Chapter 37

6.6K 262 18
                                    


Bugbog sarado sana si Derek kung hindi naawat ni William ang kapatid. May kasunod din na security ang mga ito who apparently William  asked  to go up to the room with them.  May pasa si Derek  sa ilalim ng mata at putok ang labi. She didn't have a chance to speak to him   again nor show her sympathy because Thomas didn't let her. Ngayon ay nasa sasakyan na siya kasama ang magkapatid.  Nababalot ng katahimikan ang  loob ng kotse. Nakapwesto siya sa likuran . Si William ang nasa manibela. Katabi nito ang nakatiim-bagang na si Thomas.

"We will drop you off my at mother's. Unfortunately they still believe in the superstition that the groom can't be with the bride before the wedding. We don't want any bad luck before it.  Do we darling? " malamig na tanong nito na bumasag sa katahimikan.

Napatingin siya sa salamin.  Nasa kanya ang mga mata ni William. Nginitian  siya nito ng bahagya. Tumango lang siya at inilipat na uli ang mga mata sa labas ng bintana.

"Kung may balak kang kausapin ako tungkol sa nangyari bago ang kasal, huwag mo ng ituloy. I don't want to give you an explanation nor I want to listen to yours," sabi niya sa malamig rin na boses kay Thomas.

Inakala niya na magsasalita ito. She was glad when he didn't utter a response pero dinig niya ang malalim  na paghinga nito na alam niya dahil sa pagpipigil ng galit. 

"Pull over!" biglang  utos nito kay William.

"Ha?" litong tanong ng kapatid nito.

"I said stop the f*cking car!" 

"Okay!" kunot noong sagot ni  William bago itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Pinigilan niya ang sarili na sigawan ito. Alam naman niya ang dahilan kaya ipinapahinto nito ang sasakyan.

"Do I have to repeat myself? Hindi mo kailangang ipahinto ang kotse! You do what I want or hindi na kailangang suwayin ang pamahiin because  there won't be any wedding. Tara na William," sabi niya sa mababa pero may diin na boses.

Nagmura si Thomas ng malutong. 

"Bro?"  tawag ni William na tila tinatanong kung susundin ang sinabi niya.

"Just do it!" 

Hindi na niya napigilan ang sarili na   tapunan ang likod ng ulo nito ng matalim na titig. He was obviously sitting stiffly as he tries hard to control his  anger.  Even the back of his head seems intimidating but not to her. Napahinga ng malalim si William bago paandarin uli ang sasakyan.

"I'll let this one slide darling," Thomas  said in a very cold voice after a while  without turning to look at her.

Nagkibit -balikat na lang siya. Hindi rin naman niya gustong magpatuloy ang sagutan nila na naririnig ni William. Mamaya na siya mag-aapologize dito.  Kawawa naman ito dahil sa malas,  they are confusing him.

***

"You can't even do a single thing I requested you to do!" galit na sumbat ni Chelsea kay Derek pagkapasok na pagkapasok nito sa hotel room.

Napailing ito. "Thank you for your concern. Don't worry I'm okay. But I'm sure that  Thomas won't let me get off the hook that easily. Sa susunod alam kong sa hospital na ang bagsak ko," he said dryly as he advanced to the room, the woman behind him. 

Padabog na isinarado nito ang pintuan. He turned to her. She raised a brow as she looked at his bruised face  down his swollen lower lip.

"Akala ko ba sira ang CCTV sa cafe? How did Thomas know where we were?! I don't want to think that you sold me out!" may dudang sabi ni   Derek.

Branding My Minx (COMPLETED)Where stories live. Discover now