#21//: Math Camp Pt.3

2K 33 3
                                    

#21//: Math Camp Pt.3

. . . Chazii POV . . .

"Eoreum dun tayo sa dart booth!" Si Gwapo na hila na naman ako sa another booth. Lahat yata ng booth balak puntahan. At nag-iipon daw siya ng chips para sa aming dalawa... like duhh di ko na kailangan ng chips para tumaas ang grade ko sa math. Di ba! Di ba! Di ba? Hayss =____=

"Masaya to hehehe..." Sabi matapos sumingit sa mga nakapila.

"=______=" Di na talaga nahiya sa mga kanina pa nakapila dito ohh. At ang mga nakapila naman buong PUSONG nagpapasingit. Akalain mo yan, samantalang kapag ako sumingit kulang nalang pabarangay ako dati.

Puro booth pala ngayon dito at bukas naman ang mga challenges and obstacle thingy. Sa mga may mababang grades sa Math, ito na ang chace nila para medyo tumaas naman ang grade nila kasi every 10 chips na maipon nila ay may kapalit na plus 1 points sa performance grade. At tulad nga ng sinabi ko noon, hindi ko na kailangan ang chips dahil mataas na ako sa math.

"Ito na po ang dart ninyo Prince Minhyun." Ngiting-ngiting sabi nunng girl na nag-spark ang mata habang tinutunaw nang titig si Gwapo.

"Kailangan niyo lang po makaputok ng three moving balloons at if ever po na may maputok kayo na may lamang papel ... sagutin niyo lang po ang tanong to get the prize..." Dagdag pa niyong isa pang babae na kumikinang rin ang mata.

"=_____=??" Anyway bakit ba kumikinang ang mata nila? Normal pa ba iyang matang ganyan?

"Eoreum ko ikaw na ang bahalang sumagot sa tanong huh." Gwapo na binigyan pa ako ng famous smile niya daw... like anong kafamous-famous dun?

"Kyahhh!!" Tili ng mga andun sa pwesto namin. At muntik pa himatayin iyong isa sa babae doon sa booth counter. Hayan tili pa more.

Nung normal na ulit iyong LAHAT sa paligid (wala ng tumitili at nahihimatay) saka na nagsimula maghagis ng dart si Gwapo para asintahin ang mga moving balloons.

"=_____=" At kung sinuswerte nga naman siya nakakuha na NAMAN siya nang may question. Mathematical question as usual iyan. At ako na naman pinasagot. Ako lang naman kasi ang nakakasagot sa mga mathematical problem ehh. Oo na ako na genius.

Binasa ko na iyong question... Ehh??!! Teka sinimulan ko ulit basahin. EH?! Binasa ko ulit at this time sobrang bagal na. Pero ganun pa rin. Ang tanong ay mahirap! Teka nga muna hindi naman ito mathematical question ah!

Tinignan ko si Gwapo na nakatingin rin pala saken. Inabot ko sa kanya iyong papel saka sinabing, "Kaya mo na iyan =_______="

"Why? Is it hard?" Nagtatakang tanong niya saken.

"Basahin mo nalang =______=" Sagot ko naman saka nag-iba ng tingin.

. . . Minhyun POV . .

"Ahh Prince Minhyun may naputok po kayong balloons na may papel. Heto po basahin ninyo ang kwestyun at sagutin." Sabi nung babae na kanina pa ganyan makatingin sa akin. Kung wala lang sa tabi ko ang girlfriend ko, naku! Nakatikim na sakin ang babaeng to.

"Here sagutin mo na..." Ako na inabot iyong papel kay Eoreum.

Wushoo another chips na naman. I don't why I'm enjoying collecting those chips eh.

"=____=" Eoreum na binasa yung nasa papel. Napansin ko na bahagya na nagsasalubong ang kilay niya. After niya mabasa ay bigla nalang niya binalik sa akin iyong papel. Don't tell me di niya kaya sagutan iyong question?

"Why? Is it hard?" Tanong ko sa kanya.

"Basahin mo nalang..." Sabi ni Eoreum na nayuko pa at tumingin sa ibang direksyon.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now