#31//: Boyfriend vs. Boy- Friend

1.7K 21 0
                                    

#31//: Boyfriend vs. Boy-Friend

HANSEL LLOYD REYES ON THE UPPER PART.

. . . Chazii POV . . .

"GIRLFRIEND?!" Gulat naman na react ni Oppa. Pero hindi namin siya pinansin haha.

"=_____=" Tinanguan ko naman nalang si... sino nga ulit ito? Tinanguan ko nalang dahil tinatamad akong magsalita para batiin rin siya. Umupo kami sa sofa pero magkahiwalay huh. Hindi naman kasi kami close para maging close rin kami sa upuan. Tsk. Corny.

"Anyway here's your ID. Diyan ko nalaman ang contacts mo at ang address ninyo." Inabot niya saken iyong ID ko. Kinuha ko naman saka tsinek kung akin at Oo akin nga.

"=______=" Tumango nalang ako nang masigurong akin iyong ID. Tapos ano na? Palayasin ko na kaya? Total nabalik na naman iyong ID ko. Wala na siyang gagawin pa dito.

"Hindi ba ikaw si Hansel Lloyd Reyes?! The International Sensation, Model at Singer?!" Biglang eksena ni Oppa matapos nito titigan ng ilang minuto si Hansel (ang kapatid ni Gretel bwehehe). Alam niyo naman si Oppa may lahing papansin. Hindi napansin ang reaction niya kanina kaya hayan umeeksena na naman.

"=_____=??" International Sensation, Model at Singer daw itong lalaking ito? Parang tulad ni Justin Bebe ba iyon? Or ni Zack Apron ba iyon? Mga sikat internationally na di ko naman knows.

"The only one. Hansel Lloyd at your service." Nakangiting sabi ni Hansel (na pwede ring kalaban ng Rebisco at Fita bwahaha!!) habang nakangiti ala MVP of chinese garter.

"Big time pala ang bagong boyfriend ni Noona. Hahaha dito ka na kumain huh. Nagluto pa naman ako ng special adobo." Si Oppa na nakaakbay na kay Hansel. Tsk. Akala ko si Hansel lang FC (feeling close) pati pala si Oppa. Papansin na, FC pa.

" Sure. I bet it taste really good. Amoy palang eh." Halatang pambobolang sabi ni Hansel saka umamoy-amoy pa sa hangin. Lalo tuloy siyang nagmukhang aso.

Hindi naman nagtagal ay pumunta na kami sa kusina at kumain. Oh well... nagugutom na rin naman talaga ako kaya walang diet diet ngayon.

TOK TOK TOK.

"Noona may tao buksan mo yung pinto.." Sabi ni Oppa saken. Busy kasi ito sa kakalagay ng sandamukal na pagkain sa plato ni Hansel. Samantalang ako hindi man lang inaasikaso. Sino ba ang kapatid niya huh?

"=_____=" Kakainis. And daming istorbo. Pakain na ako eh. Pero bago ako pumunta sa may pinto ay sumubo muna ako. Kaya ngumunguya ako ng buksan ko iyong pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay muntik ko nang maibuga lahat ng nasa bibig ko dahil sa nakita ko. Jezz. Mabuti nalang nasayangan ako dito sa nginunguya ko. Aba! Nakakapagod ngumuya nu tapos ibubuga ko lang?! Wag na lulunukin ko nalang ito.

"Eoreum sorry na ..." Tama si Gwapo iyan. May hawak siyang plastik na puno ng kwek-kwek at may nakahiwalay na plastik ng suka nito. Pinapainggit niya ba iyan kaya siya nagpunta dito?!

"=_____=" Bumalik nalang ako sa kusina para ituloy ang pagkain ko at expected na susunod nga si Gwapo saken. Hindi ba kayo na-inform na may lahing aso iyang si Gwapo?

"Iyong nakita mo kanina wala iyon... si Clarisse lang dikit ng dikit.." Patuloy na paliwanag ni Gwapo habang nakasunod saken sa kusina.

"Okay =_____=" Walang emosyon ko na sagot dito saka umupo na sa upuan ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Eoreum please believ---- WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Biglang taas ng boses ni Gwapo.

Napatigil ako sa pagnguya ko. Anak ng nagulat ako sa biglang taas ng boses niya! Bakit niya ako sinisigawan? At ano daw ginagawa ko dito?! Hello bahay kaya namin ito! Handa na sana ako bombahin si Gwapo nang magsalita ulit ito.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Where stories live. Discover now