#37//: Silent Queen Pt.1

1.3K 13 0
                                    

#37//: Silent Queen Pt.1

NARRATION.

Lumapit ang maputing bata sa lalaking nagdiriwang ng kaarawan nito. Nilabas niya ang kanyang regalo sa bag at saka kinalabit ang batang lalaki. "Happy Birthday Kuya Joshua!" Masaya nitong sabi.

"Salamat White. At maka-kuya naman. One year lang agwat natin.." Nakangiti nitong sabi saka kinuha ang regalo ng maputing bata.

"Kahit na...ititigil ko lang pagtawag sayo ng kuya kapag itinigil mo ang katatawag mo sa akin ng white." Nakangising sabi ng batang babae.

Binelatan lang ng batang lalaki ang maputing bata saka nilingon ang katabi ng batang maputi. "Queen asan na ang gift ko?" Tanong nito sa batang babae na may kakaibang aura. Ang mga mata kasi nito ay walang emosyon. Para itong robot na walang damdamin kung titignan.

"Nasa room mo =_____=" Sagot nito sa batang lalaki.

"Oi si Kim nampapasok ng room ng iba! Sabi ko sayo Josh may gusto sayo si Kim!" Isang batang pilyo ang biglang lumapit sa kanila at sinimulan ang pang-asar sa mga kaibigan.

"Bad mang-asar Jae." Saway dito ng batang maputi na si Diane.

"Haha. Tara may ipapatikim ako sa inyo. Dala ni Mommy." Niyaya na ng batang may kaarawan ang mga kaibigan niya.

Pumunta sila sa kusina at tumikim ng pagkain na isa sa handa niya. Ang white chocolate fountain.

"Anak andito na ang tita mo ... magmano ka muna!" Tawag ng Mama ng batang si Joshua.

"Wait lang huh..." Paalam nito sa mga kaibigan saka pumunta sa Mama nito kung saan kaharap nito ang Tita niya.

Napatingin ang batang may cold eyes sa kaibigan na umalis. Hindi pa pala nito nababati ng Happy Birthday ang kaibigan niya. Siya si Charlot Kim Rivera. Eight years old. Pinsan niya si Diane Lei Mendez na eight years old na rin. Ang nagdiriwang ng kaarawan ngayon ay si Joshua Yoon. Nine years old na siya ngayon. Ang isa pa nilang kaibigan na pinaka-bully at pilyo sa lahat ay si Yujae na nine years old na rin. Matanda lang ito ng isang buwang kay Joshua.

"Kim lapit kayo dito ni Diane dali kukunan ko kayo ng picture." Tawag ng lalaking may hawak ng camera. Siya naman si Junki Shin. Kinakapatid ni Kim dahil ninong nito ang Papa ni Junki. Matanda si Junki kina Joshua ng dalawang taon. Bale ang tanda nito kina Kim ay tatlong taon.

"Tara na Pinsan!" Hinila ni Diane ang pinsan papunta kina Yujae at itinabi ito kay Joshua.

Umakbay naman si Joshua kay Kim at saka ngumiti.

"Say scarlet!" Utos ni Junki saka kinuhaan ng litrato ang mga kaibigan.

Matapos ang pagdaraos ng kaarawan ni Joshua ay nagsi-uwian na rin sila. Hindi naman nagkakalayo ang mga bahay nila dahil sa iisang village lang naman sila nakatira.

Isang simple at masayang pamilya merun si Charlot Kim. Okay ang buhay nila. May kalakihan rin ang bahay nila. May sariling negosyo ang kanyang Daddy. At ang Mommy naman niya ay may sariling Pet Clinic.

Nag-iisang anak lang siya. Kaya naman medyo nai-spoiled siya ng mga magulang niya. Kahit busy sa negosyo ang mga magulang niya ay hindi naman nagkukulang ang mga ito sa pag-aalaga sa kanila.

Nagkakaroon pa nga siya ng weekends bonding sa magulang niya. Ang kanyang ama ay magaling sa martial arts kaya natuturuan siya nito. Pina-aattend pa nga siya nito sa mga martial arts workshop. Ang kanyang Mommy naman ay tinuturuan siya mag-alaga ng hayop. Kaya nahilig siya sa mga hayop lalo nasa pusa.

Ang kamukha ni Kim ay ang kanyang ina. Pareho silang may kakaibang mata. Mata na animo malamig na kawalan kapag nakatingin sayo. Pero ang pinagkaiba nila, ang mama niya ay madalas nakangiti. Si Kim ay minsan lang dahil pakiramdam niya hindi bagay sa kanya ang ngumiti. Kaya madalas siya kinaiilangan sa school nila dahil sa kakaibang aura niya.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin