#5//: Envelops

3.9K 65 5
                                    

#5//: Envelops

. . . Chazii POV . . .

"Cha... balik ka muna dito sa earth..." Bulong ni Luisa.

"=______=" Tumingin ako sa kanya. Andito naman talaga ako sa Earth ah. Naku minsan nakakagulo sa utak ang mga pinagsasabi ng tao sa paligid ko.

"May sinasabi si Teacher..." Nginuso nito ang Science Teacher namin slash adviser sa harap. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanda ang name niya.

"Yes. By Wednesday. We will have our first activity in our lab. And that is disecting frog..." Nakangiti nitong announced.

"Yuck!" Kanya-kanyang angal ang mga maaarte kong classmates.

"Don't worry class! You will do it by pair. Since tomorrow we don't have classes, you have time to catch your own frog to be use in our disecting activity on Wednesday. Are we clear about this?"Teacher.

"Ma'am! Bakit kailangan kami pa mag-provide?" Tanong ng babae na may curly hair samin. At kasing payat ni Sarah. Siya daw iyong class President namin.

"Dahil walang stock ng palaka ang school." Nakangiting sagot ni Teacher.

"YUCK Ma'am... pwede huwag na sumali?" Maarteng tanong ng isa pa naming classmate na sa pagkakatanda ko ay Muse ng klase. Malay ko naman sa mga pangalan nila di ba.

"Okay lang naman iyon Apple pero wala kang grade.." Sagot ulit ni Teacher saka hinarap ulit ang mga classmate ko. " Class im not forcing you to do it but it's graded okay?" Tumingin ito sa relo niya saka ulit tumingin sa klase. "We still have remaining five minutes. Start pairing yourselves.."

So hayan naging parang palengke na ang room sa ingay. Yayain ko sana si Luisa kasi katabi ko lang naman siya pero biglang partner na niya ung lalake na nagtanong sa kanya noong first day of school kung saan siya nakatira.

Kaya naman lalapit sana ako kay Maja kaso partner na sila ni Sarah tapos si Ange naman ay kay doon sa mahawk hairdo nagpapartner. Edi ako nawalan ng partner. Bumalik ako sa pagkakaupo ko saka nangalumbaba. Kaya ko naman ng walang partner eh. Bakit ba.

Maya-maya may kumukulbit sa likod ko. Nilingon ko naman.

"I'm your partner." Sabi nung Gwapong nilalang na nasa likod ko naka-upo.

Andiyan na pala iyan. Akala ko hindi pa rin siya papasok eh. Ang tagal niya rin hindi pumasok. Pati iyong dabarkads niya na full bangs blonde at mahawk hairdo minsan lang pumasok. Tapos parang okay lang sa mga Teachers namin. Unfair di ba?

"=_____=" Tumango nalang ako. Actually hindi naman patanong ang pagkakasabi niya nun. DECLARATION IYON. IM YOUR PARTNER. OH SEE. TSK. Pero ayos na rin. Kaysa wala di ba.

Umayos nalang ulit ako ng upo. Medyo masama pa kasi loob ko sa kanya. Sa ginawa nilang pang-iiwan saken kahapon. Sa Jollibee. Nakakasama talaga ng loob.

Naalala ko lang kahapon. Matapos ko mangutang doon sa chinitong holdaper. Minalas ako talaga.

"Ineng saan ito?" Tanong ng konduktor ng bus na sinakyan ko pagkaabot ko ng Fifty Pesos.

"=____=" Napatingin lang ako dito. Ano bang ibig sabihin nito ni Manong sa tanong niya?

"Saan bababa ito Ineng?" Tanong ulit ni Manong kondoktor na medyo naiinip na yata.

Nataranta ako kasi mukhang papagalit na ang mukha niya. Ano bang isasagot ko?

"Sa babaan?" Patanong ko pang sagot. Tama ba sagot ko? Tama naman ... sa babaan naman talaga di ba?

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now