#51//: Choosing between Truth and Lies

679 9 0
                                    

#51//: Choosing between Truth and Lies

. . . Sarah POV . . .

Matapos ko maayos ang gamit ko ay lumabas na rin ako ng bahay at saka sumakay sa bike ko na nakaparada sa harap ng bahay. May dadaanan kasi ako bago dumiretso ng school. Mga ilang street lang naman at narating ko na ang pupuntahan ko.

"Oppa!" Kaway ko kay Junki Oppa na nagdidilig ng halaman sa bakuran nila.

Kumaway naman ito saka ako sinenyasan na pumasok nalang. Paglapit ko dito ay humalik ako sa pisnge niya. Nakagawian ko na iyan kaya huwag na kayo manibago huh.

"Si Cha? Nakabihis na ba?" Tanong ko dito.

Tumango naman ito. "Puntahan mo nalang sa loob. Baka tapos na magbihis iyon."

"Mabuti naman kung ganun." Pumasok na ako sa loob at saka hinanap si Cha. "Besplen!!! Where are yow?!" Tawag ko dito habang nag-iikot sa bahay nila. Nang di ko siya makita ay nagpasya akong i-check siya sa loob ng kwarto niya. Hindi naman ako nagkamali. Andun siya nakaupo sa may kama niya at hawak-hawak ang stuff toy na pusa na kulay asul na bigay ni Leader.

Napabuga nalang ako ng hangin saka kumatok ng malakas sa pinto niya. "Cha! Tara na! Late na tayo!" Masiglang tawag ko dito.

Walang gana na nilingon ako nito. Para siyang patay na naressurect actually. Mas lalong nadevoid ng emosyon ang mata nito. Pati parang napaka-lifeless ng aura niya. Parang wala na siyang ganang mabuhay. Iyan ngayon ang makikita niyo sa besplen ko. Ganyan na siya simula ng mawala si Leader.

At ngayon araw na ito ang unang araw ulit na papasok kami ni Cha after ng nangyari sa amin nila Rouke. Mahigit isang buwan rin na hindi kami pumasok. Actually sinabayan ko lang talaga si Cha. Bukod sa nagpagaling kami ng injuries namin, si Cha wala na talaga iyan balak pumasok. Lagi lang iyan nagkukulong dito sa kwarto niya. Mabuti nga at matapos ng nakakamatay na pag-aaya ko na pumasok na siya, ay heto papasok na kami ulit.

"Cha alam mo ba na pinahiram ako ni Karen ng mga notes niya sa mga subject natin? Gosh! Pwede na tayong maka-catch up sa kanila! Ito oh!" Inabot ko sa kanya iyong mga notes na hawak ko. Pero tinitigan niya lang iyon kaya binaba ko nalang. "Hehehe. Pwede naman natin itong aralin next time."

Actually ang hirap ng ganito. Gusto ko na umiyak pero ayoko ipakita iyon kay Cha. This time ako naman ang magpapakatatag para sa amin. Kaya mas nilawakan ko iyong ngiti ko. "Tara na nga!" Hinila ko na siya saka kami lumabas ng bahay. "Oppa alis na kami! Ako na muna bahala kay Cha."

"Sige ingat! Paki batukan nalang si Noona kapag nag-space out na naman iyan." Biro ni Oppa.

Iniwan ko na ang bike ko kina Cha at naglakad nalang kami. Syempre hawak-hawak ko si Cha na tulala habang naglalakad kami. Alam niyo iyong feeling na effort na effort ako kakakwento pero wala naman nakikinig? Sigh.

Pagdating namin sa school ay pinagkaguluhan pa kami ng mga classmates namin. Ang dami nilang tanong lalo na at wala na daw ang RP. Oo alam ko iyon syempre. Binalita iyon saken ni Ange eh.

"Si Balle ba talaga iyon? Para siyang patay na nabuhay lang ah." Comment ni Chocolate.

Nginusuan ko naman ito. "May sakit kasi si Cha kaya ganyan siya. Hindi pa siya magaling nu. Kaya pwede huwag kayong chismis ng chismis."

"Chismis agad? Di ba pwede nagkokomento lang?" Chocolate.

"Teka ano bang nangyari? May kinalaman ba si Balle sa pagkawala ng mga RP Prince?"

Ang dami pa nilang tanong pero wala akong sinagot. Wala talaga sila alam sa nangyaring bangungot sa amin. Sabi pa ni Ange wala daw nakakakaalam sa nangyari sa mga RP Prince. Basta bigla nalang nakita nila na naka-lock na ang Gate ng RP Building. At isang buwan na rin mula ng di na nila makita ang mga ito.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now