#10//: She's Jealous.

2.9K 43 3
                                    

#10//: She's Jealous.

CLARISSE DIZON ON THE UPPER SIDE.

. . . Chazii POV . . .

"Girlfriend? Hahaha. No. She is my friend." Tumingin ito saken. Hala baka sisingilin na niya ako! Wala akong pera. Bumaba ang tingin nito saka tumingin sa wristwatch niya. "I have to go na girls."

Nag-wave na ito ng goodbye. WISH GRANTED!! Hindi niya ako siningil ng utang ko! Ang galing ko talagang mag-orasyun xD

"Hoy Cha ! Ayaw mo ba ng pinili namin?! Bigla ka nalang nawawala eh." Nakangusong sabi ni Sarah pagka-alis ni Onion.

"=______=" Sino bang may gusto? Sila lang naman.

"Ayaw mo nga?!" Si Sarah na todo pout na naman.

"Nga pala kailangan ko nang umalis dahil may aalagaan pa ako..." Nakalabing paalam ni Maja samin.

"=_____=" Si Hachan iyon panigurado. Oo nga pala. Hindi ko pa naaasikaso ang tungkol sa kuya nitong si Yujae. Tsk. Wala kasi akong oras. At isa pa hindi ko alam saan sila nakatira.

Umalis na si Maja kaya apat nalang kaming andito sa mall.

"DITO TAYO !!! SA ANGELA FASHION COLLECTION!" Biglang sabi ni Ange sabay turo sa boutique na nasa harap namin.

"=_____=" Amoy mayaman naman dito sa boutique na ito. Parang bigla akong kinabahan at napahawak sa bulsa ko.

"Good afternoon beautiful ladies... how may I help you?" Nakangiting bati samin ng sales assistant pagpasok namin.

Nakangiti naman na sinabi nila ang kailangan ko so hayan ang daming pinasukat sa akin. At ang gaganda pa eh kaso... PANGWASAK naman ng BULSA ang PRESYO! Bibili pa ba ako o tatakbo na ako palabas?!

Ilang damit na ba nasukat ko? Hala baka mamaya may bayad pala pati pagsukat ng damit dito!!

"Good afternoon senyorita Angela!" Narinig naming bati ng mga sales staff dito sa isang babaeng pumasok. Ay bongga ang ganda niya! Artista kaya ito?

"How's the day? Did Mom drop by here?" Seryoso nitong tanong sa isang stuff.

Based sa nakikita ko mukhang siya ang may-ari ng boutique na ito kasi Angela pangalan eh... di ba yan pangalan ng boutique, Angela Fashion Collection?! Pero mukha pa siyang bata huh. Taray bata palang siya mayaman na siya. May sariling boutique eh

"=_______=" Nakatingin lang ako sa kanya. Ang iksi ng suot niyang fitted dress. At ang taas ng takong niya. Bilib na ako sa kanya. Ang galing niya magdala ng mga damit na ganyan huh.

"Yes Miss? Do you need something?" Angela na tingin rin sa akin. Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya.

"=_____=" Umiling lang ako habang nakatingin lang sa kanya.

"Ahh why are you staring?" Medyo naguguluhang tanong nito.

""=_____=" Huh? Nakatitig ba ako sa kanya? Hindi ko napansin.

"Hello Miss Angela! Don't mind my friend. Ganito na kasi pinanganak to eh " Singit ni Ange sabay akbay saken.

"=____=" So anong gusto niya palabasin?

"Really?... I see.." Naiilang pa rin ito kasi nakatingin pa rin ako sa kanya. Bakit ba? Eh sa trip ko siya tignan eh

"Pwede pa-picture? Idol kasi kita eh!" Pabebeng sabi ni Ange sabay labas ng phone.

"H-huh.. oh s-sure. Come here." Sabi nito saka nagpapicture together kay Ange.

"=________=" Nakatingin lang ako. Artista nga siguro iyan kasi nagpapictute si Ange eh.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now