#13//: Over Night

3K 39 6
                                    

#13//: Over Night

SEE TAEMIN LEE ON THE UPPER SIDE.

. . . Chazii POV . . .

"Hello Chazii!" Kaway nung babae saken. Close ba kami nito.

"Hi Ms. Chazii kim !" Isa pang sabi nung hindi ko naman kilala.

"Congrats Ms.Chazii! Bagay pala talaga kayo ni Prince Minhyun!" Sabi ng baklang nadaanan namin.

"=_________= ?" Problema ng mga tao dito sa school?

"Mabuhay ang Char-Leader! Whoa!" Nagulat ako ng bigla nalang sumigaw ng ganyan si Sarah.

Simula pagtapak ko ng school puro na sila ganyan. Congrats kuno. Saan? Kagabi ba? Eh t*nga ba sila? Hindi naman kami nanalo ni Gwapo.Wala rin kaming kahit anong place so bakit nila kami kino-kongrats huh?! Pinamumukha ba nila na dahil saken di kami nanalo?!

Isa pa itong katabi ko na sigaw ng sigaw ng Char-Leader. Para saan naman iyon di ba? Adik to mamaya damputin nalang kami ng SC officers dahil diyan sa kakasigaw niya eh.

"Cha gusto mo maki-chismis ?" Tanong ni Sarah ng makapasok na kami sa room.

"=______=" Hindi ako mahilig sa chiswis... peanut butter kaya at mayonaise bet ko. Nakalimutan na ba niya? Ahuh! Pati dito sa room may banner na congrats samin ni Gwapo. At panay ang bati nila. Grabe.

"Hahaha... gutom ka na ba? Sabi ko chismis hindi chiswis. Anyway. KAYO UNG MAJOR-MAJOR TALK OF TOWN NGAYON CHA ! Sikat na ang talaga ang friend ko hahaha! Syempre sisikat rin ako dahil ako ang besplen mo!" Nagwiwiggle na sabi ni Sarah.

"=______=" Iyong totoo, nakadroga ba ang isang ito?

"Ang daming comment ninyo sa transparent website ng SU Cha. Kayo na talaga sikat..." Si Luisa na todo scroll sa hawak nitong tablet. Edi siya na may bagong SECONDHAND na tablet xP

"=______=" Anong transparent website? Merun pala nun ? Ang alam ko lang ay iyong front web ng SU, iyong site kung saan ko nakita ang tungkol sa RP... at kung saan nakapost kung may pasok o wala. Iyan lang alam ko.

"Gusto mo rin ba maging talk of the town? Edi sagutin mo na ako... aba sikat rin ako Maria!" Banat naman ni Rouke sabay akbay naman kay Luisa.

Nanliligaw na yata kay Luisa ang isang yan.... narinig ko lang naman yan sa bibig ni Ange na minsang pag-usapan nila si Luisa. Bah! Malay ko naman kung nanliligaw yan nu. Wala kasi ako idea sa ginagawa ng nanliligaw. Ehem.

"MUKHA MO! Hindi kita type!" Namumulang sita ni Luisa dito sabay walkout.

"Naku Maria huwag mo ako iwan sa kanila baka maharas ako!" Tawang-tawa na habol naman ni Rouke kay Luisa.

"Ang lakas rin talaga ng bilib nun sa sarili nu. Nakamove on na kaya ako sa kanya! Makaparinig eh. Si Red na gusto ko ngayon!" Nakangusong sabi ni Isda.

"Nagkagusto ka dun? =_____=" Tanong ko dito.

"Ano ka ba Cha. Gwapo kasi si Rouke! Pero past is past. May Red na ako ngayon. Hihihi xD" Hayan kinilig na naman ang loka.

Hindi ko na pinansin. Binuksan ko nalang ang fb ko. Kasi wala iyong teacher namin ngayon. So may 45 minutes kami para magmuni-muni. Pagbukas ko. Takte ano nangyari at sabog ang notification ko? Pati ang daming friend request?!

Ang lala... inulan ako ng likes at comments. Pati ang older post ko since last last year pa yata ay na-ungkat nila! Kahit ang status ko lang na BORED AKO ay inulan ng likes at comments. Tsk. Nag-log out nalang ako. Makapagpalit nga ng facebook account mamaya.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now