Chapter 50

6.2K 291 21
                                    




"Oops! Sorry if I was too blunt. Well who knows? Maybe you can keep Thomas for a few weeks more but don't hold your breath!" dagdag pa nito bago tumayo at nagdial sa cellphone. "Jillian you won't believe who I just talked to!" pabulong na sabi nito sa kausap.

Ni hindi niya tinignan ito dahil naka-focus ang mga mata niya sa baso ng iced coffee. She is having a lot of different emotions at the moment. Nagpapakatindihan ang mga ito ng epekto sa katawan, isipan at puso niya. Ang sakit-sakit lang kasi aminin man niya o hindi, hindi pala siya totally immune kay Thomas dahil may nararamadaman na siya ng kaunti para dito. Sa una ayaw niyang paniwalaan ito sa mga pinagsasabi at pinaggagawa nito sa kanya sa Davao para lang maging totoong sila. Nakaramdam siya ng inis sa sarili niya dahil hinayaan niyang humantong sila sa kasalan na sa bandang huli ay peke lang pala. Hindi niya matanggap na hindi niya napanindigan na hindi siya marupok. She hates that cunning man to the core! Thomas Herrera is really unscrupulous! Consistent talaga ito kahit noong una pa. Kaya nitong gawin ang kahit na ano makuha lang ang gusto nito . Sa isang banda maganda rin naman ang nangyari dahil madali na siyang makakakalas dito pero the truth of the matter is galit na galit siya dahil naisahan siya nito. Tiwala pa naman siya sa sarili na hindi siya magpapaloko rito pero ito na nga. Sinampal  na siya ng katotohanan na hindi siya kailanman sineryoso nito. Ang hinala niya ay ginagantihan siya nito dahil sa pang-iiwan niya sa ere rito noon.

"Kim!"

Napakurap siya at iniangat ang mga mata kay William. Kunot ang noo nito na inokupa ang upuan na binakante ng babae. May pag-aalala sa mga mata nito.

"Anong problema? May sinabi ba sa'yo si Franchesca? Nagkita kayo?"

Umiling siya at tumuwid ng upo. "Maari mo bang sabihin sa akin kung ano talaga ang relasyon ni Thomas sa kanya? Gusto kong malaman ang lahat-lahat."

Napabunot ng malalim na hininga si William pero hindi siya agad sinagot nito. Kumaway ito sa waiter para umorder. Hinayaan muna niya dahil tiwala siya na sasagutin nito lahat ng tanong niya tungkol kay Franchesca.

***

Nagmamasid si Thomas sa nangyayari sa loob ng cafe habang nakasakay pa ito sa sasakyan nito. Mula sa kinauupuan nito ay kitang-kita naman nito ang asawa at kapatid. May tamang distansiya naman si William kaya kalmante naman ito. Pero kung hindi lamang importane ang pag-uusap nito at ng nasa kabilang linya ng telepono, ay sabay sana ito at si William sa pagpasok sa cafe. Hindi naman ito masyadong nag-aalala dahil pinagbilinan naman nito ng maayos si William. Ang totoo lang naman tungkol kay Franchesca ang sasabihin nito kay Kim.

"Sorry for keeping you waiting sir. Na-iforward ko na po sa superior ko at tatawagan daw kayo kaagad for the update," magalang na sabi ng babae.

"Okay. I'll wait for his call today. Once everything is confirmed, my secretary will send the money to Miss del Rosario within the day. "

Tinapos nito ang tawag at bumuntong hininga. Ang mama naman nito ang tatawagan nito .Nothing changed sa unang plano. Mas maganda na ang nakakasiguro. He can't let this day end without his plan being fulfilled. Wala namang mawawala kung itutuloy ito. It is still to his advantage.

***

"Kayo ang magkababata ni Franchesca pero si Thomas ang gusto niya," walang emosyon na sabi niya.

Tumango si William. "May kasalanan rin naman siguro ako. Hinayaan ko lang siya na ilapit ang sarili sa kapatid ko dahil akala ko kasi magugustuhan rin naman siya ni Thomas. Franchesca is very attractive and our fathers are best friends so I thought all the while, she is a perfect match for my brother. I did warn her to stop throwing herself at Thomas when I noticed that the feeling is not mutual kaso walang nangyari. She became obsessed with him. Buti na nga lang hindi niya napikot si Thomas."

"Hell hath no fury like a woman scorned. Hindi na ako magtataka sa mga pinaggagagawa niya," sabi niya para sana sa sarili pero naisatinig niya.

Tumango si William. "Kaya hangga't maaari, huwag kang magpapaapekto sa kanya. Hindi ko alam kung kailan niya matatanggap ang lahat kaya patuloy pa rin siya sa paggawa ng paraan para makuha si Thomas. She is still my friend but it's not the same anymore. Blood is thicker than water. Sa ginawa niya just to get my brother, I can never trust her again. Mag-ingat ka pa rin kahit na gagawin namin lalo na ni Thomas ang lahat para hindi ka niya magawan ng masama."

Ipinagpapasalamat niya ang sinabi ni William pero the fact is ang kapatid nito ang nanloko sa kanya. What Thomas did is unforgivable.

"Maganda si Franchesca pero may pagka-tanga at mababaw. She let herself be fooled by your brother's looks and didn't even see past them. Kung kinilala sana niyang mabuti ang kapatid mo 'di sana hindi siya nagkaganyan. Thomas' true colors ruin everything about him and if you ask me, maraming lalake sa tabi-tabi na mas deserving pagtuunan ng oras at panahon," she said with a light laugh.

"RIP to those douchebags because I am going to eliminate all of them!" Thomas said menacingly.

Ni hindi niya ito nilingon. Nag-klaro naman ng lalamunan si William at tumayo. "I think it's best if we go," bumunot ito ng isang libo at inilagay sa lamesa.

Hindi naman siya nagpatinag sa boses ni Thomas. Wala rin siyang balak umalis. Inabot niya uli ang kape at uminom. Kahit galit na galit siya sa nalaman niya, hindi niya ipapahalata kay Thomas.

"Hayan na ang kape mo," she told William in a cool voice nang mapansin ang palapit na waiter.

Hindi niya maiwasang hindi tumingin nang hinablot ni Thomas ang upuan sa tapat niya at galit na umupo ito. Madilim na madilim ang mukha nito at naniningkit ang mga mata na titig na titig sa kanya.

Tinapunan niya ng tingin si William na kinuha ang kape sa waiter at piniling umupo sa kabilang lamesa.

"William must have told you everything about Franchesca and what she is capable of doing. I will try to understand your reaction to what she probably said or did to you but that will be the last time that you will say something like that! I will not have second thoughts of trashing scumbags dear wife so don't even think about f*cking with me however angry or jealous you are of Franchesca!"

Muntik na niyang isaboy ang kape dito pero nagpigil siya. Kung makatawag pa rin ito ng dear wife sa kanya para bang hindi nito pineke ang kasal nila. Kalmado niyang ibinaba ang baso at tumingin dito ng walang kurap.

"I don't remember asking you to come. Si William lang ang gusto kong kausapin," lumingon siya sa huli, " I know blood is thicker than water but I asked you to come to just clarify things. Wala naman akong balak gawin sa kapatid mo," sumbat niya dito.

"Sorry Kim. Magkasama kasi kami..." hindi nito natapos ang sasabihin dahil nagsalita si Thomas.

"You may find it hard to believe darling but I was worried about you. I was also curious why you wanted to talk to my brother about Franchesca. I invited myself so it wasn't his fault."

She shrugged her shoulders and sipped more coffee.

"And I had to come because we are going to an important event. I'm sorry to say but I don't trust you to come on time since you seemed annoyed with me because of Franchesca."

Tumaas ang isang kilay niya. "Event? What event?"

"I want us to get married again here darling. Papunta na sila mama sa venue so we better go now."

Muntik na niyang malaglag ang hawak na baso sa sinabi nito.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now