Chapter 14

8.5K 304 23
                                    


Medyo  kumunot ang noo niya nang mapansin ang gulat sa mukha ni William. Mas lumalim ang guhit sa noo niya nang lumingon si Derek dito. Nakakamangha lang na ang bilis nagbago ang expression sa mukha nito. Minsan naguguluhan na rin siya sa mga ikinikilos at madalas sinasabi ni William.  May kakaibang tama ito kumpara sa kuya nito. Gusto niyang ipilig ang ulo. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Not good for her.

"Will! Hindi kita nakasabay sa elevator," nagtatakang sabi  ni Derek.

"Galing kasi ako sa conference room..."

"Derek? What are you doing here?" 

Hindi niya napigilang hindi iikot ang mga mata. Ang magaling na lalake dumating na. Nakakainis talaga  dahil palaging perfect timing sa pagsira ng kaligayahan niya kapag sumusulpot ito. Kagaya ngayon, nandito si Derek na matagal niyang inasam na maka-usap ng ganitong malapitan.  Iba  talaga itong si  Thomas Herrera. Ginulo na nga ang tahimik na buhay niya magaling pang manira ng kaligayahan niya.

Na ginusto mo naman!  Nasilaw ka sa salapi kaya huwag kang magmalinis Kim! - sermon niya sa sarili.

Natatawang sumagot si Derek, "Am I not allowed to come unannounced?"

"Ah hindi naman sa ganoon pinsan! Ang totoo niyan kami dapat  ni Jake ang pupunta sa lungga mo  mamayang gabi!  Ilang araw ka nang MIA. Akala kasi namin napano ka na," nakangising sabi ni William. Lumapit ito kay Derek at tinapik ang  balikat nito , "since nandito ka na, you might as well see my new office. Pinabago ko ang interior at may importante rin akong sasabihin."

Biglang nataranta siya. Hindi niya gustong makasama ng solo sa opisina si Thomas. At ayaw niyang pakawalan ang pagkakataong makausap pa  ng mas matagal si Derek. 

"Will pwede akong sumama? Gusto ko ring makita ang opisina mo," may kakapalan ang mukhang sabi niya.

Muntik na siyang mapangiwi. Feeling close siya dito pero ganoon talaga ang desperada. Nilaparan niya ang ngiti at pati mata niya pinangiti na rin niya na sana lang effective. Natigilan ito.  Lumingon naman sa kanya si Derek na maganda ang pagkakangiti na lalong nagpalakas sa loob niya na ipilit ang gusto niya.

"I can bring you there later. We also have something to discuss," dinig niyang sabi ni King Thomas na as usual kontrabida. Kagaya ng nakasanayan nito, para itong hari kung mag-utos.

Kinailangan niyang humugot ng malalim na hininga para kontrolin ang sarili na singhalan ito . Nakakahiya kay Derek. Ito pa naman ang lalaki na kaya niyang sirain ang 'hindi pa ako handa' na palagi niyang idinadahilan kay  Ryan. Trying very hard to look composed, dahan-dahan niyang inilipat ang mga mata sa kamahalan. Panandaliang kumunot ang noo niya. Pagdating talaga sa lakas ng dating at kaguwapuhan, hindi maitatanggi na lamang ito kay Derek. Ikinurap niya ang mga mata. Looks aren't enough. Aanhin niya ang kagaya ni Thomas kung madadali naman ang buhay niya dahil sa stress ?

"Pwede namang isama na namin si Kim  since you seems to be busy," sabi naman ni Derek  na sa kanya nakatingin . Lumingon ulit siya rito   habang may tipid na ngiti  siya ng pasasalamat.  He was like her knight in shining armour.

"I don't remember telling you my schedule today Derek," malamig na sagot ni Thomas na bumasag sa magandang naisip niya.

Sabay-sabay silang napatingin ulit dito na ang mga mata naman ay tutok na tutok sa kanya. What struck her  the most is the way he was looking at her. It was unnerving so kailangang tatagan niya ang sarili at emosyon. At ito pa talaga ang may ganang umasta ng ganito. Siya ang dapat magalit dahil pinaghintay siya nito ng matagal. Nakipaglandian ito sa matapobreng Franchesca na 'yon at her expense? Halatang nagpipigil ito ng matinding galit.   Hindi pa nga niya ito kinausap kumukulo na ang dugo nito sa kanya? 

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon