#52//: The VIP

582 11 0
                                    

#52//: The VIP

. . . Sarah POV . . .

"Bakit ang tagal mo? =______=" Bungad saken ni Cha pagpasok ko palang ng bahay nila.

"Huh?!" Halos mapatalon pa ako sa gulat ng makita ko si Cha na nakatayo sa may sala nila at nag-aayos ng gamit nito. Nakasuot rin ito ng uniform.

"Bakit di ka naka-uniform? =____=" Sita nito ng mapatingin saken.

Nakasuot lang kasi ako ng pantalon at t-shirt. Teka nga si Cha ba talaga ito? Bakit parang bumalik siya sa dating siya? Parang normal na ulit siya?! Teka may nangyari ba na hindi ko alam sa kaibigan ko? Parang kahapon lang nang nakita ko siyang lifeless ah.

"Cha! Papasok ba talaga tayo? Teka okay ka na ba? Akala ko ayaw mo na pumasok?!"

"Tsk. =_______=" Sinuot na nito iyong backpack niya. "Oppa alis na kami." Paalam nito kay Oppa.

Nilingon ko naman si Oppa na nakatulala lang pala doon sa kusina habang nakatingin kay Cha. See? Maging si Oppa nagulat rin siguro sa biglang balik ni Cha sa dating siya.

"Oppa! Sinaniban ba si Cha? May nangyari ba sa kanya kagabi?! Ano na Oppa?! Kailangan na ba natin dalhin sa hospital si Cha?!" Inalog-alog ko pa si Oppa niyan habang sinasabi ko ang mala-artistang linyahan ko.

"Actually di ko rin alam kung anong nangyaring himala. Paggising ko nakita ko nalang siyang ganyan." Bulalas naman ni Oppa. Tinignan naman ako nito. "Magpadasal kaya tayo Sarah?"

Tumango-tango naman ako. "Sandali Oppa tatanungin ko si Karen kung may kilala siyang albularyo." Tumakbo na ako papunta sa pintuan nila ng hilain ni Cha ang laylayan ng damit ko.

"Tsk. Umayos nga kayo. Oppa alis na kami. =_____=" Pagkasabi niya niyan ay hinila niya na ako palabas.

Dumaan pa kami sa bahay dahil nagbihis pa ako ng uniform saka kami dumiretso sa school. Pagpasok namin maging sina Ange at mga classmate namin nagulat kasi bumalik sa dati si Cha. Kung alam niyo lang. Ibang-iba kasi naman talaga siya kahapon.

"Karen nasan mga notes mo? =_____=" Biglang lapit samin ni Cha kaya natigil kami sa pangchichismis sa kanya.

"Ito." Abot naman ni Karen ng BUONG BAG niya. Nagulat ang bruha kaya buong bag talaga ang binigay.

"Pahiram ng notes sa Math at Science. =_____=" Sabi naman ulit ni Cha. Hindi nito inabot ang bag ni Karen.

Kinuha naman agad ni Karen iyong notes niya saka binigay kay Cha. Matapos makuha ni Cha iyon ay bumalik na siya sa upuan niya at sinimulan aralin ang mga notes ni Karen. Kami naman sabay-sabay na napabuga ng hininga.

"Gulay! Akala ko katapusan ko na kanina." Bulalas ni Karen sabay nangatog pa.

"Parang kahapon lang wala sa sarili si Cha. Ngayon mukha naman siyang mangangain ng buhay. I mean bumalik na talaga siya sa usual self niya." Comment pa ni Ange.

"Masyado yatang effective iyong gamot niya..." Nakangiwi ko nalang na sabi. Eh kasi maging ako nagulat naman talaga.

Lunch Break.

"Okay ka na ba talaga Cha?" Tanong pa ni Ange habang kumakain kami dito sa forest.

Tumango naman si Cha. "Bakit? =______="

Umiling-iling naman si Ange.

"Hindi lang kami pakapaniwala na kahapon di ka okay tapos ngayon okay ka na." Si Maja.

"Okay ka na ba talaga?" Hayan bumanat na naman si Karen.

Tumango naman si Cha.

"As in going back sa dati?" Karen

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now