#46//: THE IDENTITY REVELATION

1.4K 18 0
                                    

#46//: THE IDENTITY REVELATION

. . . Chazii POV . . .

"Ano bang importante mong sasabihin?" Tanong ko sa pinsan ko.

Pagkauwi ko kasi ay bigla nalang tumawag itong palitaw kong pinsan at pinapunta ako sa condo niya. Syempre may mapa para di ako maligaw. Pagdating ko sa condo niya ay parang normal naman siya. Iyong tipong walang nangyari for more than two weeks na nawala siya.

And imagined for how many weeks na hindi nagparamdam iyong bruha na ito, mabaliw-baliw na kami ni Oppa kakaisip kung nasan siya. Then out of nowhere bigla nalang tatawag na akala mo walang nangyari. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or mainis sa pagpaparamdam niya ngayon eh.

"So? =____=" Kanina pa ako naghihintay ng sasabihin niya

Umupo naman ito sa katapat ko saka nagsimulang magsalita."Its about Jae.." Panimula nito na ang tinutukoy ay si Yujae. "He is not the one sending us those crappy threats."

"Pinagtatanggol mo pa rin siya? =_____="

"No cous... Im telling you the truth. Sa loob ng ilang linggo na paglaho ko, Im not just sitting pretty okay. I investigate. At iyon na nga tulad natin ginugulo rin si Jae ng sender na yun. And to tell you the truth, pareho kami ni Jae na ginugulo ng whoever he is sa ibang bansa. And I guess he really plan this, na mapauwi kami ni Jae dito sa Pilipinas."

Napakunot naman ang noo ko. Is she telling the truth or just making stories to cover up for Yujae?

. . . Sarah POV . . .

"I think alam ko kung sino ang nagpadala ng bomba na iyon." Bigla nalang sinabi ni Luisa kaya naman muntik na akong mabulunan sa pag-inom ko ng drinks ko.

"Teka nga ano bang pinagsasabi mo?" Nakuha kong sabihin matapos akong makarecover sa pag-ubo.

Bigla naman itong parang nag-alangan sa sasabihin nito. "Iyong kwento mo kasi ehh...iyong sa nangyaring pagsabog...i-iyon rin kasi iyong narinig kong sinabi ni Rouke nung christmas eve na nagpunta ako sa kanila."

"What do you mean kay Rouke? Hindi kita maintindihan Luisa!" Sabi ko habang inalog-alog siya sa balikat. Alam kong muntanga na kami ngayon dito.

"Narinig ko kasi na may kausap siya dun sa phone niya. I think he address Silent Queen doon sa kausap niya sa phone. Then..." Nagkamot muna ito ng batok bago itinuloy iyong sasabihin. "Then I heard na may regalo nga siyang bomba dun. Narinig ko rin na sabi niya magbabayad daw yun sa pagpatay sa kuya niya."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Lola na Silent Queen pakiramdam ko piniga ang kaluluwa ko. Hindi lang gumagawa ng kwento si Lola. She hits the line eh! Natumpak niya ang word the Silent Queen. And everything she says are hitting the stories behind us.

"Ah. Baka praning lang ako bunso." Tumawa ito ng pilit saka ako tinap sa balikat. "Hoy nagulat ka ba? Actually nakakapraning nga iyan. Pero mas okay siguro na wag nalang natin isipin. Baka nagkataon lang iyon."

Gosh all this time kasama lang pala namin ang gustong pumatay sa amin. And parang di kaya tanggapin ng brain ko na si Rouke ang gustong pumatay samin. Omygas! Kailangan ko na itong ipaalam kay besplen.

"Lola... I think may connection lahat ng sinabi mo. Alam na ba ni Rouke na may narinig ka sa convo niya sa phone?"

"Huh aahhh di ko alam ehh." Umiling-iling pa ito. "Teka bakit parang namumutla ka. Don't tell me totoo iyong narinig ko? Gosh! Sino naman yung gusto patayin ni Rouke? Sino iyong silent queen na tinutukoy niya?"

Sorry Luisa pero mabuti nang wala kang alam. Tumayo ako saka siya hinarap. "Hahaha. Wag mo na masyadong isipin iyon. Ganito.. ammm umuwi ka na agad. Ako gagamit muna ako ng public toilet. Sumama tiyan ko eh. Mauna ka na huh... keep safe.." Sabi ko at dali-dali nang lumabas ng YC.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now