#43//: The Photos

1.2K 18 0
                                    

#43//: The Photos

. . . Chazii POV . . .

"Iyon nga daw ang nangyari. Tsk. I knew it" Pagpaparinig ng isa sa classmate ko.

"Prince Minhyun dump her. Mabuti nakaya niya pa pumasok dito..." Classmate ko pa rin.

"Nagsawa na siguro si Prince Minhyun..."

Hindi ko na pinansin ang mga chismosa. Hinanap ko sa bag ko ang earphone ko at sinaksak iyon sa tenga ko at nagpatugtog nalang ng naka-full speaker. Then umubob ako sa armrest ko... =____=

This is our second day of school after christmas break. At nakakainis na naman ang mga ingay nila. Kahapon kalat na agad ang pakikipaghiwalay kuno saken ng Prince Minhyun nila. Nakakairita kasi wala na yata silang ibang mapag-usapan kundi ako. Tapos ngayon nakonpirma na nga nila na wala na kami. Ewan ko kung paano nila nalaman. Wala na rin naman akong pakialam.

"Cha!!" Sigaw ni Sarah sa may tenga ko. Wala man lang kalaban-laban ang full blast volume ng earphone ko sa boses ni Sarah.

Tinignan ko siya with my cold death glare. Isa lang ibig sabihin nun. Lumayo na siya dahil wala ako sa mood.

"Nakakainis ka na Cha! Kahapon mo pa kami hindi pinapansin!" Nakasimangot na sabi nito habang tinatanggalang earphone sa tenga ko saka nag-cross arm.

Ramdam kong natahimik ang buong klase. Taray. Nasindak sila sa dwendeng ito.

"=_____=" Boring. Humikab ako saka tumayo at lumabas ng classroom.

Saan ba ako pupunta? Mag-cutting nalang kaya ako? Kaso iyong bag ko nasa classroom. Ah bahala na si Sarah sa gamit ko. Dalawang subject nalang rin naman uwian na. Naglakad na ako papalabas sa school.

Tinakbuhan ko pa nga iyong guard eh. Nang makalabas na ako ay naglakad na lang ulit ako. Saan ba ako pupunta? Uuwi? Kaso ayoko pa umuwi. Gagala? Eh wala naman akong pera. Saan ba ako---

"Kim!!"

Nilingon ko ang tumawag na Kim. Si Hansel pala. Ngayon ko nalang ulit nakita ang lalaking ito. Huling kita namin ay nung pasko. Last day ng effectivity ng raffle. Tinapos lang daw niya kasi uuwi na rin siya sa States. Bakit pa kaya ito bumalik?

"Mabuti nakita kita. Miss mo na ba ako?!" Nakangiti nitong sabi saka ako biglang niyakap.

"=______=" Ano na naman drama nito? Akala niya ba boyfriend ko pa rin siya?

Nakayakap lang siya saken. Hinayaan ko nalang. Tinatamad akong magsaway eh. Napatingin ako sa kotseng papalapit sa amin. Sinundan ko ito ng tingin. Dumaan lang sa tabi namin iyong kotse. Nasa gilid pala kami ng daan.

"Teka cutting ka ano?" Sabi nito ng kumalas na ito sa pagkakayakap saken.

"Oo. =________=" Sabi ko naman.

"Wow. You're so honest. And why you cut class?" Nakataas ang kilay na sabi nito.

"Wala kang pake =______=" Pangbabara ko dito. Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. "Pautang."

"Hahaha. Cool! Matapos ako sungitan, uutangan mo ako?"

"Papautang ka ba o hindi? =______=" bored na tanong ko. Ang daldal eh.

Instead na pera ang ilagay nito sa kamay ko, nilagay ba naman ang kamay niya. Ano naman gagawin ko diyan sa kamay niya? Mababayad ko ba iyan sa bibilhin ko?

"Okay. Utangin mo muna ang oras ko ngayon. I think what you need is company of a handsome man like me. Hahaha." Hinawakan nito ang kamay ko saka ako hinila kung saan.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now