#23//: Special chapter

1.8K 28 7
                                    

[ ang chapter na ito ay para po kina ange at maja na hindi nakasama sa camp... basahin niyo po pa rin ito dahil may important things na ipapasok ako sa chap na ito na magbibigay clue sa mga susunod na chapter]

#23//: Special chapter

SEE ANGELICA CUAREZ ON THE UPPER SIDE.

. . . Angelica POV . . .

( Timeline: First day of camp nila Cha)

"Asan na ba ang make-up kit ko?"

Hanap-hanap-hanap------ okay wala talaga dito sa kwarto ko. Mmm sino kaya ang salarin? Napahawak ako sa baba ko. Si mama? Si dudes na pangalawa kong kapatid? O baka si bunso na naman? SINO KAYA?!

May date kami ni boyfriend ngayon di ba? Kaya di kami nakasama sa math camp. Syempre date muna bago camp hahaha.

"Mommy!!! Nakita mo yung bago kong make-up kit?" Ako nasilip sa kitchen kasi andoon si Mom nakatambay.

"Hindi anak..." Sagot ni Mommy na busy sa kanyang bagong trip sa buhay.. ang mag-bake ng kung ano-ano.

Okay wala akong mapapalaya kapag ganyan si mommy. Busy. Paakyat na ako sa taas nang makasalubong ko yung kapatid kong lalaki... si Dudes. Nakasuot na naman ito ng uniform nila ng basketball team nila sa kanto. Tsk. Gabi na naman uwi nito panigurado.

"Hoy nakita mo make-up kit ko?" Tawag ko sa kanya.

"Duhh ano naman gagawin ko dun? Isip-isip rin huh." Masungit nitong sagot saka dumiretso sa labas ng bahay.

Okay tinalikuran na ako.. siya na walang alam... nagtatanong lang eh. Isa nalang ang taong natitira na suspect sa pagkawala ng kit ko at ayun ay si BUNSO!!

"JILL!!!" Umakyat ako sa taas sabay tinawag si bunso. Pagpasok ko sa room niya. Hay naku naman. Sabi na ee ang bunso ang kumuha!

"Ate ganda ba?" Nakangiting tanong ni Jill na mukhang pinagtripan ng baliw ang mukha.

"Jill sabi ko di ba huwag pakilaman ang gamit ko? Lalo na ang make up ko!" Inagaw ko sa kanya yung make up kit. Bago pa naman ito... kahit kailan talaga ang pakilamera ni bunso.

"Pero ganda kasi ate ehh.. para may ligaw rin sa akin na kasing pogi ni kuya Baekho" Malandi nitong kinurap-kurap iyong mata niya.

"Actually Jill mas maganda ka kung wala kang make-up saka ang mga ganitong bagay ay para lang sa aming mga matanda na... " hayss bakit ba mas malandi pa sa akin si Jill? Kanino ba nagmana ang batang ito?

Pinaghugas ko na ng mukha ang batang iyon at lumabas na ako ng room niya. Bumalik ako sa room ko at humarap sa mirror wall ko sa kwarto at hehehe lagay-lagay ng kolorete sa mukha. Kailangan maganda ako sa date namin ni my labs ko... first official date namin ito ehh.

Kinikilig pa rin ako tuwing maaalala ang day kung kailan naging kami ni my labs. Paano ba nagsimula ang lahat? Syempre may kwento iyan...

Katatapos lang ng pictorial namin at heto pauwi na ako. Kakapagod rin mag-post huh. Sinong nagsabing madali lang ang trabaho ng mga model like me? Sasakalin ko. Palabas na ako ng building nang may biglang umakbay sa akin.

"Hanu bayan ginulat mo naman ako Ronel!" Ako na napahawak sa dibdib ko. Isa yan sa mga ka-work ko.. pero siya rin ang anak ng may-ari ng modelling company na ito... mayaman di ba! Kung pwede lang maging Fafa kaso hindi eh.

"Hahaha may lakad ka? If wala kain muna tayo sa labas... my treat!" Masaya niyang sabi habang naka-akbay saken.

"Sige! Sige!" Syempre payag na agad! Aba di tinatanggihan ang grasya haha.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now