#26//: Math Camp Pt.7

1.5K 23 0
                                    

#26//: Math Camp Pt.7

( This will be the last chapter for Math Camp. )

. . . Chazii POV . . .

"Cha nanalo tayo hahaha" Hyper na sabi ni Karen habang nagsu-zumba ng naka-upo.

"Okay huli na siya sa balita..." Nakasimangot naman na sabi ni Sarah na hanggang ngayon hindi matanggap na natalo ang team nila.

"At dahil iyon sa iyo Ate Chazii ! " Iyong kambal na ka-team ko rin pala. Akalain mo ang exposure ng dalawang ito dito ay umaareba.

"=_____=" Hindi nalang ako nagcomment back sa mga pinagsasabi nila. Kasi may masasaktan. Iyong Gwapong nilalang na may itim na aura sa tabi ko. Remember siya lang ang nagtake ng penalty sa aming lahat.

Tag of War. Last challenge.

"This will be the last game guys and after this solo niyo na ang oras niyo para maglibot around the area." Announce ni Sir.

Naghiyawan ang mga kasama namin. Alam niyo na! Free time ang habol.

"So our last game is the very common tag of war. But to make it more challenging, we make a big hole in the middle. It will make our winning and losing team clear. Dahil kitang-kita natin na ang mahuhulog diyan ang matatalong team.So ang first opposing team ay twitter at wattpad ulit..." Sabi ni Sir. Siya na rin ang may hawak ng megaphone ng Head Master namin.

Saan na kaya napunta iyon?

"Sali tayo??=_____=" Tanong ko sa Gwapong nilalang na may itim na aura na katabi ko. Ako naman ang nagyaya this time.

"Ayaw ko.." Wala sa mood niyang sagot saken.

"Sasali ako. =________=" Paalam ko sa kanya saka pumila na sa mga ka-team ko. Madali naman akong kausap. Kung ayaw edi wag pilitin. Ako trip ko lang sumali kasi trip ko nga lang.

Pero nagulat nalang ako kasi hayan sumunod naman siya. Aarte-arte pa kala niya pipilitin ko siya? Tsk. Pumunta ako sa pinakalikod at dun humawak sa lubid. Mautak ako eh. Mahirap kaya kapag sa unahan at gitna. Malapit sa disgrasya. Alam niyo na. Sila kasi ang mauunang malaglag if ever eh.

"Akala ko hindi ka sasali? =______="

"Psh. I change my mind." Masungit nitong sagot saken.

Tignan niyo ang lalaking iyan! Kanina lang ang bait ngayon naman sinusungitan na naman ako ng walang matinong dahilan. Mga lalaki talaga! Ang gulo =________=

. . .Sarah POV . . .

Naka-cross arm na ako habang na todo nguso dito. Pwedeng-pwede na nga magupit itong nguso ko sa sobrang haba eh. Paano naman kasi! Natalo kami kanina tapos may bwiset pa na nang-iinis saken! Kainis!

"You smell really bad." Si Red na panay tukso saken. Palibhasa di siya nagsasali sa mga games. Puro pagpapapogi ang alam.

Ako naman heto imbyerna na. Naman kasi kanina pa siya ganyan! Nilalandi niya ko ng bongga. Baka kapag di ako nakapagpigil lalandiin ko na rin siya! Pero joke lang baka isipin niyo pareho kaming malandi. Siya lang malandi dito. Iwas na iwas na nga ako sa kanya eh siya naman itong lapit ng lapit! Hindi ko rin maintindihan ang lalaking to eh!

ANYWAY!

Lahat ay talaga ng challenge sinalihan ko. So heto kasali ako sa last game. At alam niyo ba na hanggang dito nabwisit ako ni Red? Sinabi na by height daw ang pila sa lubid kaya pinunta niya ako sa pinaka-unahan tapos joke lang pala niya iyon... ako na naman kawawa nito eh. Nasa harap ko lang ang malaking butas na puno ng putik at may kalaliman. Diyan malalaglag ang matatalo sa hilaan. At sa gitna ng lubid ay may ribbon. Kailangan lang na mapunta sa loob ng place namin ang ribbon para manalo kami.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt