras kasi ako tuloy lang sa paglakad paabante.

"=_____=" Adik ba ito. Anong gusto niya gawin ko mambabae rin? Yuck!

"Mmm.... anyway handa naman ako maging other man mo eh" Sabi niya saka ako kinindatan.

"Tss..=_____=" Baliw. Huwag siyang ano baka papatulan ko siya. Hehehe.

"Hehehe joke lang." Naka-v sign na sabi niya. Paasa. "Anyway nakalipat na ako sa tabi ng house ninyo. Magkaharap pa ang bintana natin. So hindi ka na mahihirapan i-stalk ako."

"=______=" Eh ano naman? Stalk? Asa. Kahapon akala ko niloloko niya lang ako kasi nga pagkadating samin bigla siyang lumayas rin. So totoo na dito na siya sa may subdivision namin nakatira.

"Hindi mo man lang ako i-wewelcome?" Malungkot niyang sabi saka huminto sa paglakad nitong paatras. "Kahit isang maiinit na welcome hug lang?" Aniya na umakto pang yayakap.

"=_____=" Hindi ko nalang pinansin. Lumihis nalang ako sa paglakad ko para hindi siya makasalubong. At pagdating sa amin... hayun si Gwapo nasa harap namin--- saan naman kaya galing ang isang iyan.

"Oh hayan na pala si yabang eh.. YOW DUDEZ!!" Kaway ni Hansel kay Gwapo habang todo ngiti. FC TALAGA.

"Dudez your face." Cold na sabi dito ni Gwapo habang ang sama ng tingin samin.

"Cool Dudez hiniram ko lang saglit ang Girlfriend mo." Nakataas na kamay na sabi ni Hansel.

"Tsk..." Gwapo sabay alis sa harap ng bahay namin.

"=_____=??" Di ba dapat ako magalit sa kanya? Siya kaya nambababae. Sinundan ko nalang siya ng tingin at---teka bakit doon siya pumasok sa katabi naming bahay?

"Hahaha ang cute niyo talaga. Siya iyong tinutukoy ko na ka-room-mate ko. Ang saya di ba." Kiniskis pa nito iyong magkabila niyang palad saka tumingin sa sa bahay katabi ng bahay namin.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now