Chapter 2

15.6K 454 28
                                    

"Ano?! At bakit ko isusuot ang mga 'yan?!" 

Nagpamewang  siya at naningkit ang mga mata. Handa na niyang batuhin ng dala niyang shoulder bag  ang guwapo nga pero mukhang may sayad na manyak na lalake na sa kasamaang palad, mukhang boss.  At ang nakakaloka pa, mas lalong kumunot ang noo nito  dahil  nagmura ito ng mahina bago isinuklay ang kamay sa buhok and he looked annoyed  with her. She was ready to say what she thought of him nang lumabas ang isang babae sa pintuan sa kaliwang bahagi ng silid na mukhang pantry. May dala itong tasa ng kape.

"Kim!"  Gulat na tawag nito bago  naglakad papunta sa hari ng mga manyakis para ilapag ang kape sa lamesa nito.

"I am disappointed in you Miss Rosales! Ngayon ka lang yata pumalpak sa mga nirekomenda mo? She is shorter than I expected but never mind!  Just make her change and put on those lingerie so I can decide! " the man said in an irritated voice.

Naikuyom niya ang mga palad. "Aba't...!" 

"Ay sir! Hindi po siya si Denise siya po si Kim!"

"Hindi na bale Thelma! Hindi ko kailangan ang trabaho kung ganyan naman kabastos at kawalang-modo ang boss mo!Salamat na lang pero pasensiya na. Hindi mo naman kasi sinabi na ubod pala ng sama ng ugali ng amo mo!"  Inilipat niya ang tingin sa lalake.  "Kung maliit man ako hindi'yon nakakabawas sa pagkatao ko! Ikaw nga mukhang disente  at mayaman pero basahan ang ugali! Manyak pa dahil basta-basta mo na lang paghuhubarin ang babae sa harapan mo? Manigas ka dahil kahit kailan hindi mo masisilayan ang katawan ko!" pinanlakihan niya ng mga mata ito bago siya tumalikod.

Hindi niya namalayan na nangingnig pala siya sa galit. Ni hindi nga niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng sekretarya. Basta mabilis na  naglakad siya palabas. 

"Hey watch it! Okay ka lang miss?"

Kung hindi siya hinahawakan sa braso ng matangkad na lalake, matutumba siya  matapos niyang tumama sa  matigas  na katawan nito. Itiningala niya ang ulo para makita ang mukha nito. 

"It's your fault Will, " sabi ng boses ng lalake  sa  likod nito.

Ilang sandali rin siyang natigilan habang palipat-lipat na tinignan niya ang dalawang matatangkad at napaka-gugwapo na mga lalake. Naka-long sleeves  ang nakabangga niya habang naka-casual wear ang obviously mas bata sa dalawa na nasa likuran. It struck her na kahawig ang mga ito ng mayabang na boss ni Thelma. Realizing that, ipinagpag niya ang kamay ng lalake na may hawak ng braso niya. She went past them na taas ang noo.

"Kim! Sandali!" Dinig niya ang boses ni Thelma pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. 

Itetex na lang niya ito mamaya. Kumukulo pa rin ang dugo niya at ayaw niyang sila naman ang magka-diprensiya. Ang pagkakaalam niya retail sales associate ang magiging trabaho niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang maghubad sa harapan ng boss nito. Nakalabas na siyang ng gusali nang bigla na lang siyang harangin ng isa sa mga guwardiya. May kinausap  ito sa dala-dala nitong radyo. 

"Ma'm sandali lang  po," magalang naman na sabi nito pero hinarangan nito ang dadaanan niya.

"Bakit kuya?" Nagtatakang tanong niya. 

"Kim!" Boses ulit ni Thelma.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang lingunin ito. Worried at apologetic ang mukha nito na mabilis na lumapit sa kanya.

"Kuya Edgar sige okay na. Salamat," tumango ito sa guwardiya  at hinawakan ang kamay niya. "Nagkalituhan lang Kim. Halika eexplain ko sa'yo."

 Hinila siya nito pabalik ng gusali at tumuloy sila sa  maliit na cafe sa lobby.

Branding My Minx (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें