#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)

2.7K 52 8
                                    

#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)

. . . Chazii POV . . .

"Eoreum. Can you be my girlfriend? " He said without a pause.

Huh? Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi niya. Ito na ba iyong scene na may nagtatapat ng pag-ibig sa magandang babae na tulad ko? Eh sandali. Nawindag pa ako eh. Hinga muna Cha. Hinga.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero parang nawala ang boses ko. Wala akong masabi sa pagkagulat ko. Ano ba ito. Biglain ba ako. Magsasalita na sana ako ng...

"In exchange of anything you want..." bigla nitong dagdag.

Kumunot ang noo ko. Pilit na ina-absorb ang mga sinabi niya. In exchange of anything I want? Ano to? Gusto niya ako maging girlfriend kapalit ng kahit anong gusto ko? Ayos yun ah! Mmm... ano kaya ang gusto ko? Ahh syempre---

"You don't like it?" Nakasimangot na nitong sabi.

"Ah..." Teka gusto ko naman kasi may kapalit. Kaso di ko lang talaga masabi na yes okay saken. Alam niyo na. Dalagang pinay ito.

"Just pretend na girlfriend kita. How much ba? Babayaran kita.." Siya na mukhang frustrated na ewan.

"=___________=" Teka nga!! Anong bayaran ako? Ang pangit pakinggan ah. Loko ano akala niya saken isang bayarang babae?! Eh kung sapakin ko kaya ito. Akala ko pa naman ayos iyong offer niya. Hindi pala.

"Ayaw mo pa rin? Why ?" tanong ulit niya.

"Ayoko. Tsk. =______=" Umiiling na sagot ko sabay pasok sa kwarto ko. Hay naku. Napagkamalan pa akong babaeng mababa ang lipad! Magkamukha ba tayo Magdalena? Nakakaloko ang Gwapong iyon ah.

. . . Minhyun POV. . .

OPEN EYES. ANG SINGKIT KONG MATA AY NANLAKI. NO!!! INAYAWAN NIYA AKO? IT CAN'T BE! I NEED HER NOW.

Kailangan niya pumayag... hindi pwedeng HINDI ! Ano ba pwede gawin para pumayag siya? Sinabi ko naman na babayaran ko siya. Ayaw pa rin. Eh kung daanin ko sa pang-aakit? Tss. Parang di maganda. F*ck! Think Minhyun!

Think! Think! Think!

Biglang may nag-pop out sa isip ko! Yeah! I know a thing na hindi niya kayang tanggihan! Whoa! I am so awesome.

. . . Chazii POV . . .

~ Ajik urin ddokgata... Nal boneun ni useumdo gata... Nae simjangeun neobakke moreuneungabwa ... Neol bogo ddo dasi ddwineungeol bwa... Sumi makhil geot gata... Nae nunmuri chaolla apa... I sesange geu eoddeon geojitmalboda ... Neol wanjeonhi ijeotdan mari deo nappeun geot gata ~

NP: NOT OVER YOU OF NUEST

Nakahiga ako ng patagilid. Nakaharap ako sa bintana ng kwarto ko. Nakatingin sa labas. Sa mga formation ng ulap. Hays. Nakakainis. Naiinis ako.

"Eoreum....." Bigla nalang narinig ko na may bumulong sa akin...

Adik na. Nagulat ako! Paglingon ko si Gwapo hayun nakalapit ang mukha sa akin at ang lungkot ng itsura. Nakayukod kasi siya sa may likuran ko kaya sakto paglingon ko muntik na magkabungguan ang mukha namin. Adik ng lokong to!

Bakit bigla nalang sumusulpot dito? Akala ko umalis na siya!

"=______=" Tinignan ko lang siya sabay balik nang tingin doon sa hawak kong math book. Nagsosolve ako ng problems. Past time ko ito bakit ba! Natulala lang talaga ako sa langit kanina.

"Eoreum I need you..." He said using his husky voice. Anak ng! Inaakit niya ba ako?

No. No. No. Hindi ako madadala sa pang-aakit mo.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now