Chapter 54

6K 247 4
                                    



Matapos ang munting reception, sinabihan niya si Thomas na kausapin na nila ang mga magulang nito. Na-guilty siya dahil hindi niya kaagad nasabi ang totoo bago pa sila magpakasal sa Davao. Nasa   dining  sila ng hotel suite  kung saan ginanap ang reception. Pero ngayon hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. May halong tuwa,  kaluwagan ng isip at puso pero mayroon pa rin namang pag-aalala. Inabot ng biyenan niyang babae ang kamay niya na nasa lamesa at tinapik ito nang mahina . Hawak naman ni Thomas ang isa pa habang nakatingin lang sa kanila ang papa nito na nakaupo katabi ng asawa nito.

"Huwag kang mag-alala anak. Hindi kami galit sa'yo. Nauunawaan ko na hindi mo  kaagad nasabi sa amin  ang kalagayan mo. At saka minadali ka  kasi ng anak ko at sa totoo lang wala namang kaso sa amin 'yon. Masaya kami lalo ako na nakahanap ang panganay ko ng  mabuting babae  na  makakasama niya sa buhay. Kung magka-anak kayo bonus na lang 'yon. May mga mag-asawang hindi biniyayaan ng anak pero maayos pa rin ang pagsasama.   At sa panahon ngayon mga anak, marami nang pwedeng gawin ang medisina at siyensa para sa mga problema na kagaya ng sa'yo. Matagal rin bago ako nabuntis kay Thomas. Mahigit limang taon. Ang pinsan ng papa niyo ang tumulong sa amin. Doktora siya. Ngayon naman ang anak niya ang hihingan natin ng tulong," nakangiting sabi nito sa kanila.

Pinilit niyang hindi magbaba ng mga mata at patuloy na tumingin lang sa mabait na biyenan niya. May ngiti ito sa labi at ramdam niya na sinsero ito sa mga sinabi. Pati ang mga mata nito ay may ngiti ng pang-unawa.

"That's what I have been  planning to tell her Ma. But knowing my wife, we will just end up arguing because she doesn't  believe most of the things I tell her," seryosong pahayag naman ni Thomas na ikinalingon niya dito. 

Kunot ang noo nito pero intense ang titig nito sa kanya. Tila naumid ang dila niya kaya kahit may gusto siyang sabihin dito, walang lumabas sa bibig niya.

"I know I am not good at words and most of the time my actions ruin everything. I am used to getting what I want instantly and  I am not used to getting a no. It's good that you and Papa  are here because there's a chance that  she might believe me finally,"dagdag pa nito na nagpaawang sa bibig niya nang bahagya.

Hindi niya alam kung aawatin ito o hindi dahil alam na  niya ang susunod na sasabihin nito. Nakaramdam siya ng kaunting hiya kahit pa sabihin na mag-asawa na sila.

"It's okay Kim. Let my son talks about how he feels. Ngayon lang mangyayari 'yan so I am dying to hear it," sabi naman ng papa nito.

His mother patted her hand again before straightening.   Sumandal ito sa upuan na maganda ang ngiti. Tila nakikiusap rin ang mga  mata nito na hayaan lang niyang magsalita ang asawa.  Wala na siyang nagawa kung hindi ngumiti at tumango sa  mga biyenan  bago ibalik ang mga mata kay Thomas. Napalunok siya nang makita ang  mukha nito na tila mas lalong gumuwapo dahil sa kislap sa mga mata nito at maaliwalas na ngiti sa labi. Kinuha nito ang isa pang kamay niya na nasa lamesa. 

"Don't stress yourself about having kids darling. I realized that you're enough for me. I agree with Mama, it is a  just special bonus if you can give me a child. You're all I need. You have to bear with me darling since I am not used to this kind of relationship. But we can  make this marriage work."

Napatango na lang siya . Naramadaman naman niya na totoo sa loob nito ang mga lumabas sa bibig nito. Nakahinga rin siya nang maluwag na hindi nito sinabi ang tatlong kataga na inakala  niyang marinig. It's enough for her at the moment. 'Yon din naman ang ibig sabihin nito. Alam niya na naaalangan itong sabihin ang mga salitang 'yon sa harapan ng mga magulang. Ang pinakamahalaga, alam niya na mahal siya nito. Inakala niyang imposible pero hindi pala. Ang isang Thomas Herrera bumagsak sa kagaya niya  na ordinaryong  babae lang. Hindi maikakaila ng mga mata  niya na masaya siya sa pagbuhos ng totoong nararamdaman nito. Malaki rin ang pasalamat niya na napakabait  talaga ng mga biyenan niya. Tanggap  na tanggap siya kahit malayo ang estado nila sa buhay.

Thomas released a  sexy grin, "It's a relief to know that at last you  listened to me intently darling." 

Inirapan niya ito. "Don't say that. Akala pa nila mama na totoo . Ikaw ang hindi nakikinig sa akin ng madalas."

Natawa ang mga biyenan niya at lalong lumapad ang ngiti ng asawa. Natawa na rin siya sa huli.

"Mukhang alam ko na kailan hindi nakikinig ang asawa mo Kim. Kapag nagseselos  siya hindi ba?" tanong ng mama ni Thomas.

The latter chucked and his father grinned. Nakagat na lang niya ang ibabang labi at hindi na nagsalita pa. Nahihiya siyang aminin  ang totoo. Nagsisi siyang bigla sa nasabi.

"Ganyan din ako Kim. Mana sa akin ang mga anak ko," nakangiting sabi ng biyenan niyang lalaki.

"Huwag kang mahiya pagdating sa mga ganyang bagay. Minsan mag-uusap tayo para maturuan kita sa mga dapat mong  gawin."

Thomas  made a sound of complaint which made her almost giggle.

"Mas malala naman sa akin ang mga anak mo Mahal. Hayaan mo na ang manugang natin na mag-isip ng sariling diskarte. Mukha namang kayang-kaya naman niya, hindi ba Kim?" biro nito sa kanya.

Natatawang tumango na lang siya kaya mas lalong hinigpitan ni Thomas ang hawak sa isang kamay niya pero hindi niya ito nilingon.

"Nga pala Kim, tungkol naman sa sinabi mo na hindi ka anak ng nanay mo, wala rin akong nakikitang problema. Lumaki ka ng maayos at mabuting tao, 'yon ang pinaka-importante."

Nahihiyang tumango siya sa biyenang babae. "Salamat po."

"Mula ngayon kung ano man ang  problema, huwag kayong mahihiyang magsabi sa amin ng Papa niyo."

Sabay silang sumagot ni Thomas nang bigla siyang may maalala. Sinubukan niya bawiin ang kamay sa asawa pero mas hinigpitan nito ang  pagkakahwak kaya tinapunan na lang niya ito ng tingin. Nakita niya na nakakunot ang noo nito pero hindi niya pinansin. Ibinalik niya ang mga mata  biyenan.

"Ma, alam ko po na malapit sa pamilya niyo si Franchesca. Okay lang po ba na ilagay ko siya sa lugar niya? Marami na pong ginawang hindi maganda ang babae na 'yon para masira kami ni Thomas."

Kumunot ang noo nito at inilapit ang katawan sa lamesa para abutin ang isang kamay niya.

"Kim gawin mo ang alam mong nararapat mong gawin bilang asawa ni Thomas. Hindi iba sa pamilya si Franchesca pero hindi namin hahayaan na gawan ka niya ng hindi tama. Anak ka na rin namin at kung ano man ang mangyari, we got your back.  You have my blessings   iha."

Hindi na siya nakatiis na hindi tumayo. Binitiwan naman ni Thomas ang kamay niya. Lumapit siya sa biyenan at yumakap. 

"Maraming salamat po talaga, Ma," bulong niya rito habang hinahagod naman nito ang  likod niya.

Nang tumuwid siya ng tayo, tumayo rin ito. 

"Thank you for giving my son another chance," nakangiting sabi nito bago kinuha ang mga kamay niya.

Nangingilid ang luha na pinisil niya ang mga kamay nito habang nakatingin sa kanila ang mag-ama na bakas ang kasiyahan sa mga mukha.

"Kim!" 

Napalingon sila kay William. Binitawan niya ang mga kamay ng biyenan at mas pumihit para mas makita ng maayos  ang kasunod ng bayaw.

"Tay?" mahinang tawag niya sa ama.




Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now