#24//: Math Camp Pt.5

1.8K 25 3
                                    

#24//: Math Camp Pt.5

[okay , in this chapter, lahat ng character ay may POV hahaha... give way din sa kanila nuh... mga supporting character rin ang mga iyan.. at iyong mga bet niyong loveteam.. im giving them a small break hahahaha ^^

SARAH CADE (READ AS KEYD) ON THE UPPER PART.

. . . Sarah POV . . .

Ang ganda naman ng ginawa nilang bonfire. Mas malaki pa nga kaysa sa akin. Nainggit naman ang height ko di ba!

Then nagyaya si Prince Ren na mag-mallow kami. So gumawa kami ng maliit na bonfire tapos si Karen ay nilagyan ang stick ng mga mallows. At ngayon nakaikot na kami dito sa bonfire. Pinapainitan namin iyong mallows on stick namin nang magsalita si Rouke.

"Tama na iyan Maria. Sunog na ang mallows natin." Untag nito sa tulala na si Lola.

"Ano ba kasi ginawa mo kay lola at kanina pa tulala iyan?" Tanong ko kay Rouke na tinawanan ng iba naming kasama.

"Che may iniisip lang ako. Oh hayan mallows mo saksak mo sa baga mo!!" Inis na sabi ni Luisa na binigay kay Rouke ang mallow niya.

"Pwede bang sa bibig muna isaksak? Ang sadista mo naman .." Paawang sabi nito saka tumingin sa bonfire.

Ako na nagsasabing magkaka-developan ang dalawang iyan. Di ba nga the more you hate the more you love hehehe. Pero kung iniisip niyo sa amin ni Red applicable iyan? Naku masasabi ko na huwag muna ngayon.

"Hoy Cris emo ka na naman diyan? Ikain mo muna iyan." Nakanguso kong inabot sa kanya ang mallows on stick na hawak ko. Katabi ko siya ngayon at naiinis na ako sa ka-eemo niya. Nagmumukha na kasi siyang emongoloid eh... siya naman pala may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ng gf niya.

"Salamat Sarah mabuti nalang talaga at naligaw ako sa tent niyo at heto nagkaroon ako ng instant friend." Madrama nitong sabi.

"Ayos lang basta iyong advice ko huh... sundin mo lang iyon.." Hinimas-himas ko pa ang likod nito para pagaanin lalo ang loob nito. Nagkatawanan lang kami nung maalala namin iyong inadvice ko sa kanya. Purely kalokohan kasi iyon ehh... ahahahaha!

. . . Luisa POV . . .

Hanu ba yan naiilang talaga ako sa bwiset na Rouke na ito. Sino bang hindi maiilang matapos ng ginawa niya kanina... at kamusta naman ako ngayon? Ano bang ginawa niya kanina? Bigla ba naman akong hinalikan sa ilong! Argh!

Hanggang ngayon heto kinikilabutan pa rin ako... mabuti pa si bunso puro tawa lang ang ginagawa nila ng new found friend niya daw. Si Cha hayun hinatid na ng prince niya sa tent nila... inaantok na daw ehh.. di ko nga lang alam kung sa tent talaga ang bagsak nila...

Matulog na rin kaya ako? Tama itutulog ko nalang ito para maginhawaan ang magulo kong utak!

"Mauna na ako inaantok na rin ako ehh" Paalam ko sa kanila. Tumayo na ako saka pinagpag ang puwetan ko.

"Hatid na kita Maria." Alok ni Rouke na tumayo na rin.

Bubulyawan ko sana ang mokong na itigil niya na ang kalokohan niya kaso andun sina Edward sa malapit sa amin eh. Sigh.

"Sure.." Pilit na ngiting sabi ko. Ako na ang manggagamit ngayon. Wala naman masama siguro kasi I just want to show them that I'm over them na di ba.

. . . Red POV . . .

Tahimik lang ako sa circle namin... at ano ginagawa ng gwapong tulad ko? Heto tinitignan si Sarah na tawa ng tawa kasama ang classmate ko yata, iyong patpatin na iyan.

Hoy wag niyo isipin na nagseselos ako huh. Huwag nga kayo magpatawa! Naiinis lang ako kasi di ba ako ang gusto niya pero bakit di na niya ako pinapansin?

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora