Chapter 1: Tiara's Life

629 6 3
                                    

*This story needs editing*














Naalimpungatan ko ang pakiramdam na may tumapik sa balikat ko.Malamig ang pakiramdam ko at feeling ko matigas ang higaan ko.Kahit di ko man ibuka ang mga mata ko, alam kung maliliyo ako pag gawin ko yun.

Hang over..

"Miss okay ka lang?"rinig ko.

"Tell Lala I need some medicine," wika ko sabay bukas sa mata ko.

Isang cubicle ang nabulwagan ko at nabigla ako dahil wala ako sa kwarto ko.Nasa loob ako ng isang CR.
Sa harap ko ay isang janitor na may dalang mop at katabi ko ang isang inidoro.

"Nasaan ako?"sambit ko at mabilis na napabangon.

"'Black Bar po miss."

Napahawak ako sa kumikirot pa na ulo ko.Yeah,I remember.We went here last night.I was with Cole and Farah.Nakakita pa nga kami ng away nun.We were drunk and Cole bid bye first. Tapos nagsuka ako at sinamahan ako ni Farah sa CR.Yun ang huling natatandaan ko.Pero bakit ako andito?Bakit mag-isa lang ako?

Tumayo ako at lumakad palabas.

"Gusto nyo po ba ng reliever miss?Meron ako sa locker,"offer ng janitor.

Nginitian ko sya."No,thanks."

Sa totoo lang ayaw ko na magtagal roon.Nakakahiya ang gising ko.First time ever na nangyari na sa CR ako nagising.

Lumabas ako ng building at nag-taxi pauwi.Habang palapit ako ng bahay ay tila lalong sumakit ang ulo ko.I know mapapagalitan na naman ako ni Lala.

Pagbukas ko palang ng bahay, nasa sala na si Lala.Prominent na nakaupo sa sofa, tila kanina pa ito nakaupo doon at hinihintay lang na bumukas ang pinto at pumasok ako.

"Hi, Lala.Good morning," bati ko sa masiglang tinig.I don't wanna make her feel I have hangover."Nag-breakfast ka-"

"How can I eat breakfast when my granddaughter was not home since last night?"putol nito at pinukol ako ng masamang tingin.

"Lala-"

"Where were you sleeping last night?"

"At Cole's,"sagot ko at nag-iwas ng tingin.Lalo itong magagalit pag malamam ang totoo.

I heard her sigh.Tumayo ito at lumapit sa akin.Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi."Dear, why are you like this?"madrama nitong sambit.

Tinawanan ko sya."Lala Im getting married in three months!"

"I've known that always.Akala ko ba okay ka dun?"

"I just wanna enjoy,La.At okay ako dun.Alam ko namam yun since ten.Na noong five years old palang ako ay itinakda na akong ikasal sa isang lalaki.Kaya nga ganito ako.Kasi three months from now, di ko na to magagawa.So please?Wag ka na mag-alala sa akin."

Lumambot ang mukha nito."Di ko lang maiwasn.Pano kung may mangyaring masama sa iyo? At di pwedeng malaman ng mga Abram na ganyan ka.Baka anong masabi nila sayo."

"La, problema na nila iyon.Wala pa rin namam silang magagawa dahil kasulatan na iyon.Just like wala rin akong magawa,"hinalikan ko sya sa pisngi."Im taking shower ,La.I'll be down after minutes."

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto saka nahiga sa kama sandali.
Three months to go, I'll be married. That's two months after reaching twenty. Sandaling naisip ko si Mac, naalala ko ang huli naming pagkikita kagabi bago kami nagpunta sa bar.Naiyak ito ng husto at nagmamakaawa na di ko i-break.Nine months, yun ang tinagal namin.Supposed to be, three months lang kami.Hanggang three months lang talaga ako magboyfriend.Yun ang usapan namin.Alam nya na balang araw ay ipapakasal ako sa iba ngunit patuloy pa rin sya sa panunuyo.Sinabi kong sasagutin ko sya pero hanggang three months lang kami, sumang-ayon naman sya.Kaso parehong lumalim ang pagtingin nya sa akin, at ako namay tuluyan nang nahulog sa kanya kaya naging masakit sa amin ang paghihiwalay. Tuwing naalala ko, di ko mapigilan ang mapaluha.Minahal ko din sya. Subalit nakatakda na ako sa iba, at di na pwedeng baguhin iyon.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon