Chapter 3

14.1K 461 19
                                    


Nagpanting ang tenga niya at ramdam niya ang init na umakyat mula sa leeg niya papunta sa kanyang mukha. Not even Thomas'  steely but still handsome face could stop her from saying what she thought of him. She was immune to his charms.

"Hindi ko lang alam kung kayang sukatin ng ruler ang kakapalan ng mukha mo para sabihan mo ako ng ganyan! Hindi ako bayarang babae! Sorry ka Mr. Herrera pero hindi kita tipo at wala akong balak na maging laruan mo! Pero nakakaawa ka naman pala. Sa estado mo at sa hitsura mo kailangan mo pang magbayad ng babae! Isaksak mo sa maitim na baga mo ang pera mo!" 

Kahit nanginginig ang katawan niya sa galit, taas noo siyang lumabas ng opisina nito. Wala na siyang pakialam kung dalawang beses na siyang nag-walkout mula sa Herrera building. Hinding-hindi na niya gugustuhing  bumalik pa sa gusaling 'yon lalo na sa opisina ng manyakis na CEO. Kahit  harangan pa ulit siya ng guwardiya, hindi na siya maaawat ng mga ito.

                                                             ***

"Kim pasensiya na talaga . Hindi naman talaga inasahan ni Ate Thelma  na mangyayari 'yon. Kasi sa pagkakakilala ko rin sa mga Herrera mababait naman. Mukha lang suplado si Sir Thomas pero hindi masamang tao. Sana hindi ka naman galit sa akin dahil ako ang nag-suggest sa'yo na pumasok do'n," malungkot na sabi ni  Ellen.

Huminga muna siya ng malalim. Nagpipigil siya na sabihin dito ang  sobrang ikinagalit niya which was Thomas' indecent proposal. Ayaw niyang basta na lang kumalat ang balita tungkol do'n. Si Ellen pa naman ang reyna ng mga tsismosa sa spa. May pinaplano na siya laban sa lalaking 'yon. Hindi naman niya papalampasin lang ng  basta-basta ang nangyari.

Ngumiti siya ng tipid habang  kunwa'y abala sa pag-aayos ng mga brochures  na nasa lamesa. "Ayos lang. Hindi naman ako galit sa'yo o sa ate mo. Okay lang ako." 

Masiglang lumapit ito sa kanya para tulungan siya sa ginagawa niya at nag-umpisa  na itong chumika.

"Pero Kim, atin atin lang ito ha? Alam mo ba na may pagnanasa ako kay Sir Thomas kaso hindi ako papasa do'n. Pinipilit ko nga ang ate ko na ipasok ako sa kompanya nila  kahit  anong trabaho kaso ayaw niya. Pagkakamali ko kasi nasabi ko na crush ko ang boss niya. Takot siguro na gapangin ko," natatawang sabi nito  na may lakip na kilig.

"Bakit ka naman hindi papasa? Maganda ka naman,"  pang-aalo niya.

Umiling ito, "Ibang level ang mga tipo ng mga gano'ng klaseng lalake. Lalo na mayaman at ubod ng guwapo. Sayang nga si William at Jake lang ang may social media kaya kahit paano na-sisilayan ang pagka-macho nila. Lalo na si William dahil modelo nila. Si Sir Thomas kasi mas misteryoso kaya mas kaakit-akit lalo na para sa akin. At hindi ko man na-sight pa ang katawan niya habang nasa gym, feel ko maskulado rin kasi halata naman sa tindig at kapag naka-long-sleeves namumutok ang biceps. Mapansin lang niya ako puwede na akong mamatay...hay!" tila nangangarap na sabi nito.

Kumunot ang noo niya, " Sorry Ellen ha? Pero sa totoo lang ang mga guwapo na ganyan ang mahilig mag-take advantage. Porke may hitsura at pera akala nila kaya na nilang gawin lahat ng nainisin nila. Hindi nga lang  maikakaila na gustuhin sila pero sana naman mas madaming babae ang pagisipan munang mabuti kung worth it ba na naising magpagamit o  maging jowa ang mga gano'ng tipo? Kung mas papahalagahan natin ang ating mga sarili, walang magsasamantala sa atin. Mas gugustuhin ko pa ang hindi guwapo pero may respeto."

"Hay naku Kim madali sa'yo na sabihin 'yan kasi napakaganda at talino mo. At ang nakakabilib pa sa'yo kahit puwede ka namang maghanap ng ibang trabaho na maganda ang sahod, nagtitiis ka dito."

"Malaki ang utang ng loob namin sa pamiya ni Tita Linda. At hindi naman mahirap ang trabaho dito at dito, alam ko na walang mambabastos sa akin. Aanhin ko ang malaking sahod kung bastos naman ang boss ko?" 

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now