#9//: Queen's Eyes

3K 53 5
                                    

#9//: Queen's Eyes

. . . Chazii POV . . .

"=_____=" Ano ba ito nakakapagod. Pa-ulit-ulit ang ginagawa namin ee.. KALOKA.

"Okay-okay... as for now iyan lang muna. Bukas ulit ay practice natin. Prince Minhyun what can you say ?" Mabait na tanong ng coordinator kay Gwapo. Para lang malinaw babae ang coordinator... ay mali binabae pala.

"Wala." Masungit na sabi ni Gwapo saka umupo sa TABI NIYA.

Nag-pack up na kami para makauwi na rin. So ako heto nag-aayos na ng gamit ko sa bag. Si Gwapo nakaupo lang sa sahig sa TABI KO habang ang kanyang ulo ay nakayuko sa may braso nitong nakapatong sa tuhod nito.

"Masama pa rin ba ang tiyan mo Leader?" Isang lalaki ang lumapit sa kanya. Hindi ko kilala eh.

"Get lost." Masungit nitong taboy doon sa lalaki.

Humalakhak naman iyong lalaki na parang takas sa mental sabay tabi saken.

"Hi. Ikaw si Chazii di ba? Im Aron pala. Oh for sure kilala mo naman na ako." Nakangiting sabi nito.

Nilingon ko si Gwapo. Nakayuko pa rin siya. Nilingon ko naman iyong nasa kabila ko. Sino ba itong epal na ito? Kilala ko daw siya? Parang hindi naman.

"Aron. =_______=" Sabi ko nalang. Adik mukhang natuwa kasi alam ko ang pangalan niya. Eh ugok ba ito? Sinabi niya kaya kanina.

"Hahaha. Sabi ko na eh. Mas sikat ako eh." Proud na proud nitong sabi sabay kindat saken. Euw. "Oh ano pala nangyari kay Leader at sumama ng ganyan ang tiyan niya? I heard kasi na doon daw siya sa inyo galing last night."

"=_____=" Kailangan talaga iparinig sa akin ung pagsakit ng tiyan niya? Euw. Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko naman sure kung dahil sa kinain niya kagabi iyong dahilan ng pagsama ng tiyan niya. Eh ako nga hindi sumama iyong tiyan. Baka may iba pa siyang kinain pag-uwi niya.

"Tara na umuwi." Narinig kong yaya ng babae doon sa may tapat ko.

"Wait lang.. magpapa-picture lang ako.." sabi pa nung lalaki saka biglang lumapit saken. "Miss pwede pa-picture sayo?" Nakangiti nitong sabi.

Aba. Mukha ba akong photographer? Pero sige na. Mabait ako kaya naman tumango nalang ako sabay kuha ng cellphone niya. "Smile." Sabi ko dito ng itatpat ko sa kanya iyong camera.

"Ay hindi Miss. Ang ibig ko sabihin papicture tayong dalawa." Nakangiti nitong sabi.

"Ahh.. =_______=" Hindi naman kasi nililinaw eh. Lumapit siya saken saka tinapat ang front cam saming dalawa. Ano ba ito. Hindi pa ako artista may nagpapa-picture na? Ang ganda ko talaga! Paano pa kaya pagsikat na ako? XD

"Hoy lumayo ka sa eoreum ko!" Sigaw bigla ni Gwapo na nasa likuran namin.

Papa-click na si Kuya sa cp nito nang magulat siya sa bulyaw sa likod niya kaya naman napabitiw ito sa hawak nitong cellphone. Naku. Ganda pa naman ng cellphone ni Kuya.

"Naku andiyan po pala kayo. Pasensya na.." Sabi nung lalaki saka dinampot iyong cellphone niya sabay alis na.

Panira naman si Gwapo ng shine moment ko. Nilingon ko siya. Ang sama ng tingin saken kaya naman nilipat ko nalang ang tingin ko sa bag ko. Kunyare hindi ako affected hahaha. Ako lang pala hinihintay ni Gwapo kasi wala naman siyang dalang gamit. Pagtapos ko magligpit ng gamit ay lumabas na kami sa Auditorium.

Naglalakad na kami sa labas ng school building ng makasalubong namin ni Sarah at Ange. Kasama rin nila iyong Mahawk boy.

"CHA MUSTA ANG REHEARSAL NIYO?!" Si Sarah. At alam na high pitch na naman ang boses ng babae na iyan.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat